25-Time Spent with Phoenix

761 51 0
                                    

LINO'S POV

"Let's go master! Kailangan natin aralin ang iba mo pang kakayahan." masayang banggit ni Ellah sa akin. Yun na lang ang tawag ko sa kanya dahil bukod sa iyon ang gusto niyang itawag ko sa kanya, hindi na din ito mukhang matanda.

"Saan naman tayo mag-eensayo? Kailangan ba talaga dala ko itong tungkod ko?" sabi ko sa kanya. Yung tungkod naman kasi pwede ko namang i-summon sa mismong lugar ng pag-eensayuhan e. Gusto niya bitbit ko na agad. Dagdag ba itong patusok kong sumbrebro na may nakalaylay sa tuktok at ang kapa kong itim na may scarlet color.

"Hindi pwede master! Kailangan masanay ka na sa dala mo at itsura mo! Grabe ang ganda ganda mo master!" masayang turan nito sa akin. Hays. Napabuga nalang ako ng hangin sa mga sinasabi nito. Never ko naman na-experience masabihan ng mga ganon kaya ayoko agad maniwala. Malay ko pa baka binobola lang ako nito kasi master niya ako.

"Tara na master! Sabihin mo nga pala muna beast form para maging ibon na phoenix na talaga ako!" utos nito sa akin. Teka akala ko ba ako ang master? Hays.

"O-okay sige! Adsumo Fenix Beast Form!" sabi ki at naging isang Phoenix na nga ito na umaayos ang dulo ng kanyang balahibo.

"Ngayon master! Nakikipag-usap ako sayo ngayon gamit ang isip ko. Subukan mong magteleport sa mismong bulwagan ng academy na ito." sabi niya sa akin. Napakunot ang noo sa narinig ko.

"Hindi naman ako teleporter ah?" bugnot kong sagot dito. Napatawa naman ito dahil sa sinabi ko.

"Kaya mo yon! Sige na. Isipin mo lang mabuti ang lugar na yon and boom! Andon ka na!" sabi niya na akala mo ang dali-dali.

Ginawa ko naman ang lahat ng sinabi nito. Pinikit ko ang mga mata ko at inisip ang mismong bulwagan. Pinakaramdam kong mabuti. Bigla nalang parang nahihigop ako at nakaramdam ng konting pagkaliyo.

"Wow! Master! Ang bilis mo matuto!" sabi ni Ellah. Bigla akong napamulat ng mata at nakita ko ang bulwagan ng academy! "Wait nagawa ko? Omyy nagawa ko ngaa Ellah!" hindi makapaniwala kong sabi dito.

"Ngayon master ako na ang bahala sa bandang ito. Dadalhin kita sa spiritual realm para don mag sanay!" sabi niya at sumakay siya sa tuktok ng aking tungkod. Naglabas ako ng pulang liwanag at sa isang iglap lang ay napunta ako sa lugar na sobrang pamilyar sa akin.

"Nasan tayo Ellah? Wait, alam kong spiritual realm ang sabi mo pero bakit parang pamilyar sa akin lugar na ito?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Dahil nung unang lumabas ang magic mo. Dito mo sita nagawang i-unlock ng walang kahirap-hirap." sabi niya at kusang bumalik sa anyong tao nito.

Unang i-unlock? Teka pano niya yun nalaman? Hindi pa kami magkasama non ah?

"Teka pano mo siya nalaman?" masuri kong tanong dito.

"Dahil spirit mo na ako, master. May iba pang dahilan pero hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo master." sabi niya sa akin at sumeryoso ang mukha. "Magsimula na tayo." seryosong sabi nito. 

Napalunok naman ako dahil sa sinabi nito. Parang seryoso talaga siya sa gagawin namin.

"Ngayon master, may tanong ka ba sa mahika mo bago tayo magsimula?" tanong niya sa akin. Actually madami dahil hindi pa din sapat ang nabigay na impormasyon sa akin ng mga kaibigan ko.

"Ano ba talaga pag sinabing enchanter? High enchanter? Anong limitasyon ng kakayahan ko?" banggit ko dito habang naglalakad-lakad kami sa spiritual realm.

"Enchanter is a mage na may kayang mag attach ng magic sa kahit ano. Kaya baguhin ang attributes ng isang bagay halimbawa kahoy magiging siyang mas matigas pa sa isang metal." sabi nito habang sinasabayan niya ng pagkumpas ng kamay. "High Enchanter, sila yung kayang magcast ng unbelievably powerful spells na nagrerequire ng incredible amount of magical energy — both offensive and defensive." dagdag  ito. Tumigil ito at humarap sa akin. "Sa limitasyon, hmm, kung sa pag gamit ng spells, wala. Hindi ka bounded sa isang element lang. You traverse every element —water, air, fire, earth, lightning, ice, light, dark and energy." paliwanag niya. "Pero you can't resurrect, you can't change what had happened — it means, subjected ka pa din sa linearity ng time scale, like everyone else." sabi niya.

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad. Napaisip naman ako sa mga nasabi niya.

"Pero bakit ang mga time magic users kaya nilang baguhin ang mga bagay bagay sa mundo? Halimbawa, yung yelo, kapag ginamitan nila ng magic nila ng pag fastforward magiging tubig o kaya naman, vapor nalang." tanong ko dito. Napatingin naman ito sa akin.

"Basically master kaya mo din yon. Pero may something in common sa mga na-alter nila — nonliving things." sabi niya kaya napalaki ang mata ko dahil sa mga sinasabi niya. "Kapag may touch of living things or part of living things tulad ng tao, hindi gagana ang time magic dahil maviolate master ang time-scale process ng katawan ng tao." sabi niya. Ah okay andami pala niyang alam. Andami kong natututunan.

"Kaya ba ng time magic user ibalik ang oras?" sabi ko dito. Napatingin ito sa akin seryosong tumitingin. Marahil naisip niya bakit ako nagtatanong ng mga bagay na malayo na sa magic ko. "May spell na kayang ireverse ang oras pero ang kapalit nito ay ang oras ng journey nila. It means tatanda agad sila na kung saan hindi na nila kayang gumamit ng mahika." paliwanag nila.

"Ilang oras naman ang kaya nitong ireverse?" interesado kong tanong. Pumikit ito at nag-isip. "Oras? Segundo kamo. Maswerte na kapag minuto." sabi niya. Ano? Yun lang? Grabe naman yung spell na yun madaya masyado. Biruin mo para sa isang minuto, tatanda ka na agad. Hays.

"Anong ituturo mo sa akin Ellah?" sunod kong tanong sa kanya. Humarap muli ito sa akin at kinumpas ang kanyang kamay. Lumabas ang isang libro at ito'y nagliliwanag.

"Yan ang aklat ni Helena at ang mga enchantments, including the ancient magic." sabi niya. Hinawakan ko naman ito at binuklat. Hinanap ko agad ang dulong pahina pero parang hindi siya nauubos.

"Teka Ellah bakit parang walang katapusan ito. At tyaka pano ko ito maaral lahat ang dami masyado." nakasimangot kong sabi dito.

"Hahahahaha! Enchanter ka. Kaya mo yan gawing parte ng memorya mo sa isang iglap lang kaya wag kang mag-alala." sabi niya pero ng may kagalakan. Pero ang pinagtataka ko ay parang may part siya na kinagulat sa ginawa ko, na parang hindi normal.

Sinunod ko ang sinabi niya at sobrang daming spells na nasa isip ko. Time Magic, Elemental Magic, God's Batlle Magic at marami pang.. wait Dark Magic? Bakit may dark magic?

"May problema ba master?" tanong niya sa akin. "W-wala naman. Naliyo lang ako." sabi ko dito. Bakit may ganon sa mahika ko?

"Sige na master! Subukan naten ang isa sa mga spells mo!" sabi niya sa akin. Nawala naman ang pag-aalala ko at na-excite. Oo nga! Masubukan. Tumango naman ako dito bilang tugon.

Iwinasiwas ko ang aking tungkod at inisip mabuti ang spell na gusto kong mangyari. "God's Battle Magic: Saradomin!" sigaw ko. Biglang nagliwanag ang tuktok ng tungkod ko at nagkaroon ng napakalakas na vertical white beam sa harapan namin. Lumalaki ito at may malakas na pagsabog na nangyari. Sobrang lakas na parang nayanig ang buong spiritual realm.

Nakita ko namang nanglaki ang mata ni Ellah dahil sa ginawa ko. "Master okay ka lang? Nanghihina kaba?" nag aalalang tanong niya sakin.

"Hindi okay lang ako. Parang hindi nga ako napagod e." masayang sabi ko dito at parang nagulat ito sa aking sinabi sa kanya.

"Tara na sa academy? Baka hinahanap na ako." yaya ko sa kanya. Sumunod naman ito pero halatang gulat pa at parang hindi naniniwala. Hays. Nevermind nalang.

------------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now