KABANATA 42: HE'S GOING CRAZY?
SWEETHEART KRYSTAL's POV
Ramdam ko ang isang kamay na humahagod sa mahaba kong buhok pati na rin sa aking kaliwang pisngi. Sinubukan kong idilat ang dalawa kong mata at tinignan kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na yun. Kahit medyo may kadiliman dito sa kwarto ko ay nagawa ko pa rin siyang maaninagan. Isang matangkad na tao abg nakatayo sa gilid ng kama ko at alam kong nakatingin siya sa akin. I'm still sleepy at medyo mabigat pa ang pakiramdam ko but I was still able to look at him. Sino siya? Hindi ko siya kilala. Alam ko ang rebulto ng katawan nila Wonwoo.
"S-sino ka?" garalgal kong tanong sa kanya.
My whole room was a little bit dark so I could not clearly see his face. The door to the balcony was also open so the cold air could enter and the curtain was blown away.
"Don't hesitate, Krystal. They will take your position as a Royal Princess. Kailangan mo ng bumalik at kunin kung ano ang para sayo." malumanay niyang sambit na ikinakunot ng noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Sino ba siya? Isa siyang lalaki base na rin sa kanyang boses.
"W-who are you? How do you know my name?" naguguluhan kong tanong at akmang babangon nang pigilan niya ako.
"Hindi na importante kung sino ako. Bumalik ka kung saan ka nararapat. I will protect you against them no matter what. I'm just here, my princess." tila makahulugan niyang sabi at naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa aking noo.
"I'm here, don't worry ma princesse. Je te l'ai dit, je reviendrai vers toi." aniya at hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi dahil na rin sa iba ang lenggwahe nun.Tumalikod na siya pero mabilis ko siyang nahawakan sa kanyang kamay para pigilan siyang makaalis.
"P-pwede mo bang s-sabihin sa akin kung a-anong pangalan mo?" nauutal kong tanong sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at maraha niyang pinisil ito. Napansin ko na may dinukot siya sa bulsa ng suot niya at naramdaman ko ang malambot na tela sa kamay ko.
"Maybe that's enough for you to have an idea of who I am, my baby girl" sambit niya at labis naman ang lakas ng pagtambol ng puso ko. Pamilyar, napakapamilyar ang boses niya lalo na nung banggitin niya ang huli niyang sinabi.
Sinundan ko siya ng tingin dahil tumalikod na siya at nagtungo sa balkonahe. Isinara niya ang pinto kaya hindi na hinangin pa ang kurtina. Pinilit kong bumangon át agad binuksan ang lampshade na nakapatong sa side table. Nagkaroon ng liwanag kaya nakita ko kung ano ang ibinigay sa akin ng lalaking yun.
Isang handkerchief.
Kulay puting panyo yun na may kulay itim na nakaburdang pangalan gamit ang sinulid. Pangalan ko ang nakaburda doon at katulad ito ng panyo na meron ako. Ganito yung nakapulupot noon sa tuhod ko nung makita ako nila mama sa gilid ng dagat. Binuklat ko ang panyo at may nahulog na maliit na papel. Agad ko itong tinignan at merong nakasulat roon.
'I'm back.'
Yun ang nakasulat sa papel. Anong ibig sabihin ng nakasulat dito? Bigla na lamang akong sinakluban ng kakaibang kutob. Kumirot din bigla ang ulo ko at tila may nag-flashback na naman sa akin. Imahe ng babae ang lumitaw. Isang babae at bigla yata akong nakaramdam ng matinding galit at pati na rin ang pagkamuhi.
Siya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang pamilya ko at kung bakit namatay si Mommy Annabelle. Kaonti na lang at babalik na ang alaala ko. Paunti-unti lang at kailangan ko lang maghintay para malalaman ko din kung sino ang may puno't dulo nito kung bakit naging ganito ang buhay ko.
***
"May schedule kami ngayon. Sigurado ka bang kaya mo na dito?" nag-aalalang tanong sakin ni Hoshi.
BINABASA MO ANG
Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITED
FanfictionCOMPLETED ✔ What would you do if you found out you were a royal princess? What would you do if you were the missing princess and everyone thought you were dead? But what if, the thirteen boys suddenly appeared in your life? What if the famous and ha...