KABANATA 11: COLLAPSE

2.8K 200 113
                                    

KABANATA 11: COLLAPSE

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Mayroon akong class ng 9:30 AM kahit na Sunday ngayon kaya maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok ko. Dalawang subject lang naman ang papasukin ko kahit na tinatamad akong pumasok ngayon. Paglabas na paglabas ko palang sa gate namin ay nakita ko agad si Seungkwan at Vernon na nakatayo sa labas ng kanilang gate.

"Noona!" sabay nilang tawag sa akin at kumaway pa sa gawi ko.

"Magandang umaga!" bati nila sakin.

Lumapit naman ako sa kanila at mukhang may lakad silang dalawa. Nakaporma sila 'e. Ang cool din ng suotan ni Vernon. Pang-swag ang style ng damit niya habang may nakasabit pa na headset sa kanyang batok.

"Good morning din. Anong ginagawa niyo dito sa labas?" At tinignan ko silang dalawa. Napansin kong basa pa ang buhok ni Seungkwan na mukhang kakaligo lang.

"Syempre hinihintay ka!" sagot agad ni Seungkwan at nakita ko pang siniko siya ni Vernon. What? Hinihintay ako?

"Ah 'e, ang ibig kong sabihin hinihintay namin sila Seungcheol hyung. May pupuntahan lang kasi kami." paglilinaw niya at tumawa ng mahina sabay kamot sa kanyang ulo kaya tumango ako.

"How about you, Krystal noona? Where are you going? Don't tell me na may klase ka kahit na Sunday?" Vernon at pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumaas pa nga ang isa niyang kilay 'e.

"Ah oo may pasok ako. Major subject kasi namin yun." sagot ko sa kanya at ngumiti.

"Woah, ang sipag mo naman! Anong year mo na ba?" tanong sakin ni Seungkwan.

"4th year college at isang Fine Arts student." nakangiti kong sagot. Napatango-tango naman silang dalawa.

"Nice course. Well, it's obvious to you that you love arts." Hindi ko alam kung compliment ba 'yon ni Vernon sakin pero nagpasalamat pa rin ako. Mukhang mapapasabak ako sa english nito kapag kausap siya.

Tumingin ako sa taong lumabas sa kanilang gate. Si Joshua lang pala at nakaporma din siya. Nginitian ko siya nang mapatingin siya sakin kaya agad din niya akong sinuklian ng ngiti.

"Good morning." bati niya kaya binati ko din siya. Woah, halata talagang sweet ang lalaking 'to.

"Teka may pasok ka?"

"Yup. Hindi ako pwedeng umabsent dahil major subject ko 'yon." sagot ko at napa-ahh naman siya.

"Anyway, mauuna na ako baka malate pa ako sa class ko 'e. Ingat kayo sa pupuntahan niyo ah!" paalam ko sa kanila.

Ilang minuto din kasi ang biyahe ko papuntang school at baka maabutan pa ako ng traffic. Wala naman kasi yung driver namin, umuwi daw muna sa probinsya nila kasi nagkasakit ang misis niya kaya si papa ang madalas naghahatid sakin sa school. Kaso maaga yatang pumasok sa trabaho si papa ngayon kaya no choice ako kundi mag-commute na lang.

"Pwede ka naming ihatid sa school mo if you want. We are also leaving kaya pwede ka naming isabay." suhestiyon ni Joshua sa akin pero umiling ako agad. Nakakahiya naman kung isasabay pa nila ako. Ayoko naman silang maistorbo dahil may pupuntahan din sila.

"Naku wag na. Kaya ko naman yung sarili ko at saka magta-taxi na lang ako." sagot ko agad at ngumiti. Nakakahiya naman kasi talaga kung ihahatid pa nila ako sa school. At isa pa, baka may makakilala sa kanila doon.

"Are you sure?" tanong pa niya kaya tinanguan ko lang siya.

"Okay, mukhang hindi na kita mapipilit. Just take care yourself okay?" tanging nasabi ni Joshua kaya natawa ako ng mahina.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon