KABANATA 9: MEET THEM AGAIN

3.1K 215 104
                                    

KABANATA 9: MEET THEM AGAIN

SEUNGCHEOL / SCOUPS's POV

"Ano palang kakainin natin mga hyung?" dinig kong tanong ng maknae namin na si Dino na mukhang kakagising lang. Bumaba lang siya sa hagdanan at agad s'yang naupo sa tabi ni Jeonghan.

"Gutom na ako mga hyung.." salita naman ni Vernon at nakasalumbaba pa siya sa center table. Mababakas naman sa mukha niya na nakakaramdam na siya ng gutom. Well, kahit kami ay nagugutom na at nagwawala na ang mga alaga namin sa tiyan.

"Wala pa kasi tayong almusal." sagot ni Jeonghan sa kanya.

"Hindi man lang tayo nakakain kagabi." sabat ni Hoshi at nag-pout pa ang loko.

Sabay-sabay kaming napabuntong-hininga. Tumingin naman ako sa wall clock at alas otso na pala ng umaga. Hindi ko man lang napansin o namamalayan ang oras. Kakagising lang kasi naming lahat at ngayon lang kami nakaramdam ng gutom. Halos bagsak kami kagabi dahil sa pagod at antok. Dumiretso kami agad dito sa Cebu kahit na kakatapos lang ang concert namin.

"Nasaan ba kasi si Manager hyung? Paggising ko wala na siya dito sa bahay." tanong ni Wonwoo habang nakaupo siya malapit sa bintana.

Nakasilip siya sa kurtina. May hawak pa siyang binocular sa kaliwang kamay habang sa kabilang kamay naman niya ay hawak-hawak ang isang libro. Kagabi pa siyang ganyan ah? Ano bang sinisilip niyan?

O baka naman sino? Ewan. Nandito na kasi kaming lahat sa tinutuluyan naming bahay at katapat lang namin ang bahay ni Krystal.

"Nagpaalam sakin kanina si Manager. Kailangan daw niya munang bumalik sa Seoul dahil may aasikasuhin daw siyang importante. Babalik naman daw siya agad dito pero hindi naman niya sakin sinabi kung kailan." mahabang sabi ni Joshua.

Tiningnan ko silang lahat. Parang pang semana santa na ang mga mukha nila dahil sa gutom. Bakit ba kasi wala man lang laman yung refrigerator?! Kahit isang mansanas man lang.

Buong akala ko pa naman nakapag grocery na si Manager hyung para at least wala na kaming po-problemahin dito. Hindi pa naman namin kabisado ang pasikot-sikot dito sa Cebu. Hindi naman din kami pwedeng humingi ng tulong kay Krystal at baka masira ang plano namin. At mas lalong hindi kami pwedeng makilala at magpakita sa publiko baka mamaya may fans na makakita sa amin at kuyugin na lang kami bigla.

AHA! Alam ko na! Agad akong napatayo kaya nakuha ko ang atensyon nilang lahat. Talagang sabay-sabay pa silang napaangat ng ulo at tumingin sa akin.

"May naisip ka na ba hyung?" tanong ni Woozi kaya napatango-tango ako ng ulo. Agad namang umaliwalas ang pagmumukha nila at parang nagningning pa ang mga mata nila.

"Maghiwa-hiwalay tayo ng gagawin. May lalabas para bumili ng pagkain sa tindahan. Hindi tayo pwedeng tumunganga dito magdamag. Kailangan pa nating bantayan si Krystal diba? Yung iba magluluto kapag nakabili na ng pagkain. At yung iba ay magmasid at bantayan yung bahay ni Krystal. Baka mamaya lumabas siya na hindi natin nalalaman." mahaba kong sabi sa kanilang lahat.

Iyon lang ang tanging naisip kong paraan kaysa naman magkakasama kaming mamamatay sa gutom dito.

"Hindi kaya delikado hyung? Baka mamaya may makakilala satin dito at pagkaguluhan pa tayo." nag-aalalang sabi Mingyu na sinang-ayunan naman ni Minghao.

"Anong gusto niyo? Mamatay tayo sa gutom dito? Maghintay tayo na magkaroon ng himala?" tanong ko kaya natigilan sila.

Mukhang naintindihan nila kung ano ang ibig kong sabihin. Lahat naman kami biglang napatingin kay Jeonghan dahil tumayo siya.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon