KABANATA 54: WONU

1.3K 150 83
                                    

KABANATA 54: WONU

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Alas sais palang ng umaga nang umalis ako sa bahay at tanging sticky note lang ang iniwan ko kanila Cheol para ipaalam sa kanila na umalis ako. Ayoko naman silang istorbohin sa tulog kaya hindi na ako nakapag-paalam sa kanila ng personal. Muli ko na namang nasilayan ang ganda ng Royal House. Palasyong-palasyo talaga ang datingan ng buong lugar na 'to. Tulad nga ng sabi ni Kuya Tatum sakin, sinundo ako ng mga bodyguards at limousine ang ginamit na sasakyan. Huminto ang sasakyan at pinagbuksan pa ako ng isang bodyguard kaya bumaba na ako.

Natapakan ko ang red carpet at doon ko lang nakita ang mga bodyguards at maids. Nakalinya silang lahat at nakaharap sa isa't-isa. Nakita ko sila Kuya Tatum na nakatayo sa pinakadulo. Agad silang ngumiti kaya napangiti rin ako. Talagang pinaghandaan nila ang pagdating ko ngayon. Sabay-sabay na nagsiyuko ang lahat ng maglakad na ako.

"Maligayang pagbabalik, Kamahalan." sabay-sabay nilang sabi lahat. Yumuko din sila Kuya Tatum bilang paggalang kaya nailang tuloy ako bigla.

"Good morning, my Princess." bati ni Kuya Duke sa akin at mabilis akong hinalikan sa noo ko. Ngumiti lang ako bago nila ako iginiya papasok sa loob. Nakita ko ulit ang mamahaling chandelier sa itaas ng kisame nang makapasok kami sa double door.

"Naghihintay na si Dad sayo.." bulong ni Kuya Tatum sa akin.

Tinignan ko lang siya saglit bago ko binalik ang atensyon ko sa paglalakad. Pumasok kami ulit sa double door at bumungad sa amin ang mahabang lamesa. Ito yung Dining Hall na pinagdalhan sa akin nung matandang lalaki nung sumugod ako dito.

"Welcome home, Princess." masayang bati ni King Adamson sa akin nang makita ko siya. Pero nagulat ako nang makita ko kung sino ang iba pang mga nandito.

"Mama, Papa!" nakangiting tawag ko at agad napatakbo sa gawi nila. Mangiyak-ngiyak naman si mama nang makita niya ako at isang mainit na yakap ang naramdaman ko sa kanya.

"I miss you, my baby!" bulalas ni mama at pinaghahalikan ako sa pisngi ko dahilan para mapa-bungisngis ako.

"Papa.." tawag ko kay papa nang pati siya ay napaiyak na rin at niyakap ako ng mahigpit.

"Namiss ka namin ng mama mo iha.." sambit niya sa akin.

"I miss you both. I'm glad you are here now.." sagot ko at nginitian ko sila ng matamis.

Ngumiti lang sila ng tipid sa akin pero bakit ang lungkot ng mukha nila? Hindi ko maiwasang sakluban ng matinding kaba. Meron na namang bang mangyayaring hindi maganda ngayon?

"Sorry for the interruption, pero pwede bang maupo na muna tayo para makapag-almusal na muna bago natin simulang pag-usapan ang dapat mapag-usapan.." putol ni King Adamson sa kasiyahan namin kaya naupo naman kami sa silya.

Mas lalong tumindi ang kaba ko at hindi ko alam kung bakit. I feel like something bad is going to happen. Darn it!

Pinaghandaan kami ng mga maids ng makakain. Tahimik lang ang lahat kaya hindi ko magawang umimik. Nagsimula na rin kaming kumain ng almusal at tanging kubyertos lang ang naririnig kong ingay. Mabuti wala dito yung mag-ina na bwisit sa buhay namin.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kukunin ka na namin mula sa kinilala mong magulang, Krystal. Starting today, you will lose your last name as an Abellano and will be replaced by a Matsunaga. You are a Matsunaga afterall.." diretsong sabi ni King Adamson matapos ang ilang minuto naming pananahimik.

Natigil naman ako sa sinabi niya. Tama ba itong narinig ko? Nilingon ko naman sila mama at papa. Wala man lang bahid na pagkagulat sa mga mukha nila at mukhang inaasahan na nilang sasabihin ito ni King Adamson. Matagal na ba nila itong napag-usapan?

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon