12-Albert VS. Rey

804 49 0
                                    

Albert's POV

Kasalukuyan kong binabaybay ang gubat na ito. Nagkahiwa-hiwalay kaming magkakaibigan.

'Piercing Magic' tanda kong banggit ni Lino. Nabutas ng magic na yon ang rock wall na ginawa. Masyadong mapanganib ang nilalang na yon kaya siguro naisipan ni Troy na maghiwa-hiwalay kami. Sino ang mga panget na yon?

Nawala ako sa pag-iisip nang makita ko ang atake ng piercing magic. Napaiwas ako at tumalon sa isang branch ng puno dito sa gubat. Sumabog ang lupang kinatatayuan ko kanina. Nakita kong malalim ang creater na nagawa ng magic na yon sa lupa.

Tinutok niya sa akin ang palad niya at inatake ako sa aking kinatatayuan. Nakaiwas muli ako lumipat sa ibang puno. Palipat-lipat ako ngunit gaya ng inaasahan, nakokontrol niya ang magic niya na parang lubid lamang at ako ang target.

"Hindi ka habang buhay makakaiwas bata." sabi nito. Aba akala ko pipe na itong gagong to.

"Akala ko pipe ka na e tanda. Sino ka?" sabay ngisi ko dahil pansin kong nag iba ang itsura nito.

"Rey, bata. Hindi ko gusto tabas ng dila mo." seryosong banggit nito. Kaya nagseryoso din kami, "Sino kayo? Bakit niyo kami inatake?" balik na tanong ko pero imbes na sumagot ito, inatake niya. Umiwas ako at itinutok ang palad ko sa kanya. May mga matitilos na bato ang lumitaw dito at inatake si tanda. Pero gaya ng inaasahan, nakaiwas din ito.

"Yun na yon, bata?" nang aasar nitong sa sagot. Tumawa lang ako bilag tugon. Parehas na kaming nakatuntong sa lupa ngayon. Sunod ginawa ay nagpakawala muli ng atake pero mas malaki ang sukat nito kesa sa mga nauna. Pag tinamaan ako nito patay ako. Kaya gumawa ako ng sampong rockwall.

"Balewala yan bata. Haha. Piercing magic ang meron ako. Kaya nitong tumagos sa kahit anong bagay." sabi nito. Gaya ng sinabi niya, nawasak niya ang mga wall sunod sunod. Pero bago paman dumating sa pang anim na wall ang magic na yon. Pinagalaw ko ang pang siyam at pang sampong wall. Nagbend ito at direktang pinatama aa direksyon ni Tanda. Dahil don napaiwas ito at nawala ang magic niya. Akmang aatake ulit ito pero pinagalaw ko ang pangwalong wall at itinutok dito. Mula sa matayog na wall na to, naging mga maliiit na bilog na bato ang mga ito at sunod-sunod na pinatama sa kanya. Kita ko namang tinamaan ang mga binti neto kahit naisipan nitong umiwas.

"Akala ko naman tanda mahihirapan ako sayo. Mukhang hindi." sabi ko dito nang seryoso. Tumawa lang ito nang malakas. "Wag kang papasiguro bata, hindi porke nagalusan moko, panalo ka na." balik nito. Nginisian ko lang ito.

Ngayon dalawang palad ang itinutok nito at dalawang spiral na magic ang inilabas nito. Maaring kaya nitong mag pass trough kahit saan pero sure akong kakain yon nang oras kung sobrang cohesive ng property ng isang bagay.

Itinutok ko ang dalawang daliri ko sa aking kanang kamay sa kanya at iniangat ito bahagya paitaas. Nagkaroon muli ng sampong wall ang poprotekta sa akin. "Hindi ka na natuto bata." mayabang na banggit nito. Pero nang tumama ang dalawang piercing magic ay hindi agad ito nasira. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla.

"Metallic Rock Wall." Sabi ko. "Maaring kaya ng magic mo sirain yan pero it will take time." paliwanag ko. "Kung ganon.." sabi nito. Gamit ang isang piercing magic nito sa kanang kamay nito, iniiwas niya ito sa sampung wall. Nakita ko sa peripheral vision ko ang magic nito na dumaan sa gilid at aatakihin ako mula sa likod. Gumawa ako ng hole sa ilalim ko at tumama ito sa pang sampong metallic wall.

Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Gumawa ako ng hole para iwasan ito dahil alam kong kung tatalon ako paitaas, mabilis niyang maiiredirect ang atake niya. Pero hindi lang basta hole ang ginawa ko. Ginawa ko itong route papunta sa likod niya. Nagulat siya nang mapansin niya nasa likod niya na ako. Pinagalaw kong muli ang lupa at bumuo ng isang malaking kamao na bato at pinatama sa kanya.

Tumalsik ito sa metallic rock walk. Sobrang lakas ng pagkakatama nito. At lumagpak sa lupa. Nang tatayo na ito ay pinadyak ko ang paa ko at lumubog ang mga kamay at paa nito sa lupa. Sapat para hindi siya makagalaw ng ayos.

Kahit nanghihina ito ay pansin kong ang nagtataka nitong mukha.

"Maaring mataas ang piercing ability ng magic mo tanda pero madami kang kahinaan. Una, limitado ang spiral na lumalabas sayo. Hanggang dalawa lang ang kaya mong irelease kaya kapag gumagawa ako ng long distance attack, umiiwas kalang at hindi ito sinasalubong ng magic mo. Pangalawa, ang redirection property po takes time. At pangatlo, mahina ka sa close combat." mahabang salaysay.

"I-imposible." hindi makapaliwanag na banggit nito.

Ipinwesto ko ang aking mga palad ng para nagdarasal. Umilaw naman ang lupa kung saan siya nakapwesto ng kulay brown. Bakas na ang takot sa kanyang mukha.

"Holy Palm." banggit ko. Nagkaroon ng dalawang malalaking palad kung saan siya ang nasa gitna. Sumara ang palad na itoat naipit ito. Dumagundong ang malakas na tunog. Umangat pa ito sa ere bago bumagsak ng walang malay sa lupa.

"Ako si Albert. Class S Mage ng Lumen Academy. Tandaan mo, tanda." banggit ko dito bago ko talikuran. Hindi man lang ako nagalusan sa tandang ito.

Hahanapin ko pa mga kasama ko.

------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now