KABANATA 80: PROPOSE

1.2K 120 64
                                    

KABANATA 80: PROPOSE

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Matapos ang nangyari sa shop ni Kuya Knight ay agad din kaming umalis doon para hindi na kami makaagaw-pansin pa sa ibang mga tao. Mabuti na lang talaga ay may dalang ekstrang damit si Kaye kung wala, baka lalabas ako sa coffee shop na gusgusin dahil sa itlog at harina na pinagbabato sakin nung tatlo.

Napa-buntong hininga na lang ako ng malalim habang inaantay sila Karisma dito sa kotse. Muli na namang pumasok sa utak ko yung sinabi nung babae sakin kanina. Yung tungkol sa singsing. Hindi ko talaga maiwasang mapaisip at mas lalong hindi ko maiwasang maingggit sa ibang mga babae na ikinasal. Oo nga't kasal na ako sa lalaking mahal ko pero wala naman kaming wedding ring at mas lalong sa papel lang kami kasal.

Yung dating pinapangarap ko na merong lalaking magpo-propose sakin, yung lalaking hihintayin ako sa altar, yung lalaking kasama ko sa simbahan at sabay kaming mangangako sa harap ng Diyos na hindi namin iiwan ang isa't-isa at magmamahalan kami hanggang sa huli naming hininga.

Sounds weird but I really felt jealous and envious of other girl who experienced such a thing like that. What if one day Wonwoo just wakes up and he regrets marrying me? What if he realizes that I am not the woman he wants to grow old with? What if one day I just wake up that he doesn't love me?

Huminga ako ng malalim at pilit na huwag maiyak sa mga iniisip ko. Masyado ko bang pinapangunahan si Wonwoo sa kung ano ang iniisip niya? O sadyang nagiging overthink lang ako kaya kung ano-anong senaryo ang pumapasok sa kokote ko?

Umayos ako ng pagkakaupo nang nagsisakayan na sila Kaye sa kotse. Napansin ko pang napatingin si Jasmine sakin pero nananatili akong walang kibo.

"Siya nga pala, didiretso muna tayo sa COEX Mall. Tagal ko ng hindi nakikita si Minghao my loves ko kaya pupunta muna tayo sa fansign event nila!" masiglang sambit ni Kaye. Nagsimula na ring umandar ang kotse paalis na si Karisma ang nagmamaneho.

"Well, mas mabuti na ring mag-aliwaliw tayo." saad naman ni Chaeryoung.

Nagkwentuhan lang sila na kung ano-anong bagay habang ako ay wala akong maintindihan sa sinasabi nila dahil nagsisimula na namang lumipad sa kawalan ang isip ko.

Oo nga pala, may fansign event sila Wonwoo ngayon. Kahit na nakatira na ulit ako sa poder ng SVT, madalang ko na lang silang makausap dahil masyadong puno yung schedule nila kaya busy sila. Kahit ako rin naman subsob sa trabaho dahil may bagong ila-launch na project ang Empire Group.

Napansin ko na lang na nakarating na kami sa parking lot ng COEX Mall at ang pagbabaan nila Kaye sa kotse kaya bumaba na rin ako. Mabibigat ang paa ko na sumunod sa kanila at mukhang naging close na sila agad samantalang kanina halos patayin na nila sa tingin si Chaeryoung.

Inikot ko ang tingin ko sa buong lugar, bakit parang sobrang dami naman yatang tao ngayon sa COEX Mall? Marami rin akong nakitang mga estudyanteng mga babae na may kanya-kanyang mga bitbit na banners na may mukha at pangalan ng SVT. Sumunod na lang ako sa apat kung kasama kung saan sila didiretso at nakarating naman kami agad sa crowded place. Sobrang daming tao dito at nagkalat din ang mga security at body guard.

Sabagay, sikat na kpop group ang nandito para sa fansign kaya hindi na kataka-taka kung bakit ang daming taong nagpupunta sa mga ganitong event. Muntikan pa akong mawalan ng balanse dahil sa siksikan at nagtulukan ang ibang tao sa unahan mabuti na lang may humawak agad sa braso ko. Tumingin ako sa taong yun at isang lalaking matangkad at singkit ang nakita ko. Bakit parang pamilyar siya sa akin?

"S-Salamat.." sambit ko.

"No problem." nakangiti niyang sambit bago ito naglakad palapit sa babaeng kulot ang buhok. Nagkibit-balikat na lang ako at binalik ang atensyon sa stage. Nagsimula na ang fansign event nila at ang dalawang pinsan ko naman ay todo tili kasama ang ilang mga fans na hindi rin magkamayaw sa kakasigaw sa pangalan ng SVT.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon