24-Doubt

749 45 0
                                    

LINO'S POV

"So you're telling me na isang Phoenix ang punongbayan na si Ellah?" naguguluhang tanong ni Headmistress Samantha. Andito kami ngayon sa opisina ni HM Samantha para makapagpaliwanag ng mga nangyari.

"Yes, HM Samantha. And Lino defeated the beast and became his own spirit." mabilis na sagot ni Troy. Tumingin naman ito sakin at parang nagsasabing its okay.

"W-what? I-imposible! That's impossible" ang reaksyon ni HM Samantha. Bakit parang ayaw niyang maniwala sa amin?

"Seryoso HM! Kung nakita mo lang kung paano nagamit ni Lino ang mahika niya at pinagaling kami!" dagdag ni Bianca. Napatingin ako. Ganun ba talaga sila humanga sa naging kakayahan ko?

"Pinagaling? You mean may healing ability ka Lino?" tanong ni HM. Tumango naman ako bilang sagot. Pakiramdam ko kasi may mali sa mga reaksyon nila.

"Totoo yon, HM. I saw kung paano nagawang basagin ni Lino ang nullification forcefield ng Phoenix at pinagaling ang damages namin." banggit ni Carlo.

"Thats not all HM, ginawa niya kaming explosion resistant. Kundi dahil sa mabilis niyang desisyon na yon, baka patay na kami." sabi ni Sean.

"Trueeee HM! Nakita ko ulit yung Eye Magic ni Lino! Grabe, 2nd time ko nakita yon! Amazing!" sabi ni Sophie.

Teka bakit parang ako lang binibida nila? Eh nakipaglaban din naman sila di ba? Kakaloka ata itong mga kasama ko.

"HM, He's the high-enchanter as the Phoenix said." banggit ni Troy. Tumingin ito kay HM ng seryoso. "Eye Enchantments, Destructive Enchantments, Healing Magic, ilan lang iyon sa mga nagawa niyang nakita ko." dagdag niya at huminga nang malalim. "Nabasa ko lahat ng yan sa isang textbook sa library. And it fits the description sa magic ni Lino." sabi nito.

"Tignan mo din yung singsing ni Lino, HM. Its a proof na spirit na siya ni Lino." biglang singit ni Sean. Napatingin naman ang HM at kita ko ang gulat sa kanya na parang may naiisip siyang iba.

HM SAMANTHA'S POV

I can't believe na nasa pangangalaga na namin ang isang High-Enchanter. Pero ang nagpagimbal sakin ay ang existence ng Phoenix at hindi lang yon, nakay Lino na ito.

"I do not know but only Helena.. Si Helena lang ang may Phoenix, yun na ang huli." banggit ko dito. Bigla naman silang napaisip sa sinabi ko. At first ayoko maniwala but seeing the ring, yan ang singsing ni Helena. Pwede kayang siya na ang nawawalang anak ni Helena? Pero buhay ang phoenix ni Helena. Buhay si Helena? Anong nangyayari?

"So what do you suggest HM?" sabi ni Troy. Ano bang gagawin ko? Pag nalaman ito ng madami o ng masasamang loob, sigurado akong pag-iinteresan siya ng mga ito.

"Let's keep everything a secret first. Kailangan muna ma-master ni Lino ang mahika niya." sabi ko. Kailangan handa ang batang ito. Ngayong isa isa na silang nagbabalik.

Umimik naman si Lino. "Sa palagay ko po okay na naman po ako. Yung Phoenix daw po ang magtuturo sa akin ng mga mahika. In fact nagsimula na po kami." sabi niya. Ganitong ganito si Helena dati. Phoenix din ang nagturo sa kanya dahil ang enchantments ay walang textbook na pede aralin.

"In terms of combat skills, HM, ako na ang bahala kay Lino." sabi ni Troy. Napapaisip ako kung ano pang gagawin.

"So for now, yan nalang muna. Ako na ang bahala sa konseho. You may go." sabi ko. Kailangan maging careful ako sa mga susunod na hakbang.

LINO'S POV

Buti nalang natapos na kami sa meeting with HM. Grabe tatakasan ako ng hininga kasi ayaw nila maniwala sa mga nagawa ko nung laban. Magkakasama pa din kami papunta sa canteen kasi breaktime pa din. Katabi ko naman sa table si Troy.

"Lino, what do you want to eat?" tanong ni Troy. Ano nga ba? Wala akong ganang kumain.

"Ahm, bread na lang tyaka orange juice siguro, Troy." mahinang sabi ko dito.

"Sure ka ba? Wag yon di ka mabubusog. Ako na ang pipili." natameme naman ako sa sagot niya. Bat niya pa ako tinanong e siya din pala mag dedesisyon. Napatingin naman ako sa mga kasama ko. Gulat din sila sa inasal ni Troy.

Tumayo na nga si Troy at umorder. Sumigaw naman si Albert "Pre isabay mo order namin!" sabi nito. Tumingin lang si troy ng seryoso dito. "Sabi ko nga pre ako na oorder." natatawang sagot ni Albert at nag peace sign. Tumayo na din si Albert at umorder.

"Bessywaps, ano bang meron sa inyo ni fafa troy?" tanong ni Sophie. Napaisip naman ako sa tanong nito.

"What do you mean 'meron'?" balik kong tanong. Nagkatinginan naman sila ni Bianca at nagtawanan.

"Omyghad ang laki ng influence sayo ni Troy! Nag eenglish ka na din" asar niya sa akin. Napa-face palm nalang ako dahil sa sinabi ng baliw na ito. "Pero seriously bessy hindi kasi ganyan si Troy like you know napakaseryoso niya. Basically, he doesn't care about everything." sabi ni Sophia.

"I agree. And to see na concern siya sa health mo? Ayieeee. Feeling ko may gusto na yon sayo!" sabi ni Bianca. Napaface palm ulit ako. Bakit ba napapaligiran ako ng mga baliw na friends? Hays.

Napatingin naman ako kay Carlo at Sean. Gusto kong makuha nila ang tingin ko as humihingi ng tulong pero bigo ako dahil nakitawa lang din sila. Hays. Lagi talaga nila ako trip asaran.

"Pero Lino. Seryoso hindi ganyan si Troy. Dati pa siguro nung andito si Andrea pero - ahmm"

Andrea? Sino si Andrea? Ex ba siya ni Troy?

"Shhhh ano ba don't bring out the past Seanny!" sabi ni Sophie dito at tinakpan pa ang bibig nito. Natawa naman ako sa mga asal-bata nilang aksyon.

Dumating naman si Troy na napakadaming bitbit na pagkain. Tumingin ito sa akin at ngumiti. "Here. Dig in" sabi niya. Woow! Ang sasarap! Parang gusto ko lahat kaninin.

"Bessy yung laway mo tulo na!" sabi ni Sophia kaya napahawak ako sa gilid ng labi ko at pinunasan ko. Mas pinamulahan ako dahil sa isang malaking joke lang pala yon.

"HAHAHAHAHAHHAAHAHAH" sabay sabay nilang tawa. Kahit si Troy tumatawa na din. Sophia! Bruha ka talaga!

------------------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now