KABANATA 55: MARK MY WORDS
SWEETHEART KRYSTAL's POV
Alas onse na ng gabi ako nakauwi sa bahay. Pinilit ko talaga sila Kuya Maxrill na umuwi dahil ayokong mag-alala sila Jeonghan sa akin. Hindi ko akalain na matagal din pala akong walang malay nung mahimatay ako kanina. Nalowbat pa ang phone ko kaya hindi ko matawagan sila Cheol para magpaalam. At saka gusto kong umuwi dahil iyon ang paalam ko sa kanila nung nag-iwan ako ng sticky note sa ref.
Nagpasalamat lang ako kay Kuya Maxrill nang maihatid niya ako sa bahay bago ako pumasok sa gate. Napansin ko rin na patay ang ilaw sa itaas ng bintana. Umalis kaya sila? O baka naman tulog na silang lahat? Parang wala kasing katao-tao sa loob ng bahay. Maingat kong pinihit ang doorknob sa pinto at pumasok. Nakapatay ang ilaw kaya madilim. Kinapa-kapa ko ang dingding at hinanap ang switch ng ilaw. Baka mga tulog na sila Cheol or maybe they have a schedule now so they are not all here.
Nahawakan ko na ang switch kaya pinindot ko na ito. Napatalon ako sa gulat nang sumindi ang ilaw ay s'yang bumulaga sa akin ang mga nakatayo sa harapan ko. Pare-parehas silang naka-krus ang braso at seryosong nakatingin sa akin.
"It's past 11:24 pm.." salita ni Cheol matapos niyang i-check ang suot niyang wristwatch at tinignan ako.
"Where have you been?" Joshua.
"Sa Royal House..?" halos patanong kung sagot sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong naman ni Jeonghan.
"Eh kasi.."
"Sino kasama mong umuwi?" Mingyu.
"Si Kuya Maxrill.."
"Tamang uwi pa ba yan ng matinong babae?" Seungkwan at napanguso naman ako.
"May cellphone ka, marunong ka naman yatang magpindot para itext o tawagan man lang kami." ani Woozi.
"Nakipag-date ka ba?" Hoshi at mabilis akong napailing-iling.
"Dis-oras na ng gabi ah? Kulang na lang regaluhan kita ng malaking relo at isabit diyan sa leeg mo para malaman mo kung anong oras na." nakakunot-noong sabi ni Wonwoo. Patay. Galit yata sila?
"Ahm kasi, may nangyari lang sa Royal House kanina.." sabi ko at tinignan sila isa-isa. Sabay-sabay nagkasalubong ang mga kilay nila at parang hindi sila naniniwala sa akin.
"Okay look, na-late ako ng uwi dahil nawalan ako ng malay kanina at---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsilapitan sila agad sa akin. Si Hoshi naman ay biglang chineck ang buong katawan ko at tinignan kung meron ba akong sugat. They are acting weird again.
"Sumakit na naman ba yung ulo mo?" nag-aalalang tanong ni Jun sakin kaya tumango lang ako sa kanya.
"I'm glad you're okay. May nangyari pa ba kanina? Kamusta yung pag-uusap niyo ni King Adamson?" Jeonghan dahilan para matahimik ako bigla. Naalala ko yung mga nangyari kanina.
Shall I tell them what happened at the Royal House earlier? Should I say that they left me? Na pinamigay na lang ako nila Mommy kanina? I suddenly felt sad when I remembered that. I begged them not to leave me.
Hinabol ko pa sila pero wala pa rin akong napala. Mukhang napansin nila ang biglaan kong paglungkot pero gabi na at bukas ko na lang siguro sasabihin sa kanila yung totoo.
"Let's just talk about it tomorrow. Malalim na ang gabi kaya matulog na tayo at isa pa para makapagpahinga na rin si Krystal.." narinig kong salita ni Cheol na ikinatango ng iba.
Napahikab pa nga si Dino at nauna ng naglakad paakyat sa hagdanan. Sumunod naman si Vernon na halatang inaantok na rin.
"Mag-usap na lang tayo bukas." bulong ni Hoshi sa akin na ikinatango ko lang bago siya sumunod sa iba na nagsi-akyatan na rin.
BINABASA MO ANG
Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITED
FanfictionCOMPLETED ✔ What would you do if you found out you were a royal princess? What would you do if you were the missing princess and everyone thought you were dead? But what if, the thirteen boys suddenly appeared in your life? What if the famous and ha...