13-Sean Vs. Olga

703 45 0
                                    

Sean's POV

Sunod sunod na pagsabog na ang iniiwasan ko mula sa babaeng ito. Sa bawat kumpas ng kamay nito, sunod sunod na bomba ang biglang lumilitaw at inaasinta ako.

Habang tumatakbo ako papalayo sa kanya, nagkaroon ng mga bomba sa dadaanan ko. I'm sure there's no way out but up. So nagcast ako ng spell for my body to be as light as air — para makalipad ako. Umilaw naman ang buong katawan ko ng light blue. Nakalipad na nga ako at nakaiwas bago sumabog ang mga bomba. Hoooh! Muntik na ako don.

"Hindi naman dapat kayo pumunta here!" maarteng sabi ng babaeng mukang tilapia.

"As fas as I know, its none of your business manang." sabi ko dito.

"What! Omg hindi ako manang ha!" maarteng sigaw nito. Bat ba ang feeling ng babaeng to? "Ito sayooo!" sabi niya at kinumpas muli ang kanyang nga palad. Gaya ng inaasahan, nagkaroon ng mga bomba at napalibutan ako. Kita kong ngumise ito. "Huli ka!" sabi niya. Ngumise lang din ako.

Iniikot ko ang aking sarili, sumama ang mga bomba paikot sakin at gamit ang hangin, itinapon ko ang mga bomba sa direksyon niya. Nanlaki ang mga mata nito pero nakaiwas din naman bago pa sumabog. Mukang napikon ito at sunod sunod na gumawa ng mga bomba at inihagis sa akin.

Umiwas ulit ako pero this time may plano na ako. Habang umiiwas ako sa mga atake nito, gumawa ako ng airball sa magkabila kong kamay at inihagis dito, umiwas naman ito at natigil sa pag atake. Akmang aatake ulit ito nang pinagalaw ko ang mga airball at dinirektang muli sa kanya. Sa bawat takbo at tago niya sa mga puno ay lahat ng ito ay nababali o kaya naman ay natutumba ng buo.

Habang ginagawa ko yon ay gumagalaw pa din ako at bumubuo ng pattern na pabilog, sapat para sakupin ang area kung saan kami naglalaban. Nang matapos ko ang aking ginagawa ay tumigil ako sa pag-atake. Napansin ko namang may mga galos ito.

"Normally hindi ako pumapatol sa babae but you went too far." sabi ko ng seryoso. "Wala akong pake no! Amin na ang lugar na to so back off you ogre!" sabi niya. Haaa?? Ako ogre? Pfft. Patawa. "Share mo lang miss?" pang aasar ko dito. Kaya ikinumpas niya ang kamay niya at this time dumoble ang dami ng bomba at mas malalaki pa.

Ikinumpas ko ang kamay ko. Nahati ang mga bomba at hindi na sumabog. "Air Slice" banggit ko sa utak ko.

"You know what manang, una palang panalo na ako sa laban na ito." sabi ko. "Stupid ka ba? Hindi pa nga ako pagod at lalo namang hindi pako sugatan." sabi nito. Ikinumpas niyang muli ang ang mga kamay niya. Napakadaming bomba. Ngumisi lang ako. Isa-isang sumabog ito pero mas nagulat ito nang para lang akong sumasayaw sa hangin sa bawat pagsabog dahil naiiwasan ko ito.

Nawala ang mga usok. "Sabi ko sayo una palang panalo na ako." ulit kong sabi. "Kung ganon mas dadamihan at mas lalakiha-" napatigil ito at napahawak sa kanyang leeg. "H-hindi a-ako m-makahinga." nahihirapang banggit nito at napaluhod.

Napatingin ito sakin. Ngumisi naman ako. Nakuha ng atensyon niya ang ilaw na light blue sa lupa. Pabilog ito na malaki kung saan nandon kaming dalawa. Napatingin siya akin. Nanlaki ang mata ng makita niyang hinihigop ng katawan ko ang hangin.

"K-kelan m-mo.." nahaharipan na siya lalo.

"I told you panalo na ako umpisa palang. While you carelessly releasing bombs, I casted the spell while dodging your attacks." sabi ko at tumingin sa kanya ng seryoso. "I can't take your breathing away agad-agad since nadidistract ako sa attacks mo so I did this and took some time before oxygen runs out in this area. Fortunately, other gases like carbon dioxide from your bombs kanina, pinabilis nito ang pagnipis ng oxygen and so you are suffering. It is only a matter of time bago ka mahimatay." sabi ko.

"Sapat para pasabugin ka." sabat niya. Akmang ikukumpas niya na ang kanyang kamay ng iangat ko ang kamay ko at nagkaroon ng parang cuff sa wrist niya na made of air. Ganon din sa mga paa niya. So I raise my hand higher and lift her.

"Unfortunately, you have to pay your debts first." sabi ko. Ikinumpas ko ang aking kaliwang kamay. "Air Slice." banggit ko. At nagkasugat sugat na ang katawan nito. Bumagsak ito sa lupa.

"See? Panalo ako." sabi ko. Tatalikod na sana ako ng bumangon pa ito. Kahit nahihirapan ay naituon pa nito ang dalawang paa at tuhod sa lupa.

"Ako si Olga at hindi ako papayag ng hindi man lang kayo nalalagasan." sabi niya. Gaano ba kakulit itong manang na ito? Tsk. Pasalamat ito mabait ako.

Itinutok niya ang kamay niya sa akin. "Assasinate." banggit niya. Nagkaroon ng bomba ang dibdib ko. Whaaaat?? "Dieeee!!!" sabi niya.

Biglang sumabog ang bomba. Ramdam kong napaatras ako. Wait atras lang??

'Enhance resistance and adaptability to bombs and any explosives." naalala kong banggit ni Lino. Hanggang ngayon pala may epekto ang magic ni Lino. Salamat bunso!

"Hindi maaari! Ni hindi ka manlang nagalusan". gulat na sabi ni manang. Itinapat ko ang palad ko sa kanya. "Spiral Wind" banggit ko. Natipon ang hangin sa kanya. Bakas ang takot sa mukha nito. Bigla namang lumutang sa ere at umikot ang katawan nito.

"Ahhhhhhhh!!!" mahabang sigaw nito. Bigla naman itong tumilapon at tumama nang malakas sa isang malaking puno bago ito bumagsak sa lupa.

"Sabi sayo, panalo na ako." banggit ko at naglakad na pabalik kung saan kami na-ambush.

-----------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now