KABANATA 43: THAT SEMI-BALD GUY

1.4K 159 76
                                    

KABANATA 43: THAT SEMI-BALD GUY

SWEETHEART KRYSTAL's POV

'I'm going crazy with you. What should I do?'

'I'm going crazy with you. What should I do?'

'I'm going crazy with you. What should I do?'

Parang isang sirang plaka na paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang mga sinabi ni Wonwoo sa akin kahapon. Hindi ko siya maintindihan. Wala akong maintindihan sa sinabi niya pero parang pakiramdam ko ay may gusto siyang iparating sa akin at feeling ko may ibig ipahiwatig yung sinabi niya. Hayyst, nahihibang na yata ako. Napailing-iling na lang ako at sumimsim ng iced latte.

"Are you okay?"

Nilingon ko naman ang bruskong boses na nagsalita at nakita ko si Kuya Knight na may suot-suot na apron.

"Yup, Kuya. Okay lang ako." sagot ko at nginitian ko siya ng tipid. Ngumiti lang din siya at medyo ginulo ang buhok ko. Naupo rin siya sa tabi ko.

"Wag kang mahiyang magsabi sa akin kung may bumabagabag man sayo okay? Alam ko namn na kay Kuya Ace at Tatum ka close pero nandito lang din ako. May Kuya Knight kang malalapitan once na may problema ka." malambing niyang sambit na nagpangiti sa akin ng matamis.

To be honest, mabilis mapalagay ang loob ko sa mga Kuya ko kahit na marami ang nagbago at nangyari sa amin. Hinawakan pa ni Kuya Knight ang kamay ko at marahan pa niya itong pinisil.

"Salamat, Kuya Knight. Don't worry, hindi ako magdadalawang-isip na lumapit sayo kapag nagka-problema ako." nakangiti kong turan sa kanya. Napangiti naman si Kuya at masuyong hinalikan ang noo ko.

"Stay here. Aasikasuhin ko lang muna yung mga customer okay? Wag kang aalis diyan. Baka mapatay pa ako ni Tatum kapag may masamang nangyari sayo dito." sabi niya kaya natawa ako at tumango sa kanya.

Sinundan ko lang siya ng tingin at naglakad na si Kuya Knight pabalik sa counter. Masasabi ko na maswerte ako dahil may mga Kuya ako na handa akong protektahan at nandiyan rin sila para sa akin.

Bumuntong-hininga nalang ako at pinanood si Kuya sa pag-asikaso sa mga costumer na patuloy na dumarating dito. Karamihan ay puro mga babae pa na halatang kinikilig kapag nginingitian sila ni Kuya.

Talaga nga naman kasing gwapo ang mga Kuya ko. Wala silang kahirap-hirap na bumihag ng puso ng mga babae kahit na ngumiti lang sila.

Nandito nga pala ako sa Knight Cáfe at tumambay muna. Minsan ko na lang kasing makita sila Kuya dahil busy sila sa mga trabaho nila lalo na sa pag-manage nila ng mga kompanya. Minsan dinadalaw-dalaw nila ako sa bahay nila Cheol pero dahil nabo-bored na ako sa bahay kaya ako na mismo ang nagpunta dito.

Gusto ko rin sanang may pagkaabalahan habang nandito ako sa Seoul kaya kinontak ko agad sila mama tungkol sa business na ipapatayo nila dito sa bansa. Sinabi nila sa akin na babalitaan nila din ako agad dahil gusto kong ako ang mag-manage ng business nila dito sa South Korea habang hindi pa ako nakakabalik sa Pilipinas.

At saka itong coffee shop lang din ni Kuya Knight ang alam kong puntahan kaya dito na ako dumiretso. Mabuti nga at hinatid ako ni Cheol bago siya nagtungo sa COEX Mall dahil dun daw gaganapin yung fanmeeting nila ngayong araw. Hindi na ako sumama sa kanila dahil gusto kong tumambay dito sa shop ni Kuya Knight.

Huminga ako ng malalim at sumimsim ulit ng kape. Namimiss ko na sila mama at papa. Madalang ko na lang silang makausap dahil pati sila ay busy sa mag-handle ng kompanya. Sila Kaye at Jasmine naman ay hanggang ngayon ay may training pa rin sila sa kompanya ng parents nila.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon