30-Wish

706 46 1
                                    

Lino Gonzales

Malalim na ang gabi ngayon at naisipan kong maglakad-lakad sa garden ng Lumen Academy. Syempre nagpaalam na ako sa roommate ko baka mag-alala na naman sila lalong lalo na ang bugnuting si Troy.

Naisip ko habang naglalakad ako, ang lakas din pala ng loob ko no? May unsolve mistery pa sa Etherios pero heto ako naglalakad mag-isa. Naisip ko tuloy pano pag ako na ang inatake ng kalaban? Mananalo kaya ako? Napatawa nalang ako sa mga naiisip kong scenarios.

Nang makalapit na ako sa hardin, naaninagan ko ang isang lalaking pamilyar sakin. Nang makalapit na ako dito, naagaw naman ng presensya ko ang atensyon niya kaya napalingon ito. Nakita ko ang mukha nito at nakumpira ko ngang si Troy ito. Ano naman kayang ginagawa nito dito?

Sa ilalim ng malaking puno na madalas kong puntahan, doon siya nakapwesto. Umupo naman ako sa tabi nito at umasang papansin niya ako pero bigo. Ni hindi man lang ako nilingon ulit ng bisugo na ito.

"Uhm, Hi Troy!" nahihiya akong sabi dito. Napanguso ako nang parang wala itong narinig.

"Ano palang ginagawa mo dito?" umpisa ko ny topic pero hindi pa rin niya ako pinansin. Nalungkot naman ako kasi mukhang may galit na naman ito sakin. Di ko naman alam anong kinagagalit neto.

"Ah s-sige T-troy, u-una n-na ako." malungkot kong sabi dito. Tumayo na ako at tatalikod sa kanya nang hawakan niya ang wrist ko. Napatingin naman ako sa kamay nito.

"Sinabi ko bang umalis ka?" seryosong sabi niya. Tumingin ito sa akin na salubong ang kilay. Napalunok naman ako sa kaba dahil sa itsura nito.

"H-hindi." sabi ko dito at muling naupo sa tabi niya. Huminga naman ito nang malalim tyaka binitawan ang aking pulsuhan.

"Gabing-gabi na naggagala ka pa. You know it's still not safe." sabi niya habang diretso lang ang tingin sa mga bituin. Napatitig naman ako dito kasi napagmasdan kong muli ang gwapo nitong mukha. Tumingin din ako sa langit.

"Okay lang. Sakto naman anjan ka. Alam kong safe na ako." casual kong sabi. Kita ko sa peripheral ko na nilingon niya ako pero hindi ko siya nilingon.

"Ang ganda ng mga bituin no?" muling sabi ko. Kumikislap kasi talaga sila. Dagdag pa yung malamig na simoy ng hangin.

"Oo. Parang ikaw." biglang sabi nito sa akin kaya napalingon ako dito. Damang dama ko naman ang pamumula ng pisngi ko dahil sa narinig ko. Lumingon din ito sa akin. "Feel na feel mo naman yung sinabi ko." sabi niya sabay ngisi.

Napatingin nalang ako sa mga paa ko na ngayo'y nilalaro ko dahil sa hiya. "H-hindi ah. Kapal naman nito." yan nalang nasabi ko kasi I'm already lost.

"Hindi daw pero tignan mo yang mukha mo pulang-pula oh! Daig mo pa kumain ng siling labuyo!" sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.

"A-aray! Ang sakit non ha!" sabi ko sabay hawak sa kaliwa kong pisnge. Gagantihan ko sana ito nang bigla itong nagsalita.

"Oh may kasalanan ka pa sakin ha!" sabi niya kaya napakunot ang noo ko. "Ano naman yon? Lagi nalang akong may kasalanan sayo." sabi ko dito at napahawak sa mga tuhod ko.

"Bakit kanina hindi ka nagpasama sakin mag-order? Alam mo namang madami yon tapos sabi mo kaya mo na. Then I'll find out na magpapatulong ka sa ibang lalaki? Dfq" sabi niya. Halatang inis na inis ito. Gusto ko talaga matawa sa itsura nito dahil stressed niya pero ang cute pa din niya.

"Yun yon? Alam mo bang kaya gusto kong ako ang mag-order kasi gusto kong makabawi sayo. Laging ikaw ang nag-order sa akin so yun sana yung time para ako naman ang mag-abot sayo ng kakainin mo pero hindi ko nagawa kasi bugnutin ka." sunod-sunod kong sabi dito.

Kita ko namang napalingon ito sa akin. Akala ko maiinis ito kasi tinawag ko siyang bugnutin pero nakita ko ang maamong mukha mula sa kanya. Napansin ko din ang pigil na ngiti. Pero nag alala ko kasi parang namumula ang tenga nito kaya hinawakan ko ang noo at ang leeg niya para icheck siya kung may lagnat ba. Mukha namang nagulat ito sa ginawa ko.

"What are you doing?" sabi niya sakin habang nakatitig sa mukha ko. Pinapakiramdam ko pa din ang init nito.

"Tinitignan ko kung may lagnat ka kasi ang pula ng tenga mo. Pero parang wala naman." sagot ko dito. Aalisin ko nasa ang palad ko ng hulihin niya ang mga ito at tumitig sa akin ng seryoso. Kita ko naman sa mga mata niya na parang may gusto siyang itanong.

"Hindi mo crush yung lalaking yon?" napangiwi ako sa isip-batang tanong nito. Susko! Bakit ba interesado ito sa mga magiging crush ko. Inalis ko naman ang kamay ko sa pagkakahawak nito at hinampas ito sa braso. Syempre mahina lang baka gantihan tayo e. hehez.

"Siraulo ka ba? Bakit ko naman magiging crush yon e don ko lang yan nakilala?" singhal ko dito. Mukha naman natuwa ito sa narinig niya at napahawak ito sa baba na parang nag-iisip.

"So... Sinong crush mo?" para naman akong nabulunan sa tanong niya. Hindi ko ba alam kung anong isasagot ko dito dahil.. uhm.. siya ang crush ko. Hays.

"Secret. Walang clue." sabi ko dito habang nilalaro ang mga daliri ko. Natawa naman ito sa sinabi ko. Ano namang nakakatawa don?

"Describe mo nalang. No namedropping." sabi niya. Walang clue nga! Hays. Nilingon ko nalang ito at muling tumingin sa langit.

"Hmm ano ba." habang sinasabi ko yan, iniisip ko na agad pano ko idedescribe si troy na hindi niya malalaman na siya yon. Ang hirap pala.

"Powerful mage siya. Sobrang galing makipaglaban. Tapos masungit." bigla kong sabi kaya napatakip ako sa bibig. Shocks! Parang sinabi ko na din na siya yon.

Nilingon ko ito at nakita ko ang malawak na ngiti nito. "Ako yon e." buong kumpyansa niyang sabi. Tinaasan ko lang naman ito nang kilay.

"Ang assuming mo naman masyado. Pwede namang si Albert o kaya naman si Carlo o kaya —" napatigil naman ako sa sasabihin ko dahil hinawakan niya ang kamay ko. Nilingon ko ito at magkasalubong ang mga kilay neto.

"Don't you dare." seryosong banggit nito sa akin. Konti nalang iisipin ko na isa siyang possessive na boyfriend ko. Ganto pa naman yung ideal man ko. Yung possessive tapos seloso pero seryoso magmahal. Jusmiyo habang tumatagal lalo akong nafa-fall.

Sasagot na sana ako nang maramdaman ko ang lamig ng hangin. Nanginig naman ang buo kong katawan. Napakapit naman ako sa mga braso.

"Cold?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Tumango ako dito. Hinubad naman niya ang kanyang jacket at ipinatong sa akin. "Pano ka? Lalamigin ka." balik kong tanong sa kanya. Sinserong ngumiti ito sa akin.

"Don't worry about me." malambing nitong sabi sakin. "Come closer." utos nito sa akin. Mas dumikit naman ako dito tulad ng sinabi niya. Inakbayan naman niya ako. Nanindig naman ang balahibo ko. Kung kanina dahil sa malamig na hangin, ngayon dahil sa akbay niya at init ng katawan nito. Napakakomportable.

Parehas naman kaming nakatingin sa kalangitan nang may dumaan na shooting star.

"Troy! May shooting star. Magwish ka ng kahit ano. Dali!" utos ko dito. Pumikit naman ito kaya pumikit din ako.

Pagmulat ko bigla naman itong nagtanong. "Anong meron bakit moko pinagwish?"

"Sa mundo namin, pag may shooting star kang nakita, magwish ka nang kahit ano. Matutupad daw yon." paliwanag ko dito.

"Ah soo anong wish mo?" usisa nito sa akin. Umiling agad ako bilang tugon.

"Hindi pede no. Personal yon. Secret dapat." sabi ko dito habang natatawa.

"Baliw ka na siguro." asar nito sakin.

Tumawa nalang ako sa sinabi niya. Ano nga bang wish ko? Hmm. Ah oo yun nga.

Sana mahal mo rin ako, Troy.

-------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now