29-Threat

739 47 0
                                    

Lino Gonzales

"Yun po yung nangyari, Headmistress Samantha" ang sabi ni Prof. Arturo. Ikinwento niya lahat ang nangyari sa class activity. Kita naming naschock ito nang marinig niya na nagcast ako ng isang powerful magic kaya hanggang ngayon nakatitig ito sa akin na parang may malalim na iniisip.

Huminga naman ng malalim ang HM bago nagsalita. "We came here as soon as we felt that enormous magical power." Bumaling naman ang tingin nito sa lahat. "Hopefully next time, you'll be more careful with your actions." sabi niya na para bang mali ang ginawa ko sa activity. Napatungo nalang ako sa mga narinig ko.

Lumisan na naman ito ng training venue. Sakto namang nag-ring ang bell, hudyat na tapos na ang klase namin.

"Thats all for this session. Take your break now." sabi ni Prof. Arturo. Tumalikod na naman ito pero biglang humarap ulit na parang may nakalimutan. "Before I leave, that was a great teamwork and magical show-off Lino, Carlo and Prince Arthur. I am highly impressed on what you did." sabi niya at ngumiti sa amin. Nabuhayan naman ako ng loob dahil na-appreciate ito ng aming propesor.

Maglalalakad na sana ako paalis kasama si Carlo ng biglang nagsalita ang prinsipe. "Carlo! Lino! Nag enjoy ako kanina. Salamat ulit. Sana lang mas nakatulong ako kaso wala akong ice magic e." dismayadong banggit nito. Napakunot naman ako dahil pakiramdam ko may hindi siya alam sa mahika niya. "Hindi yan totoo, Arthur. Alam kong malawak ang sakop ng requip magic mo at madami kang weaponry. Siguro need mo lang magfocus at palawakan pa ang magical energy mo." sabi ko dito at ngumite.

Napangiti naman ito sa narinig niya. "Talaga? Sige mag-aaral akong mabuti tungkol jan. Sa susunod nalang ulit." sabi nito at nag paalam. Nakatingin naman ako sa portal na pinasukan ni Arthur ng magsalita itong katabi ko.

"Paano mo nasabi yon?" sabi ni Carlo. Napatingin ako sa kanya.

"Alin?" naguguluhan kong tanong.

"Yung tungkol sa mahika niya? Manghuhula ka na din ba?" pang-aasar nito sa akin.

"Haha! Baliw hindi! Unique ang magic na yon. Para sa isang may kakayahang gumawa ng omnidirectional attack, marami pa siyang natatagong kakayahan." paliwanag ko dito.

"Lino! Carlo! Let's go! Tara na sa canteen" biglang singit ni Troy kaya naputol ang usapan namin. Nilingon namin ito at nakita ang iba pa namang kaibigan na nag-iintay sa amin. Ngumite naman kami at nagtatakbo papunta sa kanila.

Third Person Point Of View

Sa kagubatan sa labas ng kaharian ng etherios, mga grupo ng mages na seryosong nag-uusap.

"So the rumors are true huh." sabi ng isang lalaking nakasuot ng itim na robe.

"Indeed. Threat yan sa plano naten. Kelangan siyang dispatyahin." seryosong sabi ng isa pang lalaking boses na may hawak na malaking palakol.

"So anong gagawin naten sa dalawang lalaki na ito?" tanong ng isang babae at saka ibinagsak sa lupa ang dalawang katawan na walang malay.

"Kill them. Put their bodies sa mismong sentro ng kahiraan ng Etherios." sabi ng lalaking nakaitim na robe. Napangisi naman ang babae sa narinig niya.

"Ano nang plano sa bata?" tanong naman ng isang pang lalaking nakatuntong sa isang carpet na lumulutang.

"We'll see." sagot ng lalaking may hawak na malaking palakol.

Lino Gonzales

Andito ako ngayon sa counter kasi nagvolunteer ako na ako na ang mag-oorder para sa aming lahat.

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now