KABANATA 81: WELCOME TO OUR FAMILY

1.3K 125 60
                                    

KABANATA 81: WELCOME TO OUR FAMILY

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Wala akong ideya kung saan ba ako dadalhin ni Wonwoo ngayon. Basta na lamang niya akong hinatak at sabay kaming tumakbo palabas sa mall kanina matapos niyang mag-propose sa akin sa harapan ng buong fans nila. Wagas siya kung makangiti at mahina pa niyang hinahampas ang mga daliri niya sa manibela habang nagmamaneho siya ng sasakyan. Kulang nalang ay mapunit na ang labi niya dahil sa lapad ng kanyang pagkakangiti.

Napailing-iling na lang ako ng ulo at hindi ko rin napigilang ang sarili ko na mapangiti din dahil sa kanya. Masaya ba siya? Ako kasi sobrang saya dahil sa nangyari kanina. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang araw na 'to. S'ya ba ang nagplano nun? O kasama niya ang buong members ng SEVENTEEN sa pagplano kaya pati sila Kaye ay may kinalaman din sa mga nangyari kanina.

Sayang lang at hindi ko nakuhanan ng video yung pagkanta ni Wonwoo kanina. Paniguradong magba-viral na naman yung ginawa niya kanina mamaya sa social media at kami na naman ang pag-uusapan ng mga netizens lalong-lalo na ang mga fans nila.

"Sigurado ako na hindi mo aasahan ito." basag ni Wonwoo sa katahimikan kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Bakit? Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot galing sa kanya.

Tumahimik na lang ako at tumingin na lang sa labas ng bintana. Saan naman kasi talaga kami pupunta? Wala akong alam kung saan o kung sino ang kikitain namin ngayon.

Ilang minuto ang lumipas at huminto ang sasakyan namin sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Pinarada lang ni Wonwoo yung kotse at mabilis siyang bumaba. Umikot siya at pinagbuksan pa niya ako ng pinto kaya bumaba na rin ako sa sasakyan. Pinasadahan ko ng tingin yung restaurant na yun, napakaganda at napaka-eleganteng tignan.

"Tara, baka kanina pa sila naghihintay satin." nakangiting sambit ni Wonwoo at iginiya niya na ako papasok sa loob ng resto.

Tumambad naman sa akin ang ganda ng loob nang makapasok kaming dalawa. Kung maganda sa labas pwes mas maganda dito sa loob. Black, white and gold ang interior design at sobrang aliwalas ng ambiance dito.

Sumunod lang ako kay Wonwoo at lumapit kami sa pwesto ng apat na tao. Dalawang babae at dalawang lalaki. Kami lang ang tao dito at walang ibang mga customer. Ang isang lalaki at babae ay mahahalatang nasa mid 50's na ang edad at mukhang mag-asawa habang ang dalawa ay parang mga nasa edad lang namin ni Wonwoo at nakatalikod sila sa amin. Masaya silang nag-uusap at napatingin naman sa amin yung babae at ngumiti ng matamis.

"Wonwoo, anak! Nandito na pala kayo." masiglang sabi nung babaeng may edad na at mabilis niyang niyakap si Wonwoo nang makalapit kami sa gawi nila. Hindi ko alam pero biglang tumambol ng sobrang bilis ang puso ko. Anak? Ibig sabihin, ito ang Eomma ni Wonwoo?

"Akala namin hindi na kayo darating." salita naman nung isang lalaking matanda at tumawa pa ito ng mahina. Nabaling ang atensyon nilang dalawa sa akin at bahagya silang nag-bow sa harapan ko.

"We're glad to see you, my highness." saad nung babae at napangiti naman ako ng alanganin sabay kamot sa batok ko.

"Hindi n-niyo naman po k-kailangan na mag-bow sa akin." halos mautal-utal kong sagot at tinignan ko si Wonwoo na nakangiti lang.

"Wifey, this is my Eomma and my Appa. Eomma, Appa, meet my wife." ani Wonwoo at kahit nahihiya ako ay nagawa ko pa ring makipag-kamay sa magulang niya.

Walanghiya talaga itong si Wonwoo oh! Dapat sinabi man lang niya sa akin na makikipagkita kami sa magulang niya para at least pinaghahandaan ko man lang ang araw na 'to!

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon