KABANATA 79: WIFEY WITHOUT A WEDDING RING

1.5K 121 69
                                    

KABANATA 79: WIFEY WITHOUT A WEDDING RING

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Wonwoo. Nagulat na lang ako nang hatakin niya ako mula kay Jeonghan. Inaatake na naman siguro siya ng topak. Pumasok na kaming lahat sa loob at ang iba naman ay dumiretso sa kusina para makapagluto ng hapunan namin.

Sobrang namiss ko talaga dito sa bahay nila. Parang kailan lang dito pa ako nakatira at kumakain ng kasama sila. Tumingin naman ako kay Wonwoo nang bitawan niya ako sa kamay at walang sabing umakyat sa hagdanan. Hindi man lang siya nagsabi kung saan siya pupunta o anong gagawin niya. Well, baka didiretso lang yun sa kwarto niya.

Nagkibit-balikat na lang ako at nagtungo sa kusina. Halos sakupin na ng iba ang buong kusina dahil karamihan sa kanila nandito para magluto.

"May maitutulong ba ako?" tanong ko sa kanila.

"No,  it's okay Krystal noona. We can handle this." sagot ni Vernon na siyang pinakamalapit sa gawi ko.

"And besides, bisita ka namin at isa pang asawa ni Wonwoo." salita naman ni Jun na hindi man lang tumitingin sa akin dahil busy siya sa pag-ready ng mga ingredients na lulutuin nila. At talagang diniinan pa niya yung pagkakasabi niya ng asawa.

"Maupo ka lang, matatapos din kami dito. At para naman ma-celebrate natin na kasal na kayo ni Wonwoo.." nakangiting sambit naman ni Cheol kaya napangiti din ako ng matamis.

"Okay sige, sabi niyo eh.." tanging nasagot ko at natawa naman yung iba sa akin.

"Kamusta ka naman pala doon sa Palasyo? Hindi ka naman siguro masyadong ginugulo nung Castriel na yun?" rinig kong tanong ni Mingyu na busy sa paghiwa ng sibuyas at napabuntong-hininga naman ako sa tinanong niya. Tumingin naman sa akin si Woozi at mukhang napansin niya na masyadong malalim ang pagkakabuntong-hininga ko.

"Bakit? May ginawa ba siyang masama sayo?" Woozi at mabilis naman akong umiling-iling ng ulo nang lahat sila napatigil sa kani-kanilang ginagawa nung marinig nila ang tinanong ni Woozi.

"Wala naman siyang masamang ginawa sa akin. Masyado lang niya akong iniinis at pati cellphone ko kinuha niya kaya ayon, bilang ganti kaya ginupit-gupit ko yung wedding gown na dapat susuotin ko." mahabang sagot ko at parang isa akong bata na nagsusumbong sa magulang.

"It's good and he didn't do anything bad to you. Dahil kung sakali man na sinaktan ka niya, malilintikan siya sa akin." narinig kong salita nang taong nasa likod ko kaya napalingon ako. Si Wonwoo lang pala na bagong ligo at pinupunasan niya ang basa niyang buhok gamit ang puting tuwalya.

"Tama ka diyan! Kung gusto mo resbakan natin yung lalaking yun eh!" maangas na sagot ni Hoshi pero wala ang atensyon ko sa kanya.

Nakatuon ang tingin ko kay Wonwoo na patuloy pa din sa pagpunas ng kanyang buhok at hindi man lang niya napapansin na kanina pa ako nakatitig sa kanya.

"Asus, akala mo ang tatapang niyo para kayaning rumesbak pero tatakbo naman kapag may kasama ng back-up." narinig kong sagot naman ni Seungkwan.

Napalunok ako sa sarili kong laway nang tumulo ang ilang butil ng tubig pababa sa leeg ni Wonwoo at hindi ko alam kung anong klaseng ispiritu ang sumanib sa akin para maging ganito ako. Para akong naestatwa at talagang na-mesmerized pa sa angking kagwapuhan ni Wonwoo. Yung totoo, talaga bang mag-asawa na kami? Talaga bang kasal na kami? Naku, kung panaginip lang ito sana wag na lang akong magising.

Tila parang bumalik ako sa reyalidad nang marinig kong may nag-snap sa harapan ko at parang nawala ako sa pagkaka-hypnotized. Doon ko lang narealize na nakalapit na si Wonwoo sa akin at nagtataka siyang nakatingin sa mukha ko.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon