KABANATA 17: FIRST LOVE

1.9K 197 103
                                    

KABANATA 17: FIRST LOVE

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Ginabi na kami ni Wonwoo dito sa masukal na gubat. Hindi na namin mahanap ang tamang daan pabalik sa camping site. Gamit ang flashlight sa kanyang cellphone at mula sa sinag ng malaking buwan kaya nagkakaroon ng liwanag ang dinadaanan naming dalawa. Wala na talaga kaming pag-asa na makaalis dito sa gubat at hindi na namin alam kung saan parte na kami nakarating. Kung saan-saan na kami dinala ng mga paa namin.

Humigpit ang paghawak ko sa kamay ni Wonwoo nang humangin ng malakas. Tinatangay rin ang mahaba kong buhok at saglit namang napatingin si Wonwoo sa akin bago niya binalik ang atensyon sa kanyang unahan. Sobrang lamig na rin dito dahil bukod sa bundok ito ay gabi na rin.

Mukhang magbabadya pang bumagsak ng ulan dahil kanina pa kumukulog. Kaya nagpasya na lang kaming dalawa ni Wonwoo na maghanap ng pwedeng masisilungan baka sakaling biglang bumuhos ang ulan.

"May kubo doon. Magpahinga na muna tayo." salita ni Wonwoo sabay turo sa direksyon ng kubong nakita niya.

Sinundan ko naman ng tingin ang tinuturo niya at medyo malapit na 'to sa gawi namin. Pinuntahan naamn namin ang maliit na kubong nakita niya. Wala kaming nakitang tao roon nang makarating kami pero sakto na ito para makapagpahinga kaming dalawa.

"Dito muna tayo magpapalipas ng gabi." sambit ni Wonwoo nang makapasok kami sa loob.

Naupo kami sa upuan na gawa sa kawayan. Napayakap pa ako sa sarili kong katawan nang umihip na naman ang malamig na hangin.

"Siguro naman hahanapin nila tayo diba? Mapapansin naman yata nila Kaye na wala tayo sa tent natin." sabi ko sa kanya.

Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Wonwoo at naupo sa tabi ko. Parehas kaming nakatingin sa kawalan.

"May tiwala ako kanila Seungcheol hyung. For sure hahanapin nila tayo 'pag napansin nilang wala tayo sa camping site." sagot niya sa akin kaya hindi na ako nakasagot pa.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa habang pareho kaming nakatitig sa malaking buwan. Ilang saglit pa ay unti-unti ng bumuhos ang malakas na ulan kaya mas lalong lumamig ang paligid namin. Mabuti na nga lang at may suot kaming jacket.

Mabilis naman akong napakapa sa bulsa ng jacket ko nang maalala kong meron pala akong naibulsang pagkain. Naglalagay kasi ako ng mga biskwit o di kaya candy sa bulsa ko kung saan man ako magpunta just in case na bigla akong magutom.

Kinuha ko ang chocolate bar sa bulsa ko at agad ko namang inabot kay Wonwoo ang dalawa. Napatingin siya dito bago siya tumingin sa akin.

"Baka nagugutom ka na. Pasensya ka na, wala akong dalang tubig 'e." sabi ko kaya natawa siya ng mahina.

Kinuha niya ang dalawang chocolate bar at binuksan ito agad para kainin. Nilantakan ko naman ang akin dahil nakaramdam na ako ng gutom.

Wala pa kaming hapunan dahil nga hindi na namin nahanap kung nasaan ang camping site. Naligaw na nga talaga kami. Halos binaliktad na nga namin ang suot naming damit dahil sabi ng mga matatanda kapag naligaw ka baliktarin mo lang ang suot mong damit kaso hindi umepekto kaya heto, inabutan na kami ng dilim sa masukal na kagubatan. Malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil wala kaming nakasalubong na mababangis na hayop dito.

"Sino si Kiro?" bigla niyang tanong dahilan para matigilan ako at napatingin sa kanya.

"How do you know him?" tanong ko imbes na sagutin ang kanyang tanong.

"Actually, I heard what you were talking about earlier kaya hindi ko maiwasang ma-curious kung sino si Kiro." pag-amin niya kaya hindi ako agad nakasagot.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon