KABANATA 64: GOOD AT PRETENDING

1.3K 143 68
                                    

KABANATA 64: GOOD AT PRETENDING

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Kalat na kalat na sa social media ang tungkol sa akin. Usap-usapan ang pangalan ko at lahat sila ay gustong makita kung ano ang itsura ko. Pumayag na akong ilabas sa publiko na buhay ako. Naglabas na ang Royal House ng statement tungkol sa totoo, na buhay ang Royal Princess. Maybe I just did the right thing right? Para na rin ito sa kapakanan ng mga taong importante sa akin.

Nagulat din ang lahat ng mga empleyado sa Empire Group nang malaman nila ang totoo. Pinakilala na ako nila Lolo Harold at talagang namangha ako nung makita ko ang Empire Group. It is a tall building and has one hundred floors. There are also many employees working in the Empire Group and they all already knew me when Lolo Harold introduced me this morning. Lahat sila ay buong puso nila akong tinanggap, lahat sila ay nagbigay galang sa akin.

"Congratulations, iha. You are now the official owner of Empire Group. Sabagay ikaw naman talaga ang tagapagmana ng kompanyang iyon." nakangiting sambit ni Lolo Harold kaya nginitian ko lang siya ng tipid.

"By the way, tutulungan ka naman ni Maxrill para asikasuhin ang kompanya and besides hindi ka rin naman pababayaan ni Karisma." salita naman ni Lolo Alfonso at ngumiti ng matamis.

"Yes I will help Krystal even if I hate her." biro ni Karisma kaya natawa si Lolo Harold at Lolo Alfonso. Tumingin naman ako sa taong humawak sa kamay ko, si Kuya Maxrill.

"I'm just here." aniya kaya nginitian ko lang din siya.

Nakahinga talaga ako ng maluwag nang magising na siya kaninang madaling araw. Sinabi rin ng doktor na ligtas na sa kapahamakan si Kuya Maxrill kaya sobrang saya namin nung sa wakas ay nagising na siya mula sa pagkaka-comatose. Hindi pa masyadong magaling sugat niyang natamo sa dibdib pero pwede na siyang umuwi para sa Royal House na lang daw siya magpapagaling.

"Anyway kailangan na pala naming umalis. Meron pa akong aasikasuhin. Sabay-sabay na tayong lumabas, pauwi na rin kayo diba?" nakangiting saad ni Lolo Alfonso.

"Yup, lolo. Inasikaso ko lang yung dapat asikasuhin kanina sa nurse desk kaya makakauwi na si Kuya Maxrill ngayon." si Kuya Knight ang sumagot.

"Good. Let's go." Lolo Alfonso.

Sobrang saya niya nung nalaman niya na pumayag na ako sa kagustuhan nila. Nakapag-isip isip ako nung umalis ako sa bahay nila Cheol. Narealize ko na meron pa akong kailangang gawin at dapat asikasuhin. Kaso maraming beses akong nagdalawang-isip bago ako pumayag sa kagustuhan nila lolo.

I was hesitant to leave their house. I hesitated to leave pero mas nangingibabaw ang kagustuhan ko na umalis na lang para sa ikakatahimik ng lahat lalong-lalo na si Mingyu. Until now, I am still hurt by what he said. Iniisip ko rin ang kaligtasan nila. Ayokong madamay sila sa gusot na ito. Hindi ko talaga kakayanin kung sakaling isa sa kanila ay mapahamak.

"Kapag sinaktan mo ulit si Chaeryoung, ako na ang makakalaban mo. And please, get out of my sight."

Napapikit ako ng mariin nang maalala ko na naman yun. Kung gaano niya kariin na sinabi yun at kung gaano ko nakikita ang galit sa dalawa niyang mata. And how much he worries about Chaeryoung. Now I wonder if he really likes me or if he really loves me. Hindi ko talaga maiwasang kuwestiyunin si Mingyu. Totoo ba lahat ng mga sinabi niya sa akin o sadyang pinaglalaruan lang niya ako?

Napadilat ako nang maramdaman kong may humawak sa kaliwang kamay ko. Nakita kong si Kuya Tatum yun at ngumiti ng tipid sa akin.

"Let's go. May aasikasuhin pa akong meeting kaya si Karisma na ang maghahatid sayo." Kuya Tatum.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon