KABANATA 13: ANONYMOUS

2.5K 191 123
                                    

KABANATA 13: ANONYMOUS

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Pasado alas-diyes na ng gabi nang magpaalam sila Cheol na uuwi na. Pagtapos kasi naming kumain ng hapunan ay nagkwentuhan pa kaming lahat sa sala. Napahaba-haba rin ang mga pinag-usapan namin dahil ang dadaldal nila Seungkwan at Dokyeom na halos hindi na mauubusan ng kwento sa buhay.

Naikuwento nila sa akin ang tungkol sa mga buhay-buhay nilang lahat. Katulad na lamang nila Jun at Minghao akala ko ay mga koreano pero kapwa pala sila parehas na Chinese. Si Joshua at Vernon na galing sa Amerika at kapwa din sila Korean-American. Kaya pala ang may accent ang pagsasalita nila ng English.

Nagpasalamat na rin ako sa kanila dahil kung hindi sila napadaan kanina sa school ko ay hindi nila ako makikita sa waiting shed. Naging instant tagaluto ko pa sila at infairness, ang sarap nilang magluto. Nakatikim rin ako ng niluto ni Mingyu na korean soup. Hindi ko alam ang tawag dun pero sobrang sarap ng pagkakaluto niya.

Paakyat na rin ako ngayon sa hagdanan kasama si Hoshi. Nagpumilit kasi itong singkit na 'to na ihatid ako sa kwarto ko. Pagdating namin sa tapat ng pinto ng kwarto ko ay agad akong humarap sa kanya.

"Thank you ulit Hoshi. Pakisabi na rin kanila Wonwoo na sobra akong nagpapasalamat sa inyo." sabi ko at nginitian siya.

Sumilay sa labi niya ang matamis na ngiti at mas lalong sumingkit ang dalawa niyang mata. Feeling ko tuloy parang naaalala ko sa kanya yung batang nasa panaginip ko. Pero imposibleng siya yun. Ngayon ko nga lang siya nakita at saka panaginip lang 'yon. Walang katotohanan ang mga napapanaginipan ko.

"Naku wala 'yon basta ikaw." sagot niya at pareho kaming napangiti.

"Anyway aalis na ako baka naghihintay na sila sa akin sa labas. Good night."

"Okay, good night." sagot ko.

Tiningnan ko pa siya na may halong pagtataka dahil hindi pa siya umaalis sa pwesto niya. Nakangiti siya na parang baliw habang nakatitig siya sa akin kaya natawa ako ng mahina. May balak ba talaga siyang umuwi? Baka inaantay na siya nila Cheol sa ibaba.

"Akala ko ba aalis ka na?" natatawa kong tanong sa kanya kaya natauhan siya bigla. Napakamot pa siya sa kanyang batok at mukhang na-realize niya na hindi pa pala siya umaalis.

"Sige, see you tomorrow na lang Krystal!" sambit niya at niyakap ako saglit bago siya tumakbo paalis na parang isang bata.

Napailing-iling na lang ako dahil sa cuteness ng lalaking 'yon bago ako pumasok sa kwarto ko. Dumiretso ako sa veranda para silipin sila. Nakita ko naman na naghihintay sila Cheol ng gate at dumating naman si Hoshi na tumatakbo. Nakatanggap tuloy siya ng sapok mula kay Woozi. Matindi din pala 'yong lalaking yun. Small but terrible talaga nga naman.

Napakaway naman ako kay Wonwoo nang lumingon siya at saktong napatingin siya sa kinaroroonan ko. Kumaway lang din siya pabalik sa akin habang nakangiti ng tipid. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa nakapasok na silang lahat sa tinutuluyan nila.

Napansin ko pa ang nakaparadang sasakyan na kulay pula malapit doon sa poste pero pinangsawalang-bahala ko na lang yun. Agad akong pumasok sa loob at nilock ko na rin ang pinto sa veranda. Dumiretso muna ako sa banyo para maghilamos at para makapagpalit na rin ako ng pantulog na damit. Nakakatuwa talagang makasama ang mga kpop idol na yun.

***

It was late at night but a young man who had entered a room was still awake. The flourescent lamp was turned off in a room but he could clearly see his surroundings using the light coming from the big moon. He looked closely at a girl sleeping peacefully in her bed.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon