KABANATA 3: WELCOME TO MANILA

4.1K 237 175
                                    

Warning: This story is not as perfect as you think and please, don't say offensive things and languages if you don't like this kind of story.

• • •

KABANATA 3: WELCOME TO MANILA

SWEETHEART KRYSTAL'S POV

Saktong pagpasa ko ng test paper ko sa Professor namin ay saka naman tumunog ng malakas ang alarm bell. Hudyat na lunch break na. Bahagya pa akong napainat-inat ng katawan dahil sa pangangalay at tumingin kay Kaye na kakatapos lang din ipasa ang test paper niya sa teacher namin.

"Tara na sa cafeteria? Nagugutom na ako." aya ng pinsan ko sakin.

"Nakaka-stress naman kasi yang Digital Design na yan eh." reklamo pa niya kaya tinawanan ko lang siya ng mahina.

Mahirap naman talaga kasi ang mga question sa Digital Design pero kaya naman ng utak namin kahit papaano. Buti nga nagawa ko pang sagutan ang mga yun. Sinukbit ko lang sa aking balikat ang aking bag bago kami sabay na lumabas ni Kaye sa room. Pagdating namin sa cafeteria ay sobrang dami na agad na mga estudyante rito. Magka-sabay sabay ba naman kasing mag-lunch break ang mga Fine Arts students. Meron pang ibang estudyante na mula sa Engineering Department kaya talagang maraming tao ngayon dito.

"Order muna tayo tapos sa soccer field na lang tayo kumain. Siksikan na dito eh." sabi ko kay Kaye kaya tumango lang siya sakin.

Pumila lang kami at umorder ng makakain namin bago kami dumiretso sa soccer field. Naabutan namin na may naglalaro at may iilan din na nanonood. Naupo kami sa bakanteng bench at kumain. Dito kaming dalawa madalas kumakain kapag puno na ang cafeteria.

"Sasamahan mo ba ako?" dinig kong tanong ni Kaye sakin.

"May concert ang SEVENTEEN bukas." dugtong pa niya.

Akala ko hindi na siya magsasalita. Masyado nga yata siyang nagutom. Kung sabagay nakakagutom naman talaga kasi lalo na at halos limang oras kami sa loob ng classroom para mag-exam. Ang sakit pa naman sa pwet dahil ilang oras kaming nakaupo. Ang arte-arte pa ni Ma'am. Tatayo lang sasabihin agad nangongopya na. Tsk.

"Saan ba?" tanong ko sa kanya. Kahit kailan naman wala siyang pinapalagpas kapag nagkakaroon ng concert ang favorite niyang kpop group dito sa Pilipinas.

"Mall of Asia." tipid niyang sagot.

Halos mabilaukan naman ako sa sinabi niya. Sa Mall of Asia?! Nagbibiro ba siya?! Aba ang layo naman yata! Baka nakakalimutan ng babaeng 'to na nasa Cebu kami at nasa Maynila ang MOA!!

"Ang OA ng reaksyon mo, alam mo ba yun? Palalagpasin ko pa ba yun ah? May concert ang mga asawa ko 'no!" Kaye kaya inirapan ko siya. Maka-asawa naman siya wagas. Ang lakas talaga ng imagination ng babaeng 'to. Ni hindi nga nila alam na nag-eexist siya sa mundong ito eh.

"Sorry hindi ako pwede. May aasikasuhin pa akong project sa Photography 1." sabi ko.

"Pasahan na rin yun sa susunod na araw eh." dugtong ko pa sa kanya at tumingin ako sa mga naglalaro. Bakit ba ganito kagwapo yung mga varsity player namin dito sa school? Kaya sikat ang eskwelahan namin dahil sa kanila. Karamihan pa sa kanila ay anak mayayaman.

"Sige na Krystal. Samahan mo na ako please?" pagmamakaawa niya at nag-puppy eyes pa siya pero umiling-iling ako.

"Hindi nga pwede. Madami pa talaga akong aasikasuhin. Kung gusto mo magpasama ka na lang kay Jasmine." tukoy ko sa isa pa naming pinsan slash bff.

"Oo nga pala, nasaan ang babaeng yun? Bakit di ko man lang nakita?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Nagkibit-balikat si Kaye na ngayon ay nilalantakan na ang binili niyang piattos. Syempre para maiba naman ang usapan namin. At saka buong araw kong hindi nakita si Jasmine. Hindi man lang siya nag-take ng exam namin ngayon.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon