14-Carlo Vs. Sandro

642 43 0
                                    

Carlo's POV

Naglalakad nalang ako ngayon palayo kung saan kami magkakasamang magkakaibigan. I'm sure Troy has plans bakit niya yon pinagawa sa amin.

*tunog ng gitara**

Bakit may tunog ng gitara dito?

Bigla nalang nakarinig ako ng parang napuputol na sanga kaya napatingin ako sa itaas. Palaglag na ang sanga kaya napatalon ako upang makaiwas.

Naaninagan ko naman sa di kalayuan ang imahe ng isang lalaking naglalakad papalapit sa akin. Nag malinaw na ang itsura nito ay may mga makakapal ito na bigote at may hawak itong gitara. Nakita ko nagstrum ito sa gitarang hawak nito. Nabigla ako ng ang mga puno sa paligid ko ay bigla na lang nagkaroon ng mga malalalim na hiwa at nalalagas ang mga dahon.

Nagstrum ulit ito. Kaya mabilis akong itinutok ang kamay sa kanya. Nagkaroon ng ice wall sa aking harapan. Nabasag naman ito kaagad.

Potek walang kwenta!

"Bakit niyo kami gusto patayin?" pagsisimula kong usap dito.

"Simple lang bata, pinadala kayo ng konseho dito tama ba ako?" tanong niya sa akin. Tumango ako bilang sagot. Well, hindi naman talaga ang magic council kundi si HM. Pero sabi ni HM, utos ito ng magic council. So parang ganon na nga-.

Ikinumpas kong muli ang kamay ko para makabuo ng ice wall dahil nakita kong umatake ulit ito. Kagaya ng kanina, nabasag lang ito. Bumuo ako ng isang malaking ice spike at ibinato ito sa kanya. Bumubulusok ito pero tumugtog lang ulit ito at nabasag ang yelong ginawa ko. Sinubukan kong muling umatake, gumawa ako ng madaming ibong yelo at sunod sunod na ipinaatake sa kanya. Mabilis naman itong tumugtog ng napakadami at nabasag lahat ng gawa ko.

"Sino ka? Sino kayo?" seryosong tanong ko dito.

"Sandro ng Death Riders." nag ayos muna ito ng buhok bago sumagot. Ugh. Ang akala niya siguro ang cool ng itsura niya eh muka naman siyang kuhol.

"Ikaw ano pangalan mo boy yelo?" tanong niya sakin. Corny amp!! Hahaha. Boy yelo daw sabi ng kuhol. Anyway. "Carlo ng Lumen Academy. Andito kami para tulungan ang Village of Villamore." sagot ko.

"HAHAHAHAHAH" tawa ni Kuhol. Bakit naman tumatawa itong kuhol na to. "Tulungan? Papano? Hindi namin kayo hahayaang makatuntong sa lugar na yon hanggat hindi namin nakukuha pakay namin." dagdag nito. Pakay? May treasure ba don or something?

Tumakbo ito papunta sa akin at sunod sunod na tinipa ang mga strings nito. Ngayon nagkakaroon ito ng hugis sa hangin na parang mga espadang patama sa akin. Sumugod din ako ay bumuo ako ng ice shield sa aking kaliwang braso at ice sword sa kanan. Halinhinan kong ginagamit ang weapons ko para makasalag sa atake niya. Nang makalapit na ako sa kanya, inihagis ko ang espada ko at nakita kong umiwas ito at hindi gumamit ng magic.

Kita ko na. Mahina siya sa close combat. Marami ring loopholes magic niya. Dahil kailangan niya ng time para makagawa ng ganong sound waves. Kaya lumapit pa ako dito at sinipa nang malakas ang tyan nito.

"Ugh ahhhhhhh" sigaw nito at napahawak sa tyan. Tumalsik ito sa di kalayuan. Tss sayang nai-iwas niya ang gitara niya.  Tinipa nitong muli ang gitara. Nakita ko ang isang napakalaking blade. Gumawa ako ng sunod sunod na solid ice block tapos kada block may spaces in between.

Nabasag ang unang ice block, ganon din ang pangalawa pero sa pangatlo ay kalahati nalang ang nabawas. Napangisi ako.

"Kahanga hanga. Napigilan mo ang atakeng yon. Di ko inaasahan na magagawa ko yon knowing na yelo lang ang gamit mo." sabi ni kuhol.

"Basic knowledge lang. Sound magic ang gamit mo, ibig sabihin humihina yan kada tama sa solid blocks. And in between blocks, nag dissipate ang sound waves. Thats why I did those." paliwanag ko.

"In other words kaya kong gawing favorable ang laban sa akin." sabi ko. I lift my arms and place my palms na parang nagdarasal. Lumiwanag ito at nagkaroon ng mga solid ice block sa paligid. Kahit ang sahig nabalutan ng yelo pati mga puno.

"Ice Terraces" sabi ko sa utak ko.

"Ang sabi mo kanina hindi mo kami papadaanin? Im sorry, pero its out of your hands." sabi ko. Gamit ang kaliwa kong kamay ay ikinumpas ko ito.

"Ahhhhhhhh" sigaw niya at napahawak ito sa kanang bewang. Nagulat siya ng may hiwa ito pero parang nagyeyelo.

"A-anong ginawa mo?" gulat na tanong niya.

"Simple lang. Binalutan ko ito ng yelo at gumawa ng mga blocks adaptive sa previous attacks mo. Ibig sabihin, isa itong Ice-spatial magic. Nung umaatake ka kanina, tinatantya kong maigi ang magic mo para makagawa ng mas concentrated ice laban sa sound waves mo." sabi ko. Tumawa ako saglit. "Mahina kayong nilalang." mayabang na sabi ko.

Nagalit lalo ito. Kinuha niya ang gitara niya at nagpakawala ng madaming atake. Kung saan saan nalang kung umatake ito na para bang hindi nag iisip. Parang nagwawala.

"B-bakit konti lang ang nabasag?" gulat na tanong nito. Bobo ata itong kuhol na to. Hindi ko nalang ito sinagot. Tumogtog siya at siguradong ako ang puntirya. Kaya ikinumpas ko ang kamay ko at nag freeze ang mga blades nito sa ere. Bakas sa muka nito ang pagkabigla. Ibinalik ko nag atake sa kanya.

"ahhhhhhhhhh ang binti ko." natamaan ito sa kanang binti.

"Hindi ka talaga nag iisip kuhol ka. Gusto ko pa sana makipag usap sayo kaso baka hinahanap na ako ng mga kasama ko." sabi ko.

Ikinumpas ko ang kamay ko at nakaroon ng malaking ice hammer sa ibabaw nito at pinukpok siya. Nawalan ito ng malay habang nanginginig sa lamig. Paalis na sana ako ng mapansin ko ang gitara nito.

Hindi dapat magamit muli ang gitara na yan. Binalot ko ito ng yelo at tuluyan nang winasak.

Sorry kuhol. I've gained my gatepass.  Pff.

------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now