28-Requip!

749 49 3
                                    

Troy Sandoval

Nakinig namin na grupo na nina Lino ang tinawag. Kakainis bakit kasama niya yong Arthur na yon. Kung makatingin pa sa kanya parang sinusuring maigi. Tsk.

Pero nagbago ang mood namin ng ilabas ni Lino ang tungkod na binigay sa kanya ng Phoenix. The amount of magical energy is incredibly high. Sobrang taas na nakakamanhid ng pakiramdam.

Lahat kaming class S mages we're looking at him with shock. Even Prof. Arturo can't explain his magical energy.

"S-sampa na sa s-stage. Dadalhin kayo noon s-sa ahm, t-training ground." Banggit ni sir ng nangangatal. Tumungo naman sila at sinunod ang sinabi ni Sir. Bigla namang nag-appear ang isang malaking screen at lahat kami ay nag-aabang sa pwedeng mangyari.

Nasa kagubatan sila pero parang gabi ang timezone dito. Dahil madilim at kita ang buwan at mga bituin na siyang source of light nila.

Naglalakad naman sila at nagulat ako sa kung anong makakalaban nila.

"Omygoshh." banggit ni Sophia. Kahit ang iba ko pang Class S Mages ay hindi makapaniwala at dito sila dinala ni Sir.

"T-titan" nauutal na banggit ni Sean.

Why? Bakit dito? Alam ba ni Sir ang ginagawa niya?

Lino Gonzales

Napakalaking tao nito pero nakakatakot ang itsura nito. Parang walang kulay ito pero abo at puto lang ang mata. May mga dugong tumutulo sa bibig nito na akala mo'y kumakain siya talaga ng tao.

Bigla namang umatake ang kalaban. Akala namin kung anong beam or something else ang ilalabas nito pero much worse pa pala doon. Nag summon ito ng lagpas isang daang halimaw na hindi namin alam kung ano anong klase ito. Pero para itong carbon-copy ng halimaw pero mga kasing laki lang namin.

Nagulat naman kami dahil biglang tumalon sa ere si Prinsipe Arthur.

"Arthur sandali!" sigaw ni Carlo pero parang wala itong narinig.

"Requip!" sigaw ni Prince Arthur. Bigla namang lumiwanag ang sarili nito at nagkaroon siya ng armor na kulay silver na ang design ay parang balahibo ng isang ibon na kumikinang. Nakapakisig niya lalo tignan. Sa likod nito ay madaming espada na umiikot.

"Heaven's Wheel!" sigaw niya. Habang kami ay nasa likod lang niya at nanunuod. Napangiti ako.

"Ano bang plano niya? Tapusin ang laban ng isang atake lang?" tanong ni Carlo sakin. Tumingin ako dito at umiling.

"Hindi. Ang atakeng yon ay omnidirectional attack." sabi ko dito. Kumunot ang noo niya kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Ang omnidirectional attack ay ginagawa para ma-assess ang defensive ability ng kalaban at magical type. Sa pamamagitan din non nagagawa niyang malaman kung anong klaseng weapon nag isu-summon niya na makakatalo sa mga halimaw na yon." mahabang sabi ko. Napatulala naman ito at tyaka tumango.

Third Person Point Of View

"He is an intelligent mage." komento ni Sir Arturo. Nakikinig naman ang mga estudyante nito sa kanya. At bumaling sa screen.

"Ice!" sigaw ni Prinsipe Arthur.

"Ayos! Sakto sa ability ko." kaya kumilos na si Carlo para umatake.

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now