PROLOGUE

10.7K 349 211
                                    

Some of us dream of having a luxurious or prosperous life. Dreamed to be happy and having a perfect life. Also dreamed of having a charming prince and a knight shining armor.

Iyong tipong may tagapagtanggol ka kapag may bida-bidang umaway sa iyo. ‘Yong may kasama ka at handa ka niyang iligtas o protektahan kahit na saan ka man magpunta. Iyong mayroon ka ng masasandalan o malalapitan.

Lahat tayo ay may pangarap sa buhay. We all have aspirations that we want to achieve. Lahat naman tayo ay nangarap na maging masaya. Sino naman ang tao ang gugustuhin na malungkot?

Ikaw? Masaya ka ba?

Sino at ano ang nagpapasaya sa buhay mo?

Kung ako ang tatanungin ninyo, masaya naman talaga ako sa kung anong meron ako ngayon. Mayroon akong maganda at malaking bahay. Nakapag-aral at konting kembot na lang ay gagraduate na ako. Nakakakain naman ako ng tatlong beses sa isang araw.

At higit sa lahat, mayroon akong overprotective at mapagmahal na magulang. Normal naman talaga ang buhay ko. Masaya ako at kuntento na ako. Actually, I live well in this world even though I know I was adopted.

Inampon ako dahil may ilang mga dahilan ang kinikilala kong magulang na hindi ko pa alam noon. Pero nagbago na lang bigla ang lahat sa isang iglap. Nagbago ang buhay ko.

Dumating sa buhay ko ang magulo, sikat, maiingay, hot at gwapong mga nilalang na pinag-aagawan ng mga babae. Almost perfect and total package ika nga nila. Iyon ang nakikita ko sa mga lalaking ito.

Pero masyado silang magulo sa buhay ko. Nagbago ang lahat sa akin nang dumating sila sa buhay ko para guluhin ang payapa kong mundo. Pati na rin ang nananahimik kong puso.

Take note: trese po silang lalaki at isa silang sikat at talented na kpop group.

Dahil sa kanila kaya lumabas ang katotohanan. Isang katotohanan na matagal ko na sanang nalaman. Dahil sa kanila kaya nasagot ang matagal na katanungang naglalaro sa isip at puso ko.

Isang katanungan kung bakit parang may kulang? Sino ba talaga ang totoo kong magulang? Sino ba talaga ako bago ako ampunin?

They said I was a long lost royal princess. A real living princess. A princess with a palace and a princess with a luxurious life. Isa akong royal princess na inaakala ng lahat na patay na. Isang prinsesa na matagal na palang nawawala at hinahanap.

Pero paano na lang kung paglaruan ako ni kupido? At mainlove ako sa isa sa treseng lalaki? Handa ba ang puso ko? Kahit na may consequences akong matatanggap at magkaroon ng love triangle?

Love triangle nga ba?

O higit pa?

• • •

Yes, ito po ang prologue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yes, ito po ang prologue. Sorry po kung sabaw. Sabaw rin po kasi ang utak ko. Fanfiction lang po ito. Gawa-gawa lang po ito ng malikot kong imahinasyon.

ANYWAY, hindi po ako marunong mag-korean kaya naman po imagine ninyo na lang na nagsasalita sila ng Korean language kapag kausap na ng girl 'yong buong members ng SEVENTEEN.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon