1: SCOUPS

9.7K 310 300
                                    

CHAPTER ONE
━━━━━━━━━━━━
“SCOUPS”

SWEETHEART KRYSTAL POV

Malakas na ingay ang aking narinig dahilan upang magising ang aking diwa. Parang dumadagundong ang ingay na iyon sa tenga ko. Kulang na lang ay mabingi ako.

'Yeh alright
Say the name Seventeen yep
Nae mam ttaerineun gesture
Mansae samchanghaji baek beon but
Kkaego naseon maebeon say I'm so stupid..'

What kind of song is that? Alien ba iyon? Hindi ko maintindihan ang kanta dahil iba ang lenggwahe nito, ngunit sigurado ako na galing ito sa bluetooth speaker.

Inis akong nagtalukbong ng kumot at tinakip ko na rin ang unan sa magkabilang tenga ko para hindi ko 'yon marinig pero mas lalo lang yata itong lumalakas.

"Aba'y, ineng! Sleeping beauty lang ang peg?" singhal ng boses babae.

Pamilyar sa akin ang boses niya kaya mas lalong nangunot ang noo ko. Don't tell me siya na naman ang nagpapatugtog dito sa kwarto ko?

"Hoy, Sweetheart! Aba'y may balak ka naman sigurong gumising at bumangon dahil may pasok pa tayo!" sigaw niya.

Para siyang nakalunok ng mikropono dahil sa lakas ng boses niya. Inis akong bumangon bago ko tinanggal ang kumot sa aking katawan.

Wala rin akong pakialam kung mukha akong bruha sa harapan niya. Inaatok ko siyang tiningan. Nakatayo siya malapit sa aking paanan.

Nakapameywang siya habang nakataas ang isang kilay. Walang iba kundi ang pinsan kong si Kaye na adik sa Kpop, kdrama at Wattpad.

"Krystal ang pangalan ko, hindi Sweetheart. Ilang beses ko bang sasabihin sa ’yo na ayokong may tumatawag sa akin na Sweetheart?" Halata sa boses ko ang iritasyon.

“At pwede bang pakipatay ’yang pinapatugtog mo? Bukod sa maingay na, wala pa akong maintindihan,” dugtong ko.

Napairap naman si Kaye. "Ang ganda kaya nitong kanta. Wala ka talagang taste pagdating sa music. Mansae, mansae, mansae yeah!” sagot niya sabay sayaw kaya napailing na lamang ako sa kabaliwan niya.

Pinsan ko ba talaga siya? Siguro no'ng baby siya ay may tinurok sa kanya na kung ano. Bumangon na ako at hindi ko na lang siya pinansin. Mabuti na lang ay sanay na ako sa kanya. Tuwing nakakarinig siya ng kanta ng paborito niyang Kpop group ay bigla na lang siya sasayaw.

Tumingin ako sa orasan, 6:20 a.m. na. May pasok pa pala kaming dalawa sa school. Hindi kami pwedeng ma-late dahil may exam pa kami.

Agad na akong nagtungo sa banyo at ginawa ang morning routine ko.

Nawala na rin ang tugtog at sa tingin ko ay lumabas na rin si Kaye ng kwarto ko. Matapos ang labinlima na minutos ay natapos na akong maligo. Nagbihis na ako, nagsuklay at nag-ayos ng sarili.

Nang makuntento ako sa ayos ko ay saka ko binitbit ang backpack kong itim at lumabas na ng kwarto.

"Ang tagal mo naman," naiinip na saad ng pinsan kong naghihintay sa sala.

Naka-ready na rin siya. Wala kaming school uniform kaya malaya naming nasusuot ang gusto naming damit.

“Masyado kang excited,” sagot ko pero ang bruha ay inirapan lang ako.

"Good morning, baby. Mag-breakfast na muna kayong dalawa ni Kaye," salita ni mama na kalalabas lang sa office library niya.

Hinalikan niya ako sa pisngi bago niya inayos ang mahaba at basa kong buhok tulad ng ginagawa niya noong bata pa ako. Kahit kailan talaga si mama, malaki na ako pero ginagawa pa rin niya akong baby.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon