KABANATA 39: FREE TIME

1.5K 161 75
                                    

KABANATA 39: FREE TIME

SWEETHEART KRYSTAL's POV

It was exactly seven o'clock in the evening when we arrived at our destination. I don't know where it is but the place is so beautiful! Nakikita ko ang iba't-ibang kulay na pailaw sa lugar na ito. Mas lalo pa akong namangha ng pagbaba namin sa Van ay nakikita ko na ang ibang rides pero bakit walang katao-tao dito?

"Bakit parang tayo lang yata ang nandito?" tanong ko sa kanila. Naghintay lang muna kami dito dahil pinark pa ni Cheol yung sinakyan naming Van sa parking lot.

"Pinasara muna ito ni Prince Knight para malaya tayong makakapaglibot dito.." Jeonghan kaya napauwang naman ang bibig ko. Talagang pinasara muna ito ni Kuya Knight? Unbelievable!

"Welcome to Lotte World, Krystal!" sabay na sigaw ni Seungkwan at Dokyeom kaya napangiti ako. Lotte World pala ang tawag sa lugar na ito.

Dumating na rin si Cheol kaya nagsipasukan na kaming lahat sa loob. Sa labas palang ay sobrang ganda na lalo na't gabi pa kaya nakakamangha yung mga pailaw nila. May nakita rin kaming mga taong pare-parehas ang mga suot. I think mga staff yata dito sa Lotte World. Nagsisi-bow silang lahat kapag nadadaanan namin sila.

"Hala! May Camelot Carrousel!" excited kong sigaw at tinuro agad kung nasaan naroon ang Camelot Carrousel.

Natatandaan ko itong itsura ng carrousel, ganito yung napanood namin nila Kaye sa kdrama. Pinilit kasi nila akong manood nun. Ano nga ulit title nung kdrama na yun? Stairway to Heaven ba yun?

Natawa naman sila Jeonghan dahil sa reaksyon ko. Nagsitakbuhan naman sila Dokyeom, Seungkwan at Hoshi kaya tumakbo rin ako para sumunod sa kanila. Ang ganda ng Camelot Carrousel dito at meron silang 64 horses! Sana may ganito rin sa Pilipinas. Inassist naman kami nung lalaking staff kaya nakasakay na rin kaming lahat.

Sa lahat ng rides, ito ang pinakapaborito ko. Naalala ko rin dati na dinala ako nila mama at papa sa mga ganitong amusement park. At palaging sa carrousel kami sumasakay.

Nag-start na ring umandar ang Camelot Carrousel kaya mas lalo akong na-excite. Tawang-tawa naman kami kay Seungkwan dahil muntikan na siyang malaglag sá kabayo. Lumawak ang ngiti ko dahil masaya ako ngayon. It's very nice and fun to go to places like this. Nakakawala ng stress. Nag-take din kami ng mga pictures at madalas si Minghao ang taga-kuha namin ng litrato.

Pagtapos namin sa Camelot Carrousel, sunod kaming sumakay sa The Conquistador. Nung una ayaw pa nila Cheol pero hinatak na sila ni Mingyu at Jun kaya wala na silang nagawa. This is an Intamin- viking ship ride. I was next to Seungkwan, Dokyeom and Dino. And the others were already sitting behind us. Hindi pa nagsisimulang umandar ang ride pero nagsisigawan na silang lahat na parang mga timang. Tuwang-tuwa naman ako dahil halos nakikita na namin ang ibang rides at halos maabot na rin namin ang ceiling. Hindi naman magkamayaw sa kakasigaw ang mga kasama ko.

We next rode the bumper cars. Pinagtulungan pa nga naming banggain si Mingyu kaya tawa kami ng tawa dahil wala siyang kawala. Sumakay din kami sa Swing Pang Pang, isa itong mini version ng teacup ride. Sa Drunken Basket maski sa Giant Loop na halos ikabaliw nila Dokyeom dahil isa itong ride na paikot at huminto pa kami sa itaas kaya nakabaliktad kaming lahat.

Sa Eureka na isang magic boats na paakyat-pababa habang umiikot-ikot. We rode many more rides. Jumping Fish, Lotty Train, French Revolution, Jungle Adventure, Pharoah's Fury, Aeronauts Balloon Ride, Gyro Swing, Swing Tree, Bungee Drop and Gyro Spin.

Nung sumakay nga kami sa Comet Express ay nagpaiwan na lamang si Cheol dahil ayaw niya sumakay sa mga rollercoaster. Halos magsuka naman ang iba nung makababa kami at parang nabangag naman si Dokyeom. Kahit takot sila ay nagawa pa rin nila akong samahan na sumakay sa mga rides.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon