KABANATA 27: GRADUATION DAY
SWEETHEART KRYSTAL's POV
Today is our graduation day at naghahanda na kami para mag-martsa. Tiningnan ko naman sila Kaye dahil nasa malayo sila nakapila. Padua kasi sila ni Jasmine at Abellano naman ako kaya nasa unahan ako nakapila. Umayos naman ako ng tayo dahil narinig ko na ang graduation song, ibig sabihin ay magsisimula na ang ceremony. Kanina pa ako hindi mapakali at kinakabahan talaga ako para sa speech ko mamaya.
Nginitian ko sila mama nang ako na ang naglalakad sa gitna para mag-martsa. Sila ang kasama ko ngayon dito sa graduation namin. Pinasadahan ko naman ng tingin sila Kuya Tatum at Kuya Zachary na umattend din ng graduation day namin nila Kaye.
Nag-thumbs up pa nga si Kuya Klaus at Kuya Carson sa akin habang kinukunan naman kami ng video ni Kuya Maxrill. Pansin ko din na may ka-video call si Kuya Arata pero nakatutok ang camera ng cellphone niya sa akin at hindi ko alam kung sino yun. Kitang-kita ko rin sa mga mukha nila na masaya sila at proud sa amin.
Naupo naman ako sa assigned seat ko katabi ang ilan kong mga kaklase. Nagdasal din kami bago nagsalita ang school dean namin which is ang nakatatandang kapatid ni papa. Mahaba-habang speech din ang tinagal at talagang may pa-sermon pang kasama.
"Are you ready for our summa cum laude's speech?" nakangiting tanong ng Professor namin na s'yang nagsisilbing emcee namin habang nakatutok sa kanyang bibig ang microphone.
"YES MA'AM!" sabay-sabay na sagot ng mga estudyante. Huminga naman ako ng malalim dahil alam kong tatawagin na ni ma'am ang pangalan ko para sa Valedictory Address.
"I would like to invite here on stage our summa cum lauder from the Fine Arts Department, Sweetheart Krystal Abellano!"
Narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga estudyante. Tumili pa nga ng sobrang lakas yung dalawa kong pinsan kaya napailing-iling na lang ako bago naglakad paakyat sa stage.
"Congratulations, iha." nakangiting bati ng mga Professor namin kaya nagpasalamat ako sa kanila.
Humarap naman ako sa microphone at tumingin sa unahan. Lahat ng mga taong naririto ay nakatingin sa akin. Sila mama naman ay naiiyak pa dahil sa tuwa. Narito rin ang parents nila Kaye na nakangiti rin sa akin pati ang iba pa naming kamag-anak na talagang nanood sa graduation namin.
"Hello everyone, my name is Sweetheart Krystal Abellano from Fine Arts Department, Class 4-A." pagpapakilala ko at huminga ulit ako ng malalim.
Nginitian ko naman ang mga kaklase ko na naghihintay sa speech ko at literal na naghiyawan silang lahat nung banggitin ko ang section namin.
"To be honest, I don't really know how to do this so expect my speech to be short and boring.." natatawa kong sabi at rinig ko naman ang tawanan nilang lahat.
"First of all, gusto kong magpasalamat sa mga magulang namin na narito para masaksihan ang napaka-importanteng araw na 'to. I know you are very proud dahil sa wakas may anak na kayong nakapagtapos sa kolehiyo." nakangiting panimula ko at tiningnan ko naman kung saan nakaupo ang mga magulang namin.
Nakangiti din sila at bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan para sa kanilang mga anak. May iba pa nga na nagiging emosyonal pa.
"To our Professors na walang sawa sa pagtuturo at syempre sa kaka-sermon din samin." sunod kong sabi kaya narinig ko ang mahihinang tawanan ng mga Professor namin na nasa kabilang gilid lang nakaupo.
"I would also like to thank you for being our second parent and for always giving us advice especially to our homeroom teacher. Syempre hindi rin mawawala yung tungkol sa problema sa mga lovelife."
BINABASA MO ANG
Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITED
FanfictionCOMPLETED ✔ What would you do if you found out you were a royal princess? What would you do if you were the missing princess and everyone thought you were dead? But what if, the thirteen boys suddenly appeared in your life? What if the famous and ha...