44 - The Genius Dark Wizard

582 38 0
                                    

Third Person POV

Matapos ang matinding laban nina Gorgon at Carlo, tuon naman ang atensyon ng lahat sa lalaking nakaitim na roba at Lino. Lahat sila ay nag-aabang kung sino ang unang aatake dahil kahit nasa isang magical area sila ay damang dama ang presensya ng dalawang ito.

Ang mga Class S Mages naman ay seryoso ring nanunuod sa laban ng kanilang kaibigan.

"Lino is powerful but.. that strange man is on par with Lino.", komento ni Sean. Nagsitanguhan naman ang magkakaibigan.

"Sino ba yang lalaking yan? Bat may ganyan na nag eexist sa isip ni Lino?", usisa ni Bianca dahilan para mapaisip din ang lahat.

"They are both strong to the point na nagkakaroon na ng vibration sa lugar kung nasaan sila. Look at the trees.", sabi ni Albert.

"I'm nervous kyaaah!", sigaw ni Sophia.

Habang si Troy naman ay labis na nag aalala kung kaya't mas pinili na lamang nitong huwag magsalita.

Lino's POV

Naramdaman ko na talaga ang presensya na ito nuon pero hindi ko matukoy kung saan.

Napansin kong bahagyang iniangat ng lalaki ang kalawang kamay niya at nagkaroon ito ng itim na itim na bola. Ramdam na ramdam ko ang lakas nito dahil parang may kulay lila pa na kidlat bg lumalabas dito.

Ibinato niya ito sa akin at umiwas ako. Gumawa ito ng isa pa at muling ibinato sa direksyon ko. Sa pangalawang pagkakataon, nakaiwas ako.

Nagtataka ako dahil wala manlang pagsabog na nangyari kung kaya't nilingon ko ang mga tinamaan nito. Nabigla ako dahil nabutas lang lahat ng natamaan nito.

"Napakagandang mahika, hindi ba? Hindi mapaminsala sa hindi nito inaasinta.", nakangiting komento nito.

Ibig sabihin ba nito, ang gusto lang niyang mangyari ay mamatay ako? Nakakaloka.

Itinukod ko ang tungkod. Kumislap bahagya sa lugar kung nasaan siya nandon at biglang sumabog ang kinatatayuan nito.

Nawala naman ang usok na likha at ng pagsabog. Nakita ko ang lalaki na binabalutan ng itim na shield. Tulad ng inaasahan, hindi siya basta basta mapapabagsak.

"Enchantments. Isang natatanging kapangyarihan na binihira lamang mapunta sa iilan.", komento niya.

"Katulad ka ng iyong ina.", dagdag niya. "Matapang, makapangyarihan, at matalino.. gaya ko", pagpapatuloy niya pero hindi ko na narinig ang huli.

Mukang marami siyang alam tungkol sa akin pero hindi ako pede basta basta maniwala sa sasabihin niya.

"Kakaiba ang kapangyarihan mo. Iba sa mga dark magic users na nakasalamuha ko na.", komento ko.

Ngumiti lang ito sa akin. Pumulot ito ng maliit na bato at kinagat niya ang isang daliri niya kaya nagdugo. Ipinatak niya ito sa bato.

"Nemesis.", bigkas nito.

Maya maya lang ang maliit na bato ay naging isang malaking halimaw. Nanlaki ang mata ko sa dahil kakaiba ang kanyang mahika.

"A-amazing.", wala sa sarili kong banggit.

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now