KABANATA 56: KARISMA
SWEETHEART KRYSTAL's POV
I'm thinking too much again. Hindi ko rin alam kung ano ang uunahin kong gawin. Hindi rin ako masyadong makatulog dahil sa sinabi ni Wonwoo sa akin kagabi. Ang ibig bang niyang sabihin ay may gusto siya sa akin? Frustrated na tuloy ako sa mga nangyayari. At saka inisiip ko din sila mama. Hindi pa ako handa na maging Matsunaga. Hindi rin ako handa pagbabago ng buhay ko. Hindi ako handa na mahiwalay kila mama. Kahit kailan ay hindi ko naman ginusto na maging Prinsesa.
Sila ang kinilala kong pamilya for pete's sake! Sila ang tinuring kong magulang! Sinubukan ko na silang tawagan sa phone pero hindi sila sumasagot. Ganun na lang yun? Kung gaano nila ako kadaling inampon, ganun din sa kanila kadali na ipamigay ako?
I can accept that I am the daughter of King Adamson. I will accept that I am really the Royal Princess pero ang hindi ko matanggap ay ang bakit kailangan ko pang mahiwalay sa kanila? Bakit hindi na ako pwedeng makipagkita kila mama at papa? Paano ang mga pinsan ko? Sila Kaye at Kuya Zachary? Paano ang mga tinuring kong pamilya sa Pilipinas?
"Krystal noona.."
Tila bigla akong nabalik sa reyalidad nang may marinig akong nagsalita. Pagtingin ko ay si Seungkwan lang pala at doon ko lang din napansin na nandito ako sa sala. Kung saan-saan na naman lumilipad ang isip ko. Agad akong bumangon sa pagkakahiga sa sofa at ngumiti ng tipid kay Seungkwan.
"Bakit?" tanong ko sa kanya. Naupo siya sa harapan ko at hinawakan niya ang kamay ko.
"Kanina pa kita tinatawag pero parang hindi mo ako naririnig. Kanina ka pa tulala sa kisame. May problema ka ba?" tanong niya at bakas sa kanyang boses ang labis na pag-aalala.
Masyado na yatang malalim ang iniisip ko at hindi ko man lang namalayan na tinatawag niya pala ako. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya.
"Okay lang ako, don't worry." sagot ko at mahinang pinisil ang kamay niya.
Siya naman ngayon ang bumuntong-hininga at bahagya pang ngumuso. He's cute. Gustong-gusto ko rin ang chubby cheeks niya. But he's also handsome. Ang galing pa niyang kumanta at sumayaw.
"Sa totoo lang nabanggit ni Wonwoo hyung kanina yung nangyari sayo sa Royal House.." sambit niya at natigilan ako saglit.
Maaga kasi silang nagising kanina dahil may schedule sila. Kami lang ni Seungkwan ang naiwan dito sa bahay. Medyo sumasakit daw kasi ang tiyan ni Seungkwan pero hindi naman seryoso yung pananakit nun. Magpapa-check lang siya mamaya kaya sasamahan ko na rin siya.
Hinihintay lang namin yung Manager nila para sunduin kami dito. Baka siguro may nakain itong si Seungkwan kaya kanina pa sumasakit ang tiyan niya pero kailangan pa rin niyang magpa-check up para makasigurado na walang problema sa kalusugan niya. Mahirap pa naman magkasakit, mga Kpop Idol pa naman sila.
"Pasensya na pala kagabi kung late na ako nakauwi. Ang dami kasing nangyayari sa buhay ko.." sabi ko pero agad siyang napailing ng ulo.
"Naiintindihan ka namin. Basta nandito lang kami para sayo, para makausap mo. Magkakaibigan tayo diba? Halos pamilya na rin ang turingan nating lahat sa isa't-isa.." Seungkwan kaya ngumiti ako ng mapakla.
Pamilya? Pakiramdam ko ay hindi ko na alam kung sino ang ituturing kong pamilya sa kabila ng nangyari sa buhay ko ngayon.
"Salamat Seungkwan.." pasasalamat ko na ikinangiti niya at bahagyang ginulo ang buhok ko. Maya-maya lang ay narinig na rin namin ang busina sa labas kaya sabay kaming napatayo ni Seungkwan.
"Nandiyan na yata si Manager Younghwan.." rinig kong sabi niya.
Inalalayan ko naman siya sa braso niya dahil medyo nahihirapan siya sa paglalakad at isa pa nakahawak siya sa tiyan niya bago kami lumabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITED
FanfictionCOMPLETED ✔ What would you do if you found out you were a royal princess? What would you do if you were the missing princess and everyone thought you were dead? But what if, the thirteen boys suddenly appeared in your life? What if the famous and ha...