KABANATA 91: A WEDDING DAY II
SWEETHEART KRYSTAL's POV
Tinignan ko maigi ang sarili kong itsura sa harap ng malaking salamin. Ngumiti ako nang sa wakas ay tapos na rin akong ayusan at talagang nagustuhan ko ang itsura ko ngayon. Suot-suot ko na ang wedding gown ko at nakikita ko rin kung gaano kahaba ang veil na nakadugtong sa buhok ko para hindi matanggal.
"Wow, ikaw na yata ang pinakamagandang bride na nakita ko." narinig kong salita ni Kaye. Tumingin ako sa kanya at nginitian siya.
"Dati pangarap ko lang na makapagsuot ng wedding gown." sambit ko.
Dati kasi naglalaro kaming magpipinsan ng kasal-kasalan noong bata pa lamang kami tapos kumot ang ginagawa o ginagamit naming gown. Grabe, ang sarap balikan ang mga ganung alaala. Parang kailan lang. Naniniwala na talaga ako na mabilis lumipas ang panahon.
"Pangarap na natupad at may bunos pa! Sa isang Jeon Wonwoo ka pa ikakasal!" sagot naman ni Jasmine at sabay kaming napangiti ng malawak.
Nandito sila para i-check ako kung okay na ang lahat at kung nakapag-ayos na rin ako. Bagay na bagay rin sa kanila ang suot nilang white dress.
Nabaling naman ang tingin namin sa pinto nang may kumatok kasabay ang pagbukas nito. Bumungad samin sila Kuya Ace na napakagwapo sa suot nilang black tuxedo.
"Our beautiful bride!" nakangiting sigaw ni Kuya Carson kaya nasapok tuloy siya ni Kuya Klaus sa kaingayan niya.
"Bagay na bagay sayo yung suot mong wedding gown." compliment ni Kuya Tatum sakin at ginawaran niya ako ng halik sa noo. Ganun din sila Kuya Knight at pati sila Kuya Zachary. Ang swerte ko talaga sa mga Kuya ko. Overprotective na nga, ang sweet pa.
"By the way, okay na ba ang lahat? Nakahanda na yung kotse sa labas para sa gagamiting sasakyan ng mga abay at mga bisita." turan ni Kuya Maxrill at napatango naman kami ng ulo.
"S'ya nga pala my princess, may gusto palang kumausap sayo kahit saglit lang." Kuya Ace.
"Gustong kumausap?" taka kong tanong.
Sino naman kaya yun? Tumingin sila Kuya sa pinto kaya napatingin din ako doon. Nakita kong pumasok si King Adamson at nakasuot din siya ng itim na tuxedo.
"Maiwan na muna namin kayo.." paalam ni Kuya Ace at sinenyasan ang iba na lumabas muna sa kwarto. Agad rin naman silang nagsilabasan at tanging kaming dalawa na lang ni King Adamson ang naiwan dito sa kwarto.
Buong araw ko siyang hindi nakita dito sa Royal House Oo, kasalukuyan kaming naririto sa Royal House dahil mismong sila Kuya Ace na ang nag-suggest na dito na lang gaganapin ang pag-aayos ko pati na rin ang ibang mga bisita o abay para hindi daw hassle at para na rin daw ay hindi kami mahirapan kaysa naman sa hotel pa kami magpunta.
"You look so gorgeous, iha." pagbasag ni King Adamson sa katahimikan.
"S-salamat po." sagot ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.
"Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na loob para humarap sayo iha. Nandito ako para humingi sayo ng tawad. I want to say sorry for being a careless and bad father to you. I couldn't even protect you when you need me. Sinira ko ang pamilya natin at nagawa ko pang lokohin ang Mommy mo. I know I don’t deserve to be forgiven and I even planned to marry you to Prince Castriel back then even though you truly love Wonwoo. I'm so sorry iha." mahaba niyang sabi at ramdam na ramdam ko ang pagiging sinsero sa bawat salitang binibitawan niya.
Napansin ko pa ang pagtulo ng luha niya. Ubod naman akong ngumiti sa kanya at nag-unahan din na magsipatakan ang mga luha ko. Pati tuloy ako ay nagiging emosyonal na din.
BINABASA MO ANG
Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITED
FanfictionCOMPLETED ✔ What would you do if you found out you were a royal princess? What would you do if you were the missing princess and everyone thought you were dead? But what if, the thirteen boys suddenly appeared in your life? What if the famous and ha...