PROLOGUE

2.4K 75 1
                                    

Third Person POV

Kasalukuyang nagaganap ang digmaan sa pagitan ng mga mabubuti at masasamang mages sa mundo ng Etherios. Ang mundong ito ay tahanan ng mga taong may kakaibang kakayahan — mahika.

Sinalakay ng isang makapangyarihang dark mage  na nag ngangalang Poneros at ng hukbo nito ang mundong ito upang sakupin at pamunuan. Subalit hindi pumayag ang mga nilalang dito lalong-lalo na si Helena, isang napaka makapangyarihang enchantress sa Etherios.

Lumiliwanag ang bawat paligid dahil sa tindi ng pagsabog at sa dami ng mages na naglalaban. Kumikidlat, may apoy, tubig, itim na liwanag, pag galaw ng lupa, malalakas na hangin, at iba.

Samantala, sa gitna ng labanan, sa gawing kanlurang bahagi ng Etherios, sinalubong ni Helena si Poneros.

"Helena, mahal ko, hindi ko inaasahan na sa ganitong tagpo muli tayo magkikita." — may pang aasar na banggit ni Poneros. 

"Ako din Poneros, nalulungkot ako dahil sa gabing ito ang katapusan mo!" - sabay ngisi ni Helena.

Lumiwanag ang tuktok ng tungkod ni Helena (kahoy na parang sungay ng reindeer ang tuktok na nababalutan ng ginto) at biglang may umaapoy na malaking bato sa kalawakan ang tatama sa direksyon  ni Poneros. 

Bahagyang nanlaki ang mata ni Poneros.

"Isang bulalakaw?" gulat niyang sabi sa kanyang isip.

Agad niyang itinaas ang kanyang palad. Lumiwanang ito ng itim at nagkaroon ng bolang itim na itim sa kamay niya at parang may kuryente ito at inihagis sa bulalakaw na ginawa ni Helena. Nagtama ito at lumikha ng matinding pagsabog.

Itinukod ni Helena ang tungkod niya sa harap nito at lumikha ng isang proteksyon laban sa pagsabog.  Napuno ng usok ang lugar nang bahagya at nang mawala ito, wala man lang galos na tinamo si Poneros.

Itinapat ni Poneros ang kanyang kamay kay Helena. Lumiwanag ulit ito ng itim, isang itim na bilog muli ang ibinato ni Poneros. Mabilis na nakailag si Helena at nanatili sa ere. Nang tumama sa malaking tipak ng bato ang itim na bola ay di ito sumabog subalit nabutas lamang ito.

Bakas sa mukha ang pagkabigla ni Helena.

"Ang mahikang ito, pag sinalag gamit ang mahika ay kayang higupin ang mana ng kalaban at pag nasalo ay tiyak na kamatayan." - sa isip ni Helena.

Lumiwanag ang tuktok ng tungkod ni Helena at umilaw ang kasuotan ni Poneros. Biglang sumabog si Poneros at tumilapon.

Nagalit si Poneros.

Itinuon ni Poneros ang palad niya sa lupa at galit na tumingin kay Helena. Umilaw ng itim sa ilalim ni Helena at lumabas ang isang itim na parang 'beam'. Hindi nakagalaw si Helena at nagtamo nang galos sa braso. 

Nagpalitan pa ng madaming atake si Poneros at Helena.

Maya- maya lang, nakarinig ng boses si Helena.

"Helena, natalo ng Pangkat ni Poneros ang nasa Silangan, Hilaga at Timog na bahagi. Konti na lamang at pupunta na sila dito!" — Naghihikahos na sabi ni Montero kay Helena habang nakahawak ang dalawang daliri nito sa ulo.

Nabahala si Helena.

"Narinig ko yon." banggit ni Ponero nang nakangiti. "Nabasa ko sa isip mo mahal ko. Dehado ka na. Hahahahah!" Tuwang tuwa na wika niya.  "Huling tanong, nasan ang ating anak?" Dagdag pa niya.

Isang galit na tingin lang ang ginawad ni Helena.  Umilaw ang kanyang tungkod. Inaabangan ni Poneros kung anong atake ito ngunit walang nangyari. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Poneros. Hindi na rin niya mabasa ang nasa isip ni Helena.

Maya maya pa'y umimik si Helena.

"Tatapusin ko na ang digmaan sa Etherios."— Banggit ni Helena.

"Bwahahahahaha. Paano mo yon gagawin?" Natatawang banggit ni Poneros.

Ngumite lang si Helena at umilaw ang kanyang katawan at umangat sa ere.

"Anak, magiging ligtas ka, alam ko. Patawad at kailangan kong gawin ito para sayo." sa isip ni Helena at tumulo ang luha sa kanang mata niya.

Samantala, sobrang tingkad ng ilaw na lumalabas sa katawan ni Helena. Puting puti ito na labis na nakakasilaw na kahit si Poneros ay hindi makadilat.

Biglang nahirapang huminga si Poneros at ang kapanalig nito na labis niyang kinagulat.

"Hindi kaya, Huh?! Ang mahikang kayang gawing abo ang bansa ng kalaban at malusaw ang dugo ng mga itinuturing na kaaway ng caster kapalit ang buhay niya—Ars Notoria Magiea" sa isip ni Poneros.  "Imposible! Kasinglakas ng isang diyos lamang ang makakagawa non!". Dagdag niya.

Habang ginagawa ni Helena ang spell

"Panginoong Malum! Protektahan moko! Nakikusap ako sayo!" Sigaw ni Poneros.

Binalot ng itim na liwanag si Poneros.

"Ililigtas ko ang Etherios kahit kapalit pa ang buhay ko!" Sigaw ni Helena. "ARS NOTORIA MAGIEA!!" Dagdag niya.

Sumabog ang liwanag at lahat ng kawal ni Poneros ay naging abo. Kasabay non ang pagkawala ni Helena at Poneros.

-----------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now