KABANATA 88: TAKE ME NOW

1.8K 124 72
                                    

Warning: Medyo Rated SPG po itong chapter. Kung meron man po akong innocent and young readers dito, pag-pasensyahan niyo na kung medyo mahalahay ang kabanata na ito. Please read at your own risk.

• • •


KABANATA  88: TAKE ME NOW

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Pasado ala una na nang madaling araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Masyado sigurong napahaba ang tulog ko kanina kayo ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. Tumingin ako sa dalawa kong kasama, mahimbing na silang natutulog dahil na rin sa pagod sa kaka-swimming nila kanina sa dagat. Akala ko nga ay wala na silang balak na umahon sa dagat. Buti na lang talaga at tumigil na sila sa mga water games. At hanggang ngayon ay dito pa rin ako sa kwarto nila Kaye ako nakikitulog.

Bumuntong-hininga ako at nagpasya nalang akong bumangon. Siguro tulog na ang mga kasama ko dito sa bahay. Tahimik na rin kasi sa buong resthouse at pare-parehas silang mga napagod sa mga water games kanina. Tanging liwanag lang galing sa buwan ang nagbibigay ilaw sa hallway nang makalabas ako ng kwarto. Maingat akong bumaba sa hagdanan at tahimik akong dumiretso sa kusina para makapagtimpla ng gatas.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtitimpla ng gatas nang mapansin kong hindi lang ako ang tao dito sa kusina. Narinig ko rin ang mahinang pagbagsak ng baso sa lamesa kung nasaan ako. Masyadong madilim dito dahil hindi na ako nag-abalang buksan yung ilaw. Tanging sa pwesto ko lang ang natatamaan ng sinag ng buwan.

"Can't sleep?"

I heard a familiar baritone voice. Napakapamilyar at alam kong sa iisang tao lang ang nagmamay-ari nito. Walang iva kundi si Wonwoo. Medyo nagulat pa ako nung magsalita siya.

"O-Oo.." tipid kong sagot sa kanya kahit hindi ko siya nakikita dahil may kadiliman nga dito sa kusina. Hindi ko alam na nandito pala siya at mukhang kanina pa niya ako pinapanood sa ginagawa ko.

Bakit gising pa siya? Gusto kong hanapin kung saan siya nakapwesto pero natatakot akong salubungin ang mga mata niya. Kanina masyado siyang malalim tumingin sa akin at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit sa paraan niyang pagtingin sakin nun ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang boltahe ng kuryente sa katawan ko. Isa rin yun sa dahilan kung bakit hindi ako makatulog.

Narinig kong umingay ang upuan at sa tingin ko ay tumayo siya sa pagkakaupo. Kahit sa gilid ng mata ko ay hindi ko siya mahanap. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Hindi na rin siya nagsalita kaya hindi ko alam kung saang parte siya ng kusinang ito nakapwesto.

Napasinghap ako bigla nang maramdaman kong may kamay na humawak sa beywang ko at ang pagpulupot ng braso niya sa akin. Hindi ako agad naka-react dahil sa mabilis niyang paglapit sa akin. Sunod-sunod pa akong napalunok sa sarili kong laway nang dampihan niya ng halik ang batok ko pababa sa aking balikat na mas lalo yatang naghatid sa akin ng kakaibang kuryente at kilabot.

"I'm sorry wifey. Sorry kung nasaktan kita, sorry kung pinaiyak kita. Gusto kong suntukin ang sarili ko. Nangako ako sayo na hinding-hindi kita sasaktan at papaiyakin pero masyado akong gago at pinairal ko agad ang selos. Sana mapatawad mo ako." mahabang sambit niya sakin at bawat bigkas niya ay ramdam ko namang sinsero siya sa mga sinasabi niya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa beywang ko at humarap sa kanya. Nagtaka pa ako kung bakit amoy beer siya. Uminom na naman ba siya ng alak? Pero kahit ganun ay hindi nawawala ang mabango niyang amoy. Pansin ko ring namumula ang leeg niya at mapungay ang dalawa niyang mata. Ngumiti ako at pinulupot ang dalawa kong kamay sa batok niya.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon