KABANATA 2: THE LONG LOST PRINCESS

5.5K 271 246
                                    

Warning: This story is not as perfect as you think and please, don't say offensive things and languages if you don't like this kind of story.

• • •

KABANATA 2: THE LONG LOST PRINCESS

MINGYU'S POV

"1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 8, 7--- lintek na yan! Ano ba kayong dalawa diyan sa likod ah?! Hindi ba kayo titigil ha?!" bigla na lang na sigaw ni Hoshi hyung habang nakaharap kami sa malaking salamin. Nakapameywang pa siyang tumingin sa dalawang taong sinigawan niya.

Nahinto ang tugtog kaya naman pati kami ay natigil din sa pagsayaw at tinignan din namin yung dalawang asungot na nagsisimula na namang maghampasan. Wala namang pinagbago. Sila naman kasi palagi ang dahilan kung bakit palaging highblood si singkit.

"Hindi pa ba tayo pwedeng matapos?" hinihingal na tanong ni Jeonghan hyung.

"Almost 6 hours na tayong nagpapractice 'e. Magpahinga na muna tayo ng ilang minuto." dugtong niya pa samin at bigla na lang siyang humilata sa sahig dahil sa pagod.

Well, lahat naman kasi kami pagod na at hindi talaga titigil si Hoshi hyung hangga't hindi namin nape-perfect yung sayaw. Malapit na matapos ang world tour namin at ang huli na lang naming pupuntahan ay ang Philippines.

At tadaa~ makakapagpahinga na din kami sa wakas! Hayahay na naman kami neto at makakahilata na rin kami sa kama. Sisiguraduhin ko talagang makakabawi ako sa tulog. Halos nagpupuyat na rin kami sa kaka-praktis ng sayaw. Isa kaming sikat na kpop group dito sa South Korea at pati na rin sa iba't-ibang panig ng mundo.

"Eh paano ba naman kasi 'tong kabayo na ito 'e! Siya sisihin niyo! Bigla-bigla na lang niya akong tinapakan sa paa! I can't believable! My toes is hurt na!" maarteng sagot ni Seungkwan, ang asungot number one.

Tinuro pa talaga ni Seungkwan kung sino ang tinutukoy niyang kabayo. Napasapo naman si Hoshi hyung sa noo niya dahil heto na naman sila at nagsisimula na namang magbangayan. Halatang nagtitimpi na si Hoshi hyung sa pagkaasar. Lagi kaming nahihinto sa pagsayaw dahil sa dalawang kumag na ayaw magpatalo sa isa't-isa.

"Anong ako?! Tahimik lang akong sumasayaw dito tapos sisisihin mo ako?! Saka at least gwapong kabayo at wag mo akong ini-engrish engrish diyan 'a! Akala mo hindi kita naiintindihan ha?! PWES TALAGANG HINDI KITA MAINTINDIHAN!" sigaw naman ni Dokyeom, ang asungot number two.

Siya ang tinutukoy na kabayo ni Seungkwan. Itong dalawang 'to ang numero unong nagbabangayan sa aming lahat. Napapoker face na lang kaming lahat dahil sa bangayan nilang dalawa. Wala talagang patutunguhan ang dalawang 'to. Talagang nagturuan pa kung sino ang may kasalanan! Naalog ba ang utak ng dalawang 'to noon? O sadyang lumuluwag na ang turnilyo nila sa utak?

"Bacause I can speak english very well! At english yun, hindi engrish! Tanginang pronunciation 'yan. Siguro kapag malapit na ang end of the world, bobo ka pa din." sagot ni Seungkwan at kulang na lang ma-highblood siya. Lumalaki ang dalawa niyang mata pati na rin ang dalawang butas ng ilong niya.

Narinig ko naman ang mahihinang pagtawa ni Vernon at mukhang proud na proud pa siya sa sinabi ni Seungkwan. Sila Joshua hyung naman ay napailing-iling na lang ng ulo dahil sa katarantaduhan nitong dalawa. Wala ba talaga silang balak magpatalo?

Agad naman na akong pumagitna sa kanila dahil baka nagrambulan pa silang dalawa dito sa practice room namin. Ako lang naman ang taga-awat nila dito dahil ang iba walang pakialam at nag-eenjoy pa sa bangayan nung dalawang kumag.

Talagang walang magpapatalo kay Seungkwan at Dokyeom. Parang armalite kung rumatrat ang mga bibig nila. Aish. Nakita na lang namin na parehas na nilang hinihimas ang ulo nila. Well, nasapok lang naman sila ng leader namin na si Scoups hyung sa batok nila.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon