22-Master!

760 50 0
                                    

THIRD PERSON POV

Sumugod si Ellah gamit ang kanyang spear. Hindi naman nagalaw si Lino at kita ang matinding konsentrasyon nito. Sa paghampas ni Ellah ng spear, pinigilan lang ito ng isang kamay ni Lino. Nabigla ang kalaban nito. Napangisi naman si Lino. Sinipa niya ito at sinuntok kaya muling tumalsik ang kalaban.

"Papanong?!" gulat na tanong ni Ellah.

"Enchantments. Ginawa kong pinakamatibay na bagay ang balat ko na kahit anong sandata ay hindi matitibag." sabi ni Lino. Itinutok nito ang kanyang palad sa kalaban at sumabog ang tinutuntungang lupa ni Ellah at naglabas ng lava. Para itong sumabog na bulkan.

"Isa akong fire entity, wala epekto sakin ang kahit anong fire-related element." sabi nito na parang naliligo lang sa lava.

"Alam ko." biglang isinara ni Lino ang palad niya at naging yelo ang lahat ng lava. Pagkatapos, mula sa kapirasong yelo ay gumawa ito nang sobrang daming matitilos na sandata at ipinaulan kay Ellah.

Halata naman ang sobrang mangha sa mukha ng mga kaibigan nito. Dahil parang hindi nauubusan ng lakas si Lino.

Nang matapos ang atake ni Lino ay biglang may parang beam na pula ang lumabas sa spear ni Ellah at inasinta si Lino. Pero parang bola lang ng pimpong ito nung sinalag ito ni Lino gamit ang kanang palad at idinerekta pakaliwa. Lahat naman ng daanang puno ng atake ay nabutas at biglang naging abo.

Samantala, naghilom naman agad ang mga sugat ni Ellah dahil sa imortal nga ito ngunit halata dito ang pagod.

"Sa isang paslit na kagaya mo, nahihirapan ako. Kung ikaw ay malakas sa panlabas. Sigurado akong kahinaan mo ang mga kaibigan mo!" sigaw ni Ellah. Pinalutang niya ang mga bilog na force fields at inilapit sa kanya. Umilaw ang spear ni Ellah.

"Arghh ahhhhhhhhh!!  Ang init!" sigaw ng mga kasama ni Lino. Nawala naman sa focus si Lino at naluluhang lalapit sa mga kasama ngunit nalagyan agad ng harang ito ni Ellah.

"Mga kaibigan ko!" paiyak na sigaw ng binata. "Pakiusap lumaban ka ng patas! Wag sa ganyang paraan!" sigaw niya sa matanda.

"Hahahaha! Ganyan nga! Gusto kong makita ka sa ganyang kalagayan!" sabi ni Ellah. "Unahin naten ang nobyo mo. Panuorin mo kung paano siya mamamatay!" sabi niya.

LINO'S POV

Nakikita ko kung paano niya sinasaktan si Troy. Napaluhod ako at napapikit. Isinarado ko ang palad ko. Napakasakit makita na nasusunog ang kasuotan niya at ang mga balat nito. At ang hiyaw niya, hindi k makayanan. Napakasama mo. Napakasama mo!

"Napakasama mo! Sinasaktan mo ang mga walang kalaban-laban!" galit na sigaw ko. Rinig kong kumukulog at kumikidlat. Napakalakas ng hangin ngayon at yumayanig ang lupa. Kahit ganon, damang dama ko ang mga luha sa aking nga pisngi.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!" muling sugaw ko.

CARLO'S POV

Nakikita ko ang iyak ni Lino. Nakakaiyak ang itsura niya pero ramdam din namin ang galit niya. Kahit nasasaktan ako sa loob ng forcefield na ito at hindi ko magamit ang magic ko, ramdam ko ang enerhiya niya. Sobrang lakas. Nakakamanhid.

Nang sumigaw ito nabasag lahat ng forcefields na ginawa ni Tandang Ellah. Sa isang sigaw lang niya, nawasak ito at tuluyan kaming nakawala. Lumutang kaming lahat sa ere at kusang naghihilom ang aming mga sugat. Healing magic? I-imposible. It's the lost art unless gifted healer ka.

Nasa side na kami ngayon ni Lino. Wala ito sa sarili niya.

"Linoooo!!!" sigaw ko.

THIRD PERSON POV

Sobrang lakas ng kapangyarihan na inilalabas ni Lino. Pinagalaw niya ang mga ugat at branches ng puno. At itinali iyon sa katawan ng Phoenix Warrior. Naglalabas ng usok ang mga nadampian na balat ni Ellah.

"Alam mo ba na lahat ng mythical creature laging may common weakness? Iron." sabi ni Lino. Mula sa mga sanga, nilagyan niya ito ng attribute na Iron. Pinatilos niya ito. Ibinato niya ito kay Ellah.

Tumusok ito sa puso ni Ellah. Nagkaroon ng nakasisilaw na liwanag sa dibdib nito. Ngumite ito kay Lino bago sumabog. Naging abo na lamang ito. Biglang nawala ang liwanag kay Lino. Nanghina ito at napaluhod. Tumakbo naman si Troy papalapit dito.

TROY'S POV

"Lino! Lino! Kaya mo pa ba?" tanong ko dito. Pansin kong napapapikit ito. Hawak-hawak ko siya sa may bandang bewang habang naakbay ang isang braso niya sa akin. Tumingala ito sakin at medyo nagkatubig ang mata.

"Buti naman ayos ka na. Sorry ah? Kala ko talaga kanina-" sabi nito at napaiyak na ng tuluyan. Inalo ko naman ito at nilagay ang mukha niya sa dibdib ko. Damn. Bumilis ang tibok ng puso ko. It feels so good na yapos ko itong lalaking ito.

"Shhh, I'm fine. You don't have to worry about. Thanks to you. You made us all proud." malambing kong bulong ko dito habang hinihimas ang kanyang ulo.

"I'm sorry napag-initan ka. Sorry" iyak nitong sabi. Hays. My heart suddenly felt pain seeing him cry. So I hugged him tighter.

"It's okay. Shh. C'mon. Its nothing to me." sagot ko. Tatalikod na sana kami ng lumiwanag ang abo ni Tandang Ella. I was shocked na muling nabuhay si Tandang Ellah from ashes. Pero this time, mas bata ito. Sobrang bata. Parang nasa 30' lang.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Nag-aantay ng atake mula sa kanya. Pero ngumite lang ito at lumapit kay Lino.

"Salamat sa pagpapalaya sakin Lino. Totoong ginawa aking tao ni Poneros at ang tanging lunas lang ay kung magiging abo ako. Ginawa ko ang lahat para may pumatay sakin gamit ang iron pero lahat hindi gumana. Ngayon alam ko na kung bakit." sabi nito kay Lino. Lahat naman kami nakikinig lang.

"B-bakit po?" inosenteng sagot ng lalaking hawak ko ngayon.

"Kailangan may pumatay sakin mula sa mabuting dahilan. Pumatay? Hm. Hindi naman ako mamamatay talaga dahil magiging abo ako. Unless mamamatay ang master ko. At ang pagmamahal mo sa kaibigan mo ang susi bakit ako nakalaya, master!" sabi niya.

"A-ano? Master? A-ako?" gulat na sabi ni Lino. Kahit kami nagulat. Anong nangyayari?

"Opo! Saka ko na po sasabihin kung papano pero may regalo ako sayo!" sabi nito kay Lino. Itinaas niya ang kamay niya at naglabas ito ng tungkod na kahoy pero alam kong hindi ito ordinaryo.

"Anong gamit nito? Pasensya na walang naiintindihan." sabi ni lino habang napakamot sa batok niya. Napangiti naman ako.

"Para yan sa mas focus na power mo master! Wag kang mag-alala, ako ang nagtuturo sayo ng mga magic mo. Patulong ka nalang sa nobyo mo sa combat!" sabi nito sabay kindat kay Lino. Umilaw naman ang buong katawan nito at biglang naglaho. Nagkaroon naman ng singsing na Phoenix si Lino.

"Hindi ko siya nobyo!" medyo naiilang na sigaw ni Lino pero huli na dahil wala na si Ellah.

"Oh nobyo mo daw ako." sabi ko sabay kindat kaya namula ang mukha niya. Damn so cute.

"Guys! Panalo tayo!" sabi ni Albert!

"Yeeheyy!!" sigaw naming lahat.

Tumingin ako kay Lino. Ngumite ako dito bago ako sumigaw.

"Lets go home to Lumen Academy!"

---------------------

THE LAST ENCHANTERWhere stories live. Discover now