KABANATA 14: TRUTH

2.4K 209 98
                                    

KABANATA 14: TRUTH

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Rinig na rinig naming lahat ang malakas na pagtunog ng bell alarm, hudyat na class dismissal na. Sa wakas natapos na rin ang klase namin sa Photography 1. Niligpit ko agad ang mga nakakalat kong gamit sa lamesa dahil nagsisimula na ring magtayuan ang mga kaklase ko na handa na ring umuwi.

Wala namang masyadong tinuro yung Professor namin. Baka siguro medyo tinatamad na silang magturo dahil malapit na ang sembreak. At isa pa tatlong subject lang ang pasok ko kaya uwian na agad. Hindi rin pumasok sila Kaye at Jasmine kaya ako lang ang mag-isa ngayon. Ano kayang nangyari sa dalawang yun? Lunes na lunes pero hindi sila pumasok. At ito rin ang unang beses na umabsent si Kaye sa klase namin.

Tinatawagan ko sila pero hindi naman sila sumasagot. Nag-text na rin ako pero hanggang ngayon hindi pa rin sila nagre-reply. Tumayo na rin ako nang matapos kong ipasok sa bag ko ang mga gamit ko at dahil unti-unti na ring nagsisilabasan ang mga kaklase ko para umuwi.

"Ms. Abellano?"

Napaangat naman ako ng ulo nang may tumawag sa apelyido ko, si Ma'am lang pala. Agad akong lumapit sa kanya bitbit ang bag ko.

"Bakit po ma'am?" tanong ko sa kanya.

"Itatanong ko lang kung sasama ka ba sa camping this coming Wednesday?" tanong niya sakin.

"Nakalista na kasi yung mga sasama pero napansin kong yung pangalan mo lang ang wala dito sa papel. Alam mo namang required na sumama lahat ng mga estudyante diba?" aniya at bahagyang inayos ang suot niyang makapal na salamin.

Naalala ko naman yung tungkol sa camping. Muntikan ko na palang makalimutan yun. Hindi naman ako pwedeng hindi sumama dahil mismong si ma'am na ang nagsabi na required yun. Ibig sabihin lahat ng estudyante ay kailangang sumama.

"Sorry po ma'am, nawala po kasi sa isip ko pero sasama po ako sa camping. Wala naman po akong choice 'e." sagot ko kaya natawa naman si ma'am sa sinabi ko.

Binigay niya sakin ang papel kaya sinulat ko lang doon ang pangalan ko. Nakita ko rin ang pangalan ng dalawa kong pinsan na nangunguna sa listahan. Mukhang excited sila dahil sila ang unang-unang nakalista sa papel.

Tatawagan ko na lang mamaya sila mama tungkol sa camping para magpaalam. Kung bakit ba kasi nakalimutan kong banggitin yun kay mama kanina.

"S'ya nga pala, narinig ko sa isang estudyante kanina na may naghahanap sayo. Isa daw na matangkad na lalaki at mukhang foreigner." sambit ni ma'am dahilan para matigilan ako ng bahagya. May naghahanap sa akin na lalaking mukhang foreigner? Sino naman kaya?

"Ho? Baka naman po kapangalan ko lang po yung hinahanap nung lalaki." sagot ko at binalik kay ma'am ang ballpen niya.

Wala naman akong ideya kung sino yung tinutukoy niyang naghahanap sa akin maliban nga lang kanila Hoshi pero imposibleng pumunta sila dito sa school ko.

"Siguro, ewan. Pero narinig ko talaga na binanggit nung lalaki yung name mo." sagot ni ma'am na mukhang sigurado siya na ako ang hinahanap nung lalaking 'yon.

"Sige salamat, Ms. Abellano. Alam mo naman na kailangan ka ng section mo sa camping at Class President ka pa naman." dugtong pa niya.

Tama siya. Class president ako ng class section namin. Nginitian ko lang si ma'am at nagpasalamat din ako bago ako nagpaalam na uuwi na. Sino naman kaya yung naghahanap sa akin? Hindi ko tuloy mapigilang ma-curious.

Naglakad na ako papuntang gate para makauwi na. Kailangan ko pang asikasuhin yung dadalhin ko para sa camping. Two days and one night din yun. At pagtapos nun sembreak na namin. Hayahay na naman ang buhay ng mga estudyante dahil isang linggo kaming walang klase.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon