KABANATA 12: WONWOO
WONWOO's POV
Krystal was still sleeping peacefully on her bed while her mother was holding her left hand. They are worried for their daughter because she lost consciousness earlier. Ano ba kasing nangyari sa kanya? Dapat kasi hindi na lang siya pumasok kanina kung masama na pala ang pakiramdam niya. Nandito rin kaming lahat sa kwarto ni Krystal. Hindi naman namin siya pwedeng isugod sa hospital baka may makakilala sa amin. Kaya naisipan na lang namin na sa bahay na lang nila siya dalhin.
FLASHBACK
Hindi ko pinansin si Seungkwan na pinipilit pa rin akong hingiin ang number ni Krystal. Si Mingyu at Hoshi nga sumuko na, siya hindi pa. Natawa pa ako nang suntukin ako ni Seungkwan sa braso ko. Mahina lang naman yun at saka siya nanahimik. Chill lang akong nakaupo sa shotgun seat habang nakatanaw sa labas. Nandito pa rin kaming lahat sa loob ng Van at hinihintay namin dito si Krystal.
"Sure ba kayo na ganitong oras matatapos ang klase niya?" rinig kong tanong ni Seungcheol hyung.
"Oo naman hyung. Kami pa ba? Tinandaan ko lahat ng kinuwento nung pinsan ni Krystal kaya wala tayong problema." sagot naman ni Minghao na prenteng nakaupo sa driver seat.
"Teka? Paano niyo pala nalaman yung schedule ng pasok ni Krystal?" nagtatakang tanong ni Woozi.
Oo nga 'no? Paano nila nalaman? Pinakita naman ni Minghao samin ang cellphone niya. Nakalagay lahat doon kung kailan at kung anong oras ang pasok ni Krystal.
"Syempre dinaan namin sila sa konting kwentuhan. Kasabwat ko si Jun hyung habang kumakain tayo sa lobby hanggang sa nabanggit nila yung lahat ng tungkol kay Krystal. Mukhang hindi naman sila nakahalata sa pinlano namin." mahabang sagot ng katabi ko.
"Ang dadaldal nga nila 'e. Pati talambuhay ni Krystal halos ikuwento nila samin. Ano nga ulit pangalan nung dalawang pinsan niya?" Jun hyung pero nagkibit-balikat kami dahil nakalimutan namin ang pangalan nila.
"Guys, ayun na si Krystal!" bulalas ni Dino kaya lahat kami ay napatingin sa school gate. Lumabas na si Krystal at mukhang tapos na ang klase niya.
"Maiwan ang iba sa inyo dito. Susunduin ko lang siya." sambit ni Seungcheol hyung at agad naman akong nag-tanggal ng seatbelt.
"Sasama ako." sabi ko. Nagsuot ako ng sumbrero at facemask bago bumaba sa sasakyan. Bumaba na rin si Seungcheol hyung at pati si Hoshi na mukhang gusto ring sumama.
"Bilisan niyo baka may makakilala sa inyo." paalala ni Jeonghan samin kaya agad kaming naglakad papunta kay Krystal.
"Krystal!" sigaw ni Hoshi kaya nabatukan tuloy siya ni Seungcheol hyung. Napatingin tuloy samin ang ibang tao maski si Krystal.
Tumawid kami pero nagulat ako nang makita kong natumba siya sa sahig at nawalan ng malay. Dali-dali akong tumakbo at lumapit kay Krystal.
"Krystal, gumising ka!" sigaw ko at mahina ko pang tinapik ang pisngi niya pero hindi siya nagigising.
Namumutla siya at halatang hindi okay ang pakiramdam niya. Pinagpapawisan din siya ng malamig! Shit! Ano bang nangyari sa kanya? Bakit bigla na lang siyang nawalan ng malay?
"Buhatin mo na! Dali!" utos ni Seungcheol hyung sakin kaya hindi na ako nag-dalawang isip na buhatin si Krystal. Shit, bigla tuloy akong kinabahan!
Bumalik kami sa Van habang buhat-buhat ko si Krystal na walang malay. Mabuti na lang hindi siya gaanong mabigat. Sinalubong naman kami nila Mingyu na mukhang nagulat at nagtataka.
"Anong nangyari sa kanya? Bakit wala siyang malay? Bakit siya nahimatay?" sunod-sunod na katanungan ni Seungkwan kaya binatukan siya ni Woozi.
Lumipat naman ng upo sila Vernon na nasa unang row nakaupo kaya hiniga ko si Krystal doon at naupo sa gilid niya para hindi siya mahulog.
BINABASA MO ANG
Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITED
FanfictionCOMPLETED ✔ What would you do if you found out you were a royal princess? What would you do if you were the missing princess and everyone thought you were dead? But what if, the thirteen boys suddenly appeared in your life? What if the famous and ha...