KABANATA 36: STICKY NOTE

1.6K 161 82
                                    

KABANATA 36: STICKY NOTE

SWEETHEART KRYSTAL's POV

I just found myself quietly looking out the window. It was past seven in the evening nang hinatid ako ni Kuya Tatum pabalik sa bahay nila Cheol. Matapos kasi naming magtanghalian sa isa sa resto na pagmamay-ari ni Kuya Knight ay saka naman kami dumiretso sa pagmamay-aring Mall ni Kuya Duke para ipag-shopping nila ako ng mga damit at sapatos. Nung una ay ayaw ko kaso masyado rin silang mapilit kaya napapayag nila ako.

Buong araw din akong tahimik. Magsasalita lang ako kapag may itatanong sila sa akin. Simula ng ma-meet ko si King Adamson kanina ay bigla na lang akong binabagabag. Maraming katanungan na naglalaro sa isipan ko. What if may masamang mangyari kung sakaling ipakilala ako na isa akong Royal Princess? Na ako ang nawawalang prinsesa  na inakalang patay na? Natatakot ako para sa magiging kapakanan ko pati na rin ang mga importanteng tao na nasa paligid ko.

"Krystal,"

Lumingon ako bigla sa taong tumawag sa pangalan ko, si Kuya Tatum. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin at hindi ko man lang namalayan na nakahinto na pala kami sa tapat ng gate ng bahay nila Cheol.

"Kanina ka pa tahimik. May problema ka ba?" nag-aalala niyang tanong sa akin kaya bumuntong-hininga muna ako.

"Nag-aalala lang ako sa mangyayari. Paano kung may masamang mangyari na naman? Paano kung kapag nalaman ng iba na buhay ako at pagbantaan ang buhay ko? Paano kung this time tuluyan na akong mamatay?" sunod-sunod kong katanungan sa kanya.

Tinanggal niya ang suot niyang seatbelt at bahagya siyang lumapit sa akin. Naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang pagyakap sa akin.

"That will never happen again. We will protect you. Just trust us, Princess." bulong niya at marahang hinaplos ang mahaba kong buhok. Bahagya naman akong tumango sa kanya kaya kumalas na siya ng yakap sa akin.

"Tutulungan lang kitang ipasok ang mga paperbags sa loob." nakangiti niyang saad kaya ngumiti rin ako at saka siya tinanguan. Sabay kaming bumaba sa kotse at siya na rin mismo ang kumuha ng mga pinag-shopping namin na nasa backseat.

"Wala kang dapat ipag-alala, Krystal. Everything will be alright." rinig ko pang sabi niya.

"Yeah, may tiwala naman ako na hindi niyo talaga ako pababayaan." nakangiting sagot ko.

Medyo gumaan na rin ang loob ko at nabawasan rin kahit papaano lahat ng mga pag-aalala ko. Hindi naman ako nahirapang buksan ang gate kaya nakapasok na kami sa loob. Binaba lang ni Kuya Tatum lahat ng mga paperbags sa sofa dito sa sala bago siya humarap sa akin.

"Mag-iingat ka dito lalo pa't wala pa sila Seungcheol. Aalis na ako. Ako na rin ang magsasarado ng gate." aniya.

"Sige, mag-iingat ka rin sa pagmamaneho." sagot ko. Hinalikan niya ako sa noo ko bago ko siya hinatid palabas sa pinto.

Kinawayan ko naman siya at sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng gate. Siya na rin mismo ang nagsarado nun bago siya sumakay sa kotse niya. Isinara ko naman agad ang pinto nang makitang nakaalis na siya kaya dumiretso na ako sa sala.

Oo nga pala, kailangan ko palang tawagan sila Wonwoo para ipaalam sa kanilang nakauwi na ako. Dinukot ko ang cellphone ko na nasa bulsa ng jacket ko at mabilis na dinayal ang numero ni Hoshi. Nakaka-tatlong ring palang nang sagutin niya ang tawag.

"Hello Krystal? Nasaan ka na? Nakauwi ka na ba? Kumain ka na ba ng hapunan?" sunod-sunod niyang bungad na katanungan sakin kaya tinawanan ko siya ng mahina.

"Isa-isang tanong lang, mahina ang kalaban." biro ko sa kanya kaya narinig ko rin ang mahina niyang pagtawa.

"Nakauwi ka na ba?" ulit niyang tanong. Naupo naman ako sa sofa at isinandal ang likod ko sa backrest.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon