KABANATA 51: DARLING OF MY LIFE

1.3K 153 100
                                    

KABANATA 51: DARLING OF MY LIFE

JEONGHAN's POV

Lihim akong tumingin sa rear view mirror at nakita ko si Krystal na tahimik lang na nakatanaw sa labas ng bintana. Nakakunot ang kanyang noo at mukhang may malalim siyang iniisip. She has been quiet since she asked me about Mingyu's first love. I don't know how she found out about Mingyu's first love and why she asked about her. I even noticed in the front mirror that Mingyu was looking at Krystal. For sure nagtataka siya kung bakit kanina pa walang imik si Krystal.

"Nandito na tayo.." salita ni Seungcheol kaya napatingin ako sa labas. Nakauwi na rin kami galing sa pag-grocery. Nagtaka pa ako nang mapansin ko ang kulay pulang kotse na nakaparada sa labas ng gate.

Nandito kaya si Prince Tatum? Pero pinaiwan ni Prince Tatum yung kotse niya dito para may magamit si Krystal. Pinasok lang ni Seungcheol yung sasakyan sa garahe bago kami nagsibabaan. Bakas rin sa mukha ng iba kong kasama ang pagtataka habang nakatingin sa pulang kotse.

"Kanino kaya yun?" rinig kong katanungan ni Seungkwan.

"Baka nandito si Prince Tatum.." sagot ni Dokyeom at nagkibit-balikat. Agad naman naming binitbit yung mga pinamili namin bago kami nagsipasukan sa loob ng bahay.

Pagpasok pa lang namin sa loob ay naririnig na namin ang tawanan at may nag-uusap pa. Nakilala ko yung isang boses dahil kay Wonwoo yun pero yung isa? Bakit boses babae? Sino naman kaya yun?

"Oh my god! Buti naman at nandito na rin kayo!" we heard a lively voice and we also saw who it was from. Hindi namin ine-expect na nandito siya ngayon mismo. Anong ginagawa niya rito?

"Chaeryoung noona!" sabay-sabay na tawag nila Seungkwan nang makita nila kung sino yun at halata sa kanila ang labis na tuwa. Nag-unahan pa silang magsitakbuhan palapit sa kanya maliban sa amin ni Woozi at si Krystal na halatang nagtataka kung sino ang babaeng yun.

"Napadalaw ka yata?!" excited na tanong ni Mingyu at bakas din sa boses niya ang sobrang saya.

Kitang-kita ko pa kung paano niya yakapin ng mahigpit si Chaeryoung. Pinag-uusapan lang namin siya ni Krystal kanina tapos ngayon nandito na siya. Ang tindi nga naman talaga ng tadhana.

"Did I surprise you, Mr. Kim? Wala kasi akong schedule ngayon kaya naisipan kong dumalaw dito. May pasalubong ako sa inyo galing New York but we will just check that later. Namiss ko kayo boys! Lalo na itong baby maknae ko!" she answered cheerfully and immediately hugged Dino after Mingyu hugged her.

"Ako hindi mo ba namiss?" tanong ni Hoshi at ngumuso pa ang loko.

"Syempre namiss ko din itong baby tiger ko!" malakas na salita ni Chaeryoung at niyakap agad si Hoshi.

Napailing-iling nalang ako. Hindi ako masaya na nandito ang babaeng ito sa bahay namin. I'm not close to Chaeryoung. It's not that I don't like her but it also doesn't mean that I really like her. I can feel that she is good at pretending. She is good at acting kindly. Siguro ay marami kaming bagay na hindi mapagkaka-sundo. Ayoko lang talaga ng ugali na mayroon siya.

"Kayong dalawa diyan? Hindi niyo rin ba ako namiss?" Chaeryoung asked while looking at us.

"Missed you? Sorry because that is not in my vocabulary." pabalang na sagot ni Woozi at nagkibit-balikat bago naglakad palabas.

Tulad ko ay hindi rin close ni Woozi si Chaeryoung. Mainit talaga ang ulo ni Woozi sa babaeng ito. Tiningnan ko naman si Krystal pero wala na siya sa tabi ko at nakalapag na lang sa sahig yung mga plastic bags na pinamili namin. Nasaan na siya? Nandito lang siya sa tabi namin ah?

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon