KABANATA 16: LOST IN THE WOOD

2K 201 95
                                    

KABANATA 16: LOST IN THE WOOD

SWEETHEART KRYSTAL

We did a lot of activities on the camping site. We just had activities like climbing a mountain to pick up the hidden papers for the mission given by our Professor. We were also taught how to make a fire without using a lighter or gas. How to catch fish in the fishery near to our camping site and as well as how to get woods na makukuha pa talaga sa itaas ng bundok.

Madami kaming ginawa, sa sobrang dami ay gusto ko na talagang umuwi ng bahay. I'm really bored at sinumpa ko talaga na hindi na ako sasama sa mga ganitong outdoor activity.

Atat na rin akong humilata sa malambot kong kama at uminom ng milktea.

Pasalamat na lang talaga ako dahil nandiyan sila Seungkwan na palaging nagpapawala ng boredom ko. Patago pa nga kaming naligo sa malinis na lawa na nakita nila Minghao at ilang metro pa ang layo dito sa camping site namin. Tatagal ng bente minutos bago makarating doon kung lalakarin lang.

Muntikan pa nga silang makita ng iba kong mga kaklase mabuti na lang at nakapagtago sila. Minsan tumatambay ako sa tents nila kapag naboboring ako sa camping sites namin.

Tulad ngayon at nandito ako sa loob ng tent nila Jeonghan habang naglalaro kami ng baraha. Naglalaro kami ng unggoy-unggoyan. Nung una hindi nila alam yun kaya kinailangan ko pa silang turuan. Tuwang-tuwang pa nga sila lalong-lalo na si Vernon nang ma-gets nila kung paano laruin yun.

"Okay! Nauna na ako!" excited na sigaw ni Vernon at nakapaskil sa mukha niya ang saya. Siya ang unang natapos at wala ng natirang baraha sa kamay niya.

"Same here." nakangiti kong sagot nang ilapag ko ang isang jack diamond at jack heart.

Napa-apir naman kaming dalawa ni Vernon sa isa't-isa dahil pareho na kaming natapos at wala ng hawak-hawak na baraha.

Tinignan ko naman si Jeonghan at Mingyu dahil sila na lang dalawa ang natitira. Nasa likuran ko naman si Hoshi at Wonwoo na nanonood habang nasa likuran naman ni Jeonghan si Cheol at Joshua.

Buti na lang nagkasya kaming lahat dito sa tent dahil medyo kaliitan ito. Hindi ko rin alam kung nasaan yung iba. For sure nasa tent lang sila at nagpapahinga. Buong araw kasi kaming naglaro kaya pagod siguro sila.

"Okay, wala na rin akong baraha!" nakangiting sabi ni Jeonghan nang ilapag niya ang dalawang queen na diamond at black spades. Napalakpak naman kami at pare-parehas namin tinignan si Mingyu na nakanguso na.

"Talo na naman ako?" di-makapaniwalang tanong niya kaya nagtawanan sila Cheol. Palagi kasi siyang natatalo sa games at pang-apat na niyang talo ngayon.

"Okay, anong punishment?" tanong ni Vernon.

Napaisip naman si Jeonghan habang ako wala talagang maisip na pwedeng matanggap na parusa ni Mingyu. Lahat kasi ng parusa nagawa na niya. Tulad na lang na lagyan siya ng lipstick sa mukha kaya ang dami niyang pula sa gwapo niyang mukha.

Nakaupo siyang tumatalon ng labing-limang beses habang nakahawak siya sa kanyang dalawang tenga at makatanggap siya ng pitik sa noo galing sa amin.

"Well, siya ang magluluto ng hapunan natin mamaya!" suhestiyon ni Jeonghan at lahat naman sila ay nag-agree. Napasimangot naman si Mingyu kaya natawa ako.

"Hyung, ako kaya ang nakatoka sa pagluluto remember?" saad ni Mingyu.

"Bigyan mo ng ibang punishment. Siya rin naman ang magluluto mamaya 'e." salita ni Woozi at agad namang nagreklamo si Mingyu kaya nagsimula na naman silang mag-ingay dito sa loob ng tent. Pinanood ko lang sila at tinatawanan. Ang kukulit talaga nila.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon