KABANATA 20: TATUM AND MAXRILL?

1.9K 192 95
                                    

KABANATA 20: TATUM AND MAXRILL?

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Tinignan ko silang lahat at hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na magtaka kay Tatum. Anong ginagawa niya dito? May kasama rin siyang gwapo at matangkad na lalaki na tila pamilyar sa akin. Nang titigan ko siya ng maigi ay doon ko lang siya nakilala.

Prince Maxrill? Anong ginagawa ng dalawang prinsipe mula sa angkan ng Matsunaga family dito? Bumaling naman ang atensyon ko sa mga pinsan kong lalaki. Si Kuya Arata at Kuya Klaus ay mahigpit na nakahawak sa kamay nila Kuya Zach at Kuya Carson. Nakikita ko sa mga mukha nilang lahat ang galit and I don't fucking know why!

"Ano bang nangyayari dito?" tanong ko sa kanila.

Kitang-kita ko rin na putok ang gilid ng labi ni Kuya Zach at akma siyang lalapit sa akin nang bigla namang naglakad palapit si Tatum sa gawi ko. Tiningnan ko siya ng labis na pagtataka at nakita ko rin ang biglaang pag-lambot ng mukha niya. Hindi tulad kanina na sobrang dilim ng awra niya na animo'y handa na siyang kumitil ng tao.

Nagulat naman ako nang mahigpit niya akong niyakap. Isang yakap na parang ayaw na niya akong pakawalan. Isang yakap na pakiramdam ko ay matagal na niyang gustong gawin. Tumakbo naman palapit sa gawi ko si Prince Maxrill at niyakap din ako ng mahigpit. Ano bang nangyayari sa dalawang 'to?

"Sorry dahil ngayon lang ako nakarating. Iuuwi ka na namin.." rinig kong bulong ni Tatum sa akin dahilan para mas lalo akong magtaka.

Iuuwi? Anong ibig niyang sabihin na iuuwi na niya ako? At saka bakit ba nila ako niyayakap? Nagulat ako nang may humila sa kanilang dalawa palayo sa akin at sinuntok ni Kuya Zachary si Tatum! Bahagya pa akong napatalon sa gulat dahil sobrang lakas ng pagkakasuntok ng pinsan ko!

"Kuya Zach!" sigaw ko sa pangalan niya at akma kong tutulungan si Tatum na makatayo pero hinila na ako ni Kuya Carson kaya hindi na ako nakalapit pa.

"Kahit anong gawin niyo hinding-hindi niyo pa rin makukuha si Krystal samin! Magkakamatayan muna tayo!" galit na asiki ni Kuya Zachary at muli niyang sinuntok si Tatum.

Napahawak naman ako sa bibig ko nang makitang pumutok ang gilid ng labi ni Tatum kaya naman agad umawat sila Wonwoo na kanina lang ay nag-aalinlangan pa silang lumapit. Ayaw man nilang makisali ay mukhang hindi na sila makatiis kaya sila na ang pumipigil kay Kuya Zach na ngayon ay halos hindi ko na makilala. Sobrang dilim ng kanilang anyo. Ramdam kong galit na galit sila.

"Bakit ayaw niyong sabihin kay Krystal yung totoo? Natatakot ba kayo na malaman niya kung sino talaga kami sa buhay niya huh?!" galit na galit na sigaw ni Tatum na ngayon ay pinipigilan siya ni Prince Maxrill na makalapit kila Kuya Zach.

"Sabihin sa akin ang totoo? Anong totoo?" tanong ko kaya napatingin silang lahat sa akin.

Mababakas din sa mga itsura nila Seungkwan ang matinding pag-aalala sa akin lalong-lalo na si Wonwoo at Hoshi. Bwisit! Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari ngayon! Bakit ba hindi na lang nila ako diretsuhin para malaman ko na ang dahilan kung bakit galit na galit sa isa't-isa si Kuya Zach at Tatum? Nasa gitna pa naman kami ng daan pero mabuti na lamang at walang mga taong dumaraan dito kaya hindi kami nakagawa ng eskandalo.

"Kailangan mong malaman ang lahat, Krystal! Kailangan mong malaman ang totoo mong pagkatao!" sigaw ni Tatum sa akin.

Nakita ko na muling sumugod si Kuya Zachary at inambahan ng suntok si Tatum. Gumanti rin si Tatum sa kanya kaya halos nagsqsalitan sila ng suntok kahit madami na ang umaawat sa kanilang dalawa.

Matangkad sila at malalaking tao. Hindi rin sila basta-basta nagpapalamangan pagdating sa pagsuntukan. Pero anong ibig sabihin ni Tatum na kailangan kong malaman ang totoo kong pagkatao? Ano bang meron sa pagkatao ko?! May alam ba sila Tatum tungkol sa akin?

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon