KABANATA 78: SHE'S MY WIFE
SWEETHEART KRYSTAL's POV
Sumapit na ang gabi pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kay Wonwoo pati na rin kung narehistro na ba sa Gangnam office yung marriage contract naming dalawa. I was staying in my room all day even though the door of my room was no longer locked. Masyado rin akong nag-aalala para kay Wonwoo, baka mamaya may masamang nangyari sa kanya pati kanila Cheol. Hayyst.
Kumunot ang noo ko nang marinig kong may kumatok kasabay ang pagbukas ng pintuan. Bumangon ako sa kama nang makita kong ang Head of Maid lang pala.
"Kamahalan, nakahanda na po ang hapunan niyo." sambit niya. Bumalik ako sa pagkakahilata sa kama ko at bumuntong-hininga.
"Wala po akong ganang kumain." sagot ko sa kanya.
"Pero pinapatawag po kayo ni King Adamson. Naroon din po ang Lolo Alfonso niyo at ang pamilya ni Prince Castriel.” aniya dahilan para umikot ang dalawang mata ko dahil sa inis. Talagang balak pa ni King Adamson na makasama namin na kumain ng hapunan ang gunggong na yun.
Wala na akong ibang choice kundi ang bumangon at dire-diretsong lumabas ng kwarto ko. Baka mamaya ipakaladkad pa ako ni King Adamson papuntang Dining Hall. Tsk. Pagkadating ko ay agad napatayo si Prince Castriel sa kanyang kinauupuan at nakangiti ito ng malapad. Psh, nakakainis talaga ang mga ngiti niya. Talagang inaasar niya ako.
"Napakagandang dalaga ng iyong anak, King Adamson. Talagang magiging maganda ang lahi natin kung magkakaroon sila ng anak ni Castriel." tuwang-tuwa sabi ng matandang lalaki at siya yung kasama ni Castriel sa mini office ni King Adamson.
Mukhang siya ang Daddy nitong gunggong na ito. At ano daw? Maganda ang lahi kung magkakaroon kami ng anak ni Castriel? No way! Kung sakali man na matuloy ang kasal, pwes hindi ko hahayaan na magkatabi kami sa iisang kama at mas lalong hindi ko hahayaan na hawakan niya ako kahit na magkadikit man lang ang mga balat namin.
Nakita kong tinulak ni Castriel ang upuan na katabi niya at sinenyasan akong doon maupo pero syempre dahil mabait ako kaya dumiretso ako sa bakanteng upuan na katabi ni Lolo Alfonso at doon tahimik na naupo. Naupo naman si Castriel na siyang kaharap ko sa lamesa.
"Are you okay, iha?" rinig kong tanong ni Lolo Alfonso nang makaupo ako sa tabi niya.
Ngumiti ako ng peke at tinanguan ko na lang siya kahit na hindi ako okay. Wala kasi si Lolo Harold ngayon. He stayed in France because he could not accept that Tito Charles could commit the crime. Maybe he needs to wait some time to move on.
"Here's your cellphone. Sorry if I took it from you." sabi ni Castriel sabay abot ng cellphone ko at kinuha ko naman ito ng walang imik.
"Okay, because we are now complete so let's start tonight with a happy party for the wedding of my Princess and Prince Castriel tomorrow morning." nakangiting sabi ni King Adamson at napashrugged naman ako ng balikat. Bakit kaya ang tagal nila Kuya Ace? Narehistro na ba kaya yung marriage contract namin ni Wonwoo?
Bago pa nila simulang kumain ay siyang bukas naman ng marahas nung pintuan dito sa Dining Hall. Lahat kami ay napatingin doon at bumungad sa amin sila Kuya Maxrill kaya nabuhayan ako ng loob.
"Kuya..." tawag ko sa kanila at nginitian naman nila ako ng malapad.
"What are you all doing here? Didn't I tell you that you can't meet or approach the Princess until her wedding day arrives." ma-otoridad na salita ni King Adamson at tinignan sila Kuya.
"Sorry Dad, sadyang mga pasaway lang kami." kibit-balikat na sagot ni Kuya Duke at kinindatan ako.
Nabaling ang atensyon ko nang may pumasok ulit at this time ay napatayo ako nang makita kong kasama ni Kuya Ace si Wonwoo. Nginitian niya ako ng matamis at nagthumbs-up sa akin.
BINABASA MO ANG
Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITED
Hayran KurguCOMPLETED ✔ What would you do if you found out you were a royal princess? What would you do if you were the missing princess and everyone thought you were dead? But what if, the thirteen boys suddenly appeared in your life? What if the famous and ha...