KABANATA 4: CONCERT

3.5K 243 195
                                    

KABANATA 4: CONCERT

SWEETHEART KRYSTAL'S POV

Kitang-kita ko na nahihirapan na siyang huminga at nagsuka pa siya ng mga dugo. Umiiyak akong nakatingin sa gawi niya habang hawak-hawak siya sa magkabilang balikat ng mga lalaki

"P-please bitawan niyo po siya..." pagmamakaawa ko sa kanila at wala akong tigil sa pag-iyak.

Narinig ko ang malalakas na halakhakan ng mga kalalakihan. Nakikita ko ang saya sa mga mukha nila habang nakatingin sa kawawang lalaki. Halos hindi na siya makatayo dahil sa mga natamo niyang bugbog at sugat. Ni hindi man lang sila naawa sa kanya.

"Akala ko ba malakas ka? Diba leader ka pa ng isang gang, diba?!" sigaw ng isang lalaking semi-kalbo ang buhok.

Pumalanghaw ang iyak ko nang makita kong hinampas niya ang lalaki sa likod gamit ang baseball bat. Mas lalo tuloy siyang napasubsob sa lapag. Narinig ko rin ang mga ungol niya. Isang ungol na nasasaktan at nahihirapan. Bakit ganito? Bakit ba siya sinasaktan ng mga estrangherong lalaking 'to? Ano bang kailangan nila?

"P-please po, nagmamakaawa po ako sa inyo.." salita ko kaya lahat sila ay napatingin na sa akin. Sa wakas ay narinig na nila ang pagmamakaawa ko.

"Dahil ba sa kanya kaya hindi ka lumalaban ha?" nakangising tanong nung lalaking semi-kalbo at lumapit sa akin.

Umupo siya sa harapan ko para pumantay sa akin. Harap-harapan kong nakita ang nakakatakot niyang mukha. Sinakluban ako ng matinding takot dahil mala-demonyo ang kanyang pagngisi. Halatang makakagawa siya ng masama.

"Don't touch her." may pagbabanta sa boses nung lalaking yun at dahan-dahan siya g tumayo. Tinitigan ko siya at bakas sa mukha nito ang ilang bangas dahil sa pagsusuntok sa kanya ng mga kalalakihan. Pero ganun pa man ay hindi ko pa rin makita ng maayos ang kanyang mukha dahil na rin sa mga luha kong humaharang sa aking dalawang mata.

"Don't cry my baby girl, I'm here." malambing niyang sabi sa akin pero patuloy pa din ako sa pag-iyak. Nanginginig na ang tuhod ko dahil sa mga nasaksihan kong pangbu-bugbog sa kanya na halos patayin na siya. Natatakot ako. Sobra akong nanginginig sa matinding takot. Pakiramdam ko ay dadalhin ko ito hanggang sa aking panaginip.

"B-but I'm scared.." mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya. He gave me a weak smile. At kahit bugbog sarado na siya at kahit patuloy ako sa pagluha ay nagawa ko pa ring makita ang kagwapuhan niya.

"Don't be scared. I won't let them to hurt you." sagot niya kaya tumango ako kahit alam kong natatakot pa din ako. Pero sa pagkakataong ito, kailangan ko siyang pagkatiwalaan. Naniniwala ako na hindi niya hahayaan na saktan ako ng mga lalaking ito.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na may maganda ka palang kapatid? She has a pointed nose and a beautiful eyes. She look so innocent. I like it." nakangising demonyo ng lalaking nasa harapan ko.

Akma niya akong hahawakan sa aking mukha nang makita ko na lang na nakahandusay na ang lalaking 'to sa lapag. Putok ang gilid nitong labi pero ngumisi lang ng nakakaloko ang lalaking yun.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon