9-Activity

873 63 0
                                    

Lino's POV

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung nadiskubre kong may abilities din ako. Tanda ko non, seryoso lahat ang itsura nila. Pinatawag pa nila si Headmistress para sa sitwasyon namin pero wala pala siya. Nasa meeting siya sa Magic Council, urgent daw.

Hindi ko pa alam kabuuan ng magic. Pero sa ngayon, kaya kong gawing kahit ano ang bagay na gusto ko. Last time, ginawa kong isang leon ang pusa dito sa Lumen Academy. Hindi ko alam kung anong magic to? Siguro Transformation Magic?

Kasalukuyan akong nasa classroom ngayon para sa klase kong Defense Against the Dark Arts. Katabi ko si Sophia at si Carlo. Nasa kabilang side naman ng room ang grupo nina Troy.

Si Prof. Arturo Peñaflor ang aming guro. Base last meeting, may surprise activity kami ngayon.

"As mentioned last time students, may activity tayo today. This is a simulation activity. Mapupunta kayo sa isang mapanganib na lugar. Kailangan makasurvive kayo within 1 hour."

Nagulat ang lahat. Bakas sa mukha namin nag takot mula sa naisip ni sir na activity. Mukang napansin naman ito ni Prof. kaya napabungisngis ito.

"Don't worry once na hindi niyo na kaya, iteteleport agad kayo sa infirmary. And before I forget, those who will survive will be exempted in the examination."

Nabuhayan naman ang lahat. May mga napasigaw pa at naging determinado. Napatawa ako. Kahit naman ako no! Ayoko sa exam. Nakakasakit ng ulo.

"Everyone, get ready...

TETRIANES!" Sigaw ni sir. Nabigla ako ng nasa lugar ako na umuulan ng nyebe. Napakalamig dito. Nararamdaman ko ang pamamanhid sa buo kong katawan. Dehado ako.

"Sophiaa!! Carlo!!" Sigaw ko. Paulit ulit ko itong sinisigaw. Pero wala akong nakuhang sagot. Nasa isip ko, kung andito lang si Carlo malamang magsusurvive yon. Ice-making magic yon e. Si Troy kaya? Hays bahala nga sila.

Pero anong gagawin ko? Sigurado akong pag nagtagal ako dito matatalo agad ako. Isip Lino!! Isip. Naalala ko na kaya kong magtransform ng iba pero hindi pa sa sarili ko.

May naisip ako. Sana gumana.

Pinakiramdam kong mabuti ang katawan ko. Ang bawat enerhiya na bumabalot sa kabuuan nito. "Enhance my physical abilities and adaptability to extreme coldness." banggit ko sa isip ko. Ilang saglit lang, parang normal lang ulit ang paligid. Iminulat ko ang aking mga mata. Nasa yelo pa din ako, umuulan ng nyebe, pero walang kalamig lamig akong nararamdaman.

Amazing! At least "the cold never bother me anyway" di ba. Hahaha. Elsa lang.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Habang naglalakad ako, sinalubong ako ng labindalawang puting malalaking oso na may pulang mata at matatalim na kuko.

Napangisi ako. "Easy" bulong ko sa sarili ko.  Itinipat ko ang mga palad sa kanila pero laking gulat ko ng nakabuga agad sila ng apoy.

Oso? Bumubuga ng apoy? Dumapa ako at gumapang palayo. Kelangan ko mag isip. Hindi ko magagawang gawin silang ibang hayop dahil hindi ako makapagfocus.

Ikinumpas ko ang aking kamay at ginawa kong ibon ang sarili ko. Gumana!! Agad akong lumipad sa taas. Nakita ko ang ibang mga kaklase na malapit-lapit sa akin. Nasan sina Sina Sophia? Napaiwas ako nang bugahan ako ng apoy ng oso. Pheew!! Muntik na ako ah!

Nakikita nila ako? Nakakapagtaka. Hindi sila normal na magical creature lang. Hindi kaya? Nahahanap nila kami dahil sa heat energy ng aming katawan? Kaya kahit magtransform ako sa ibon ay alam nila aatakihin nila?

Magagawa ko kayang gawing undetectable ang heat energy ko?  Hmm. Pinakiramdam kong muli ang sarili ko. Nakita ko umilaw ang aking katawan. Maya maya lang, nag umpisa nang mag-alisan ang mga oso.  Tagumpay!!  Ngayon humanda kayo sakin.

Nagbalik ako sa anyong tao. Hindi pa rin nila ako pansin. Itinutok ko ang aking mga palad pero imbis na gawing ibang hayop ang mga ito, pinataas ko ang heat sa katawan nila. Sila sila na mismo ang nagpatayan.

Nasan na ba mga classmates ko? Hays. Mahirap to. Kung may mata lang sana ako sa himpapawid. Wait? Mata? Gagana kaya?

Ipinikit ko ang mga mata ko at inisip na nakatingin ako mula sa himpapawid. Pagmulat ko, nakita ko ang malaking mata sa kalawakan at nakikita ko lahat ng nangyayari.

Kita ko si Carlo na mukang walang problema, ganon din ang iba pang Class S Mages as expected. Magaling talaga si Troy. Kita kong natapumba niya ang mga kalaban niya ng isang atake lang. Pero yung iba kong mga kaklase, isa isa silang nawawala sa lugar na ito. Thirty minutes pa. Wala na kami sa kalahati.

May naisip ako. Kung tama nasa isip ko, at kung kaya ko ito, mananalo kaming lahat na natitira. Pinakiradaman kong maigi ang paligid, ang atmospera. Ibinuka ko ang aking mga braso at kamay. Ramdam kong nagrerelease ako ng liwanag. Inisip kong mabuti ang eksaktong gusto kong mangyari.

Sophia POV

Omyghaadd anong!! Nagulat ako sa napakalaking mata sa kalawakan? Sinong may gawa niyan? Kaloka! Pero infairness golden blue-green.. Ang ganda!!

Pinasabog ko lahat ng nasa harap kong oso. Ano bang hayop to mga sis! Parang di nauubos! Nakakapagod.

Napatakip bigla ako ng mata dahil sa liwanag! Nakakasilaw ito na medyo parang may dark light! Pagmulat ko I am so shocked!! Naging summer feels! Wala ng nyebe, lahat ng snow sa baba ay naging parang magagandang bulaklak. Sinong may kaya neto? Nakita ko kung pano nalusaw ang mga oso at nagkaroon ng mga bulaklak.

Unbelievable!!

Unti unting parang may humigop sa akin. Bigla nalang nasa classroom na kaming. Andito na din si bessy at mga classmates ko.

----------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now