KABANATA 87: LOVE QUARREL II
JASMINE's POV
Nakikita ko naman sa mga reaksyon ng mga kasama ko na pare-parehas kaming may mga hang-over. Sa dami ng nainom namin kagabi ay paniguradong hang over ang abot namin neto. Ang iba ko namang kasama ay inaantok pa pero nagawa pa rin nilang bumangon ng maaga dahil susulitin pa namin ang bakasyon namin dito. Napatingin naman ako kay Jun nang ilapag niya sa harapan namin ang mga tinimpla niyang mga kape.
"Humigop muna kayo ng kape habang mainit pa. Para naman kahit papaano ay mawala ang amats niyo." sabi niya sa amin at tumingin sa mukha ko.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" tanong ko sa kanya habang hinihilot ko ang sentido ko.
Sumasakit kasi yung ulo ko dahil sa lintek na hang over na yan. Ni hindi ko nga matandaan kung paano na ako nakarating sa kwarto ko kagabi. Tumawa si Jun ng mahina at tinungkod niya ang kamay niya sa lamesa para makalapit siya kaonti sa akin.
"Hindi ko lubos akalain na napakabigat mo pala." sabi niya na nagpakunot ng noo ko.
"Anong pinagsasabi mo diyan? Nagiging weird ka na naman diyan ah." sagot ko sa kanya. Gwapo nga, napaka-weird naman niya.
"Wala ka bang natatandaan? Binuhat kita kagabi na parang isang si Cinderella. Wala bang thank you man lang diyan?" madrama niyang tanong at napaisip naman ako. Binuhat niya ako kagabi? Pero bakit wala man lang akong matandaan?
"Binuhat ka ni Jun hyung kagabi at hinatid ka pa niya sa kwarto niyo." biglang sabat ni Dino na mukhang kanina pa nakikinig sa usapan naming dalawa ni Jun. Umayos naman ako ng upo at nahihiyang tumingin kay Jun.
"Ganun b-ba? Edi t-thank you." sabi ko.
"Mukhang hindi naman bukal sa puso mo ang pagpapasalamat pero well, tatanggapin ko pa rin yan. Next time, hinay-hinay kang kumain ah? Baka kapag nagka-boyfriend ka, bigla siyang makipag-break sayo dahil hindi niya kinaya ang kabigatan mo." Jun at nginisian ako.
Tila parang umusok naman ang ilong ko sa sinabi niya. Walanghiya, talagang balak pa niya akong asarin dito. Suntukin ko betlog neto 'e.
"Aba, sana hindi mo na lang ako binuhat kung magrereklamo ka rin naman!" naaasar kong sabi sa kanya.
Pero seryoso? Mabigat ba talaga ako? Sobrang takaw ko kasing kumain eh! Pero kung ganun, shit nakakahiya! Isang Wen Junhui na member ng Kpop group na SEVENTEEN ay binuhat ako at nabigatan pa sa akin!
"Hephep, magsitigil kayong dalawa diyan. Kay aga-aga ang iinit ng ulo niya. Kayo din, baka mamaya kayo pa ang magkatuluyan diyan!" pagsasaway ni Seungkwan sa amin at parang pinamulahan naman ako ng mukha sa sinabi niya.
"Ayieee, si Jasmine namumula oh!" pang-aasar pa lalo ni Dokyeom at lahat sila ay tinukso na kami. Gusto ko ng magpalamon sa lupa pero itong si Jun ay may pangiti-ngiti pa at tila gustong-gusto pa na tinutukso siya nila Seungkwan sa akin. Jusko, ganito ba talaga ka-weirdo ang gwapong lalaking 'to?
"Tigil-tigilan niyo ako ah! Teka, asan pala yung mag-asawa?" pang-iiba ko ng usapan para hindi kami ni Jun ang hot topic dito. Malalakas pa naman silang mang-asar lalong-lalo na si Dokyeom at Seungkwan.
"Oo nga pala, asan yung dalawa?" pagtatanong naman ni Kuya Knight.
"Hindi ko alam kung saan nagpunta si Krystal eh. Pero nagising ako kanina na sa kwarto namin siya natutulog. Naligo lang ako tapos paglabas ko ng banyo wala na siya." sagot ni Kaye. Sa kwarto namin natulog si Krystal? Bakit hindi ko yun alam?
"Nakita ko siya kanina, nakapang-jogging pants. Nagpaalam siya akin na mag-eexercise lang daw siya saglit." usal ni Joshua bago siya humigop ng kape.
"Teka, doon natulog si Krystal sa kwarto niyo?" pagtatanong ni Mingyu at tumango naman ng ulo si Kaye.
BINABASA MO ANG
Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITED
FanfictionCOMPLETED ✔ What would you do if you found out you were a royal princess? What would you do if you were the missing princess and everyone thought you were dead? But what if, the thirteen boys suddenly appeared in your life? What if the famous and ha...