KABANATA 5: GWAPONG GANGSTER

3.5K 229 185
                                    

KABANATA 5: GWAPONG GANGSTER

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Teka? May dumaan bang anghel at bigla na lamang silang natahimik lahat? Ang ingay-ingay naman nilang lahat kanina ah? Bakit pare-parehas silang natahimik at mga nakanganga ngayon? Pati ang dalawa kong pinsan ay bakas sa mukha nila ang labis na gulat.

Lumipas ang tatlong segundo nang dumagundong sa paligid ko ang tilian at sigawan nilang lahat. This time literal ma talaga akong napatakip sa aking dalawang tenga dahil ang lakas nun. Hindi na ako magtataka kung mabasag ang eardrums ko at bingi na ako paglabas ko ng MOA mamaya.

Nakikita kong alanganin na ngumiti ang mga lalaking yun na nasa stage habang akbay-akbay naman ng dalawa yung tumawag sa name ko. Phew! Akala ko ako na ang tinawag niyang sweetheart. Nagulat ako masyado dun. Kaya minsan ayoko ng name na Sweetheart eh.

Kumanta na lang ulit sila at ito yung kanta na kinanta nung dalawa kong pinsan sa airport kanina. Yung Ulgo Shipji Anha ba 'yon? Basta tugmang-tugma yung sinayaw at kinanta nila Kaye sa sinasayaw ng treseng lalaki sa stage ngayon.

Ilang minuto pa ang hinihintay ko hanggang sa natapos ng matiwasay ang concert. Nakalabas na din kami sa wakas sa MOA. Infairness, na-enjoy ko kahit papaano ang concert. Ang lalakas ng energy ng mga fans nila lalo na yung tatlo kong kasama.

"What do you think, pinsan? Ang astig nilang kumanta at sumayaw 'no?" tanong ni Jasmine sa akin at sinundot pa ang tagiliran ko habang nakangiti siya ng malawak.

"Oo na, magaling sila." tanging nasagot ko kaya tumili na naman silang tatlo.

Ang gagaling naman kasi talaga nilang kumanta at sumayaw kahit wala akong maintindihan sa lenggwahe nila. It's a Korean language but I'll admit that their voices are very beautiful and they're all synchronized in dancing. Obviously, they spent a lot of time practicing to perfect their dance. Kahit wala akong maintindihan sa lenggwahe ay gustong-gusto ko pa rin yung mga kanta nila lalo na yung Pinwheel.

"Anyway nagugutom na ako mga bakla." salita ni Phina.

"Tara, kain tayo sa Mcdo." aya niya sa amin.

Kumalam naman bigla ang tiyan ko nang banggitin ni Phina ang Mcdo. Nakaramdam na tuloy ako ng gutom dahil nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan. I checked my wristwatch, it's already past eleven o'clock pm. Gabi na natapos ang concert kaya pala nakaramdam na ako ng gutom dahil hindi pa kami nakakain ng dinner. Naglakad na kami papuntang parking lot. Dahil kabisado ni Phina ang pasikot-sikot dito sa Maynila kaya siya na ang nag-lead sa amin.

Wala pa sa trenta minutos nang biglang may dumaan na si mala-flash sa harapan namin kasabay ang biglang paghalik ni Phina sa sahig. Sinundan ko ng tingin yung mala-flash na yun at may bitbit itong bag sa kaliwa habang sa kanan naman ay may hawak na mga alahas. Pero teka? Si Flash ba talaga yun? Pero ang bilis ah?

"MAGNANAKAW!!" sabay-sabay na sigaw ng tatlo kong kasama.

Tiningnan ko sila at tanging ang nasirang bitbitan na lang ang hawak ni Kaye. Wala na ang mismong bag nito samantalang si Phina naman na nakasalampak sa sahig ay nakawak sa leeg niya at wala na ang kanyang suot na kwintas. Mga ninakawan nga sila!

"Fuck!" bulalas ko at saka ko hinagis kay Kaye ang bag ko.

Mabilis naman akong kumaripas ng takbo para habulin ang magnanakaw na yun. Sinasabi ko na nga ba at mananakawan sila eh! Narinig ko pang tinawag ako ng mga pinsan ko pero hindi na ako lumingon. Ang importante sa akin ay mahabol ang magnanakaw na yun! Kumunot naman ang noo ko habang sinusundan ko ng tingin yung taong naunang tumakbo sa akin. Dumaan kasi siya sa gilid ko at sobrang bilis niyang tumakbo dahil matangkad siya at may mahahabang biyas.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon