KABANATA 85: BAD DREAM

1.1K 123 50
                                    

KABANATA 85: BAD DREAM

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Narinig ko ang malakas na tunog galing sa kampana ng simbahan at hudyat naman iyon para malapit nang simulan ang magaganap na kasalan. Huminto rin ang puting limousine kung saan ako nakasakay. Ngumiti ako ng makita kong nasa labas ng simbahan ang mga taong mukhang ako na lang ang hinihintay nila.

Nakasuot ng puting barong ang mga kalalakihan at kulay pink naman sa mga babae. Rose Quartz and Serenity ang tema ng kasal namin ni Wonwoo. At talagang sobrang gaan tignan ang kulay lalo na't paboritong kulay ko ang tema na ginamit namin ngayon.

Bago ako bumaba sa sasakyan ay nakita kong nagmartsa na ang mga tao papasok sa loob ng simbahan hanggang sa sumarado ang pintuan ng simbahan kaya pinababa na ako ng isang babae which is siya ang mag-aalalay sa gown ko. Nagpasalamat lang ako sa kanya at naglakad palapit sa dalawang pinto. Huminga ako ng malalim at napangiti. Ito na ang araw ng kasal namin ni Wonwoo sa simbahan at masaya ako dahil dumating na ang araw na pinakahihintay naming dalawa.

Narinig ko na rin ang malumanay na tugtog galing sa iba't-ibang instrumento mula sa loob. Napakalumanay at masarap pakinggan sa tenga ang musika na yun. Dahan-dahang bumukas ang pintuan at doon ko nakita ang mga taong nakangiti habang nakatingin sa gawi ko. Nagsimula na rin akong humakbang palakad ngunit sa iisang tao lang ako nakatingin. Kay Wonwoo.

Si Wonwoo na nakatayo at naghihintay sa akin sa altar. Sobrang gwapo niyang tignan sa suot niyang black tuxedo. Tulad nila ay nakangiti rin siya sa gawi ko pero biglang nawala ang mga ngiti sa labi nila dahilan para magtaka ako. Tumingin ako sa pwesto nila Kaye at nagbulong-bulungan silang lahat. Binalik ko ang tingin ko kay Wonwoo na nakakunot na ang noo nito.

Bakit ganyan ang reaksyon nila? May mali ba sa suot ko? Hindi ba kanais-nais ang itsura ko? Pero bakit sa iba sila nakatingin? Kahit nagtataka ay nagawa ko pa ring sundan ng tingin kung saan sila nakatingin. Sa likod ko.

Lumingon ako at matinding takot ang naramdaman ko nang makita ko ang isang babae na nakasunod sa akin. Nahinto ako sa paglalakad at ganun din siya. Hindi lang yun ang napansin ko, nakakulay pula siyang gown at kilala ko ang mukha ng babae.

"Nicole?" banggit ko sa pangalan niya.

Anong ginagawa niya dito sa araw ng kasal namin ni Wonwoo? Sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman siya inimbitahan sa kasal namin. At bakit siya nakasuot ng pulang gown? Binalik ko ang tingin ko sa mga tao at mas dumoble ang pagtataka ko nang lahat sila ay nakangiti maski si Wonwoo.

Napaatras ako sa takot nang makita ko ang suot ko. Nakakulay pulang gown ako tulad ng suot ni Nicole kaya binalik ko ang atensyon sa babaeng yun pero labis ang hintatakot ko nang makitang siya na ang nakasuot ng wedding gown imbes na ako. Hindi ko rin magawang ihakbang ang dalawang paa ko hanggang sa makita kong nasa tapat ko na si Nicole at nakatingin sa akin.

Ngumiti siya sa akin na mala-demonyo at naglakad papuntang altar kung nasaan si Wonwoo. Sumigaw ako ngunit parang wala silang naririnig. Sumigaw ako ng sumigaw, tinawag ko ang pangalan ni Wonwoo maski sila Kaye pero walang nangyari.

Napatingin na lamang ako sa paanan ko nang maramdaman kong parang merong gumagapang at doon ko nakita ang napakaraming ahas. Ang kulay pulang gown na suot ko ay warak-warak na at puro putik kaya napatili ako ng malakas. Napasigaw at napatili na lamang ako sa matinding takot. Tinatawag ko ang pangalan nila Wonwoo ngunit tila hindi nila ako naririnig.

"Krystal! Krystal, wake up!" boses ng isang lalaki ang nagpagising sa akin kasabay ang pagyugyog nito sa balikat ko.

Mabilis akong napadilat at mukha ni Woozi ang agad bumungad sa akin. Bumangon ako sa pagkakahiga at napayakap ako sa kanya bigla. Ilang butil ng pawis ang tumulo sa noo ko pati ang luha ko. Naramdaman ko ang kamay niyang humahagod sa buhok ko pababa sa likuran ko para patahanin ako.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon