KABANATA 19: REQUEST
SWEETHEART KRYSTAL's POV
It's been three days mula nang maligaw kami ni Wonwoo sa gubat. Three days na rin ang nakakalipas at palagi na lang akong tinutukso ni Mingyu kay Wonwoo. Halos walang araw na hindi niya ako iniinis dahil dun sa sinasabi niyang pwede daw siyang maging tulay namin ni Wonwoo kuno. Walangyang lalaking yun at napakapasaway pa!
"Nandiyan na naman yang lalaki na yan. Wala ba siyang balak na tigilan ka?" rinig kong tanong ni Seungkwan sa akin habang nakatingin kami pareho sa labas ng bintana. Bumuntong-hininga naman ako.
"Baka ayaw talaga niyang tigilan si Krystal noona." sabat ni Dino na nasa kabilang gilid ko lang.
Nandito kasi sila sa bahay namin at nakatambay. Sembreak naman na kaya nakakabonding ko na sila lalo na itong si Seungkwan na mukhang bestfriend na yata ang turingan namin sa isa't-isa.
"O baka naman gusto niya talagang makipagbalikan kay Krystal noona.." rinig kong salita ni Vernon na nasa sala at nakaupo sa sofa.
Minsan talaga gusto ko ng kaltukin sila Kaye dahil sa pagiging madaldal nila. Pati ba naman kasi yung tungkol kay Kiro ay nabanggit nila sa kanila Seungkwan.
I just took a deep breath habang nakatanaw kay Kiro na nasa labas ng bahay namin at palagi na lang siyang pumupunta dito para makausap ako.
Vernon is right. Gusto ni Kiro na makipagbalikan sa akin at pinipilit niya akong bumalik sa kanya pero hindi ako pumayag. Bakit naman ako makikipag-balikan pa sa kanya gayung wala na akong nararamdaman para sa kanya?
"Kawawang Kiro. Mukhang maghihintay na naman siya sa wala.." sambit ni Dokyeom na may hawak na gitara at napailing-iling pa siya ng ulo.
"Maupo na kayo dito. Hayaan niyong tubuan ng ugat yung Kiro na yan sa kakahintay kay Krystal." ani Woozi kaya sumunod naman kami sa kanya.
Naupo ako sa tabi niya at halatang busy siya sa pagsusulat sa kanyang notebook. Ganun din si Vernon na meron pang earphone na nakasalpak sa magkabila niyang tenga.
Silang lima lang ang nandito sa bahay namin. Wala sila Cheol dahil may pinuntahan yatang importante. Yung iba naman ay nandun sa tinutuluyan nilang bahay at may kanya-kanya yata silang pinagkakaabalahan.
"Anong sinusulat mo?" tanong ko kay Woozi at bahagya akong sumilip sa sinusulat niya.
Hindi ko naman yun maintindihan dahil hangul ang nakasulat pero infairness ang ganda ng handwriting niya. Malinis rin siya sa pagsusulat.
"Nagsusulat ako ng bago naming kanta. Naghahanda lang baka kasi mag-comeback kami." sagot niya sa akin at hindi man lang ako tinapunan ng tingin dahil nakatuon ang atensyon niya sa pagsusulat.
"Woah, ibig sabihin ikaw ang gumagawa ng mga kanta niyo?" mangha kong tanong dahil hindi ko ine-expect na sila mismo ang gumagawa ng mga kanta nila. Akala ko kasi ay may sarili silang mga songwriter.
"Yes, Krystal noona. Si Woozi hyung ang nagsusulat ng mga kanta namin at minsan naman ay tinutulungan siya ni Vernon hyung. Ang hip-hop unit naman namin na sila Wonwoo, Vernon, Seungcheol at Mingyu ang nagsusulat ng rap nila. Habang si Hoshi hyung naman at ako yung gumagawa ng sayaw namin kaya halos kaming dalawa na rin ni Hoshi hyung ang choreographer sa grupo namin." mahabang sabi ni Dino na kasalukuyang naglalaro ng games sa kanyang cellphone.
Sinasabi niya yun sa akin habang nakatutok ang kanyang atensyon sa pagpipindot sa phone niya.
"Seriously? Wow, ang astig mo naman Woozi!" tuwang-tuwa kong bulalas.
BINABASA MO ANG
Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITED
FanficCOMPLETED ✔ What would you do if you found out you were a royal princess? What would you do if you were the missing princess and everyone thought you were dead? But what if, the thirteen boys suddenly appeared in your life? What if the famous and ha...