KABANATA 30: GOLD SAPPHIRE LOCKET
SCOUPS/ SEUNGCHEOL's POV
Nagising ang natutulog kong diwa dahil sa pagka-uhaw. Pinasadahan ko ng tingin ang digital clock ko na nakapatong sa side table. Pasado alas dose na nang madaling araw. Napakamot pa ako sa ulo ko at bumangon na sa kama. Agad akong lumapit sa mini refrigerator ko na narito lang sa aking kwarto pero pagbukas ko ay nakita kong walang laman na tubig yung pitcher. Hayyst.
"Nakalimutan ko na naman yatang maglagay ng tubig." mahina kong bulong ko sa sarili at sinarado ang refrigerator.
Lumabas agad ako sa kwarto para kumuha ng tubig sa kusina. Tiningnan ko pa ang pintuan ng kwarto ni Krystal. Madadaanan ko kasi ito. Tumigil ako bigla sa tapat ng kwarto niya. I-check ko kaya siya? Oh come on, Seungcheol! Baka mahimbing nang natutulog yung tao!
Naglakad na ako at dire-diretsong bumaba sa hagdan. Mabilis akong nagtungo sa kusina at agad uminom ng tubig. Bukas ko na lang lalagyan ng tubig yung pitcher ko sa kwarto. Nilapag ko lang sa lababo yung pinaggamitan kong baso at agad rin akong umakyat para makabalik na sa kwarto ko.
Muli kong pinasadahan ng tingin yung kwarto ni Krystal. Nagda-dalawang isip naman ako kung papasok ba ako o hindi. Pero sisilipin ko lang naman siya diba? Ise-check ko lang naman kung mahimbing na siyang natutulog. Tama, tama. Para na siguro akong tanga na kinakausap ang sarili ko sa utak.
Lumapit ako sa pintuan at maingat na pinihit ang doorknob. Hindi kasi namin ito nilock nung makalabas kami kanina. Sumilip ako sa loob at nakita kong natutulog si Krystal sa kama. Okay na kaya yung pakiramdam niya? Ang sabi niya kasi kanina biglang kumirot ang ulo niya. For sure may point yung sinabi ni Seungkwan kanina na sumakit ang ulo ni Krystal hindi dahil sa pagod.
I took a heavy sighed and I was about to close the door when I noticed Krystal suddenly move. I also heard her faint groan at pabaling- baling ang kanyang ulo.
Anong nangyayari? Hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok at isinarado muna ang pinto. Malalaking hakbang ang ginawa ko para makalapit agad sa gawi niya at para matignan siya.
"T-tama na.. tama na po.." mahinang saad niya ngunit nakapikit pa rin ang dalawa niyang mata.
Nananaginip ba siya? Kitang-kita ko ang malalaking butil ng pawis sa noo niya pababa sa kanyang leeg. Napansin ko pa ang pagpatak ng luha niya sa pisngi kaya dali-dali akong naupo sa gilid ng kama niya at mahina kong tinapik ang kanyang braso.
"Krystal.. Krystal." tawag ko sa pangalan niya pero hindi pa rin siya nagigising.
Tumambol ng sobrang bilis ang puso ko nang makitang humahagulgol na siya ng iyak. Nananaginip nga siya.
"Krystal! Wake up!"
Dumilat naman ang dalawa niyang mata at pansin ko pang tila nahihirapan siyang huminga. Bumangon siya bigla sa pagkakahiga at hinawakan pa niya ang kanyang kaliwang dibdib. Hinawakan ko naman siya sa magkabila niyang braso para makuha ko ang atensyon niya at bahagya pa siyang nagulat.
"Calm down, it's just a bad dream.." salita ko para mapakalma siya.
Patuloy pa din siya sa pag-iyak at naririnig ko pa ang paghikbi niya. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala sa kanya lalo na nung tumingin siya sa mukha ko. Ano bang napanaginipan niya at parang takot na takot siya?
I just hugged her at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kanyang buong katawan. Marahan ko namang hinagod ang kanyang likuran at ilang minuto ang tinagal bago siya kumalma pero nananatiling nanginginig pa rin ang katawan niya.
BINABASA MO ANG
Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITED
Fiksi PenggemarCOMPLETED ✔ What would you do if you found out you were a royal princess? What would you do if you were the missing princess and everyone thought you were dead? But what if, the thirteen boys suddenly appeared in your life? What if the famous and ha...