KABANATA 90: A WEDDING DAY
SWEETHEART KRYSTAL's POV
Today is our wedding day. I still can't believe Wonwoo and I end up like this, na yayayain niya akong magpakasal sa simbahan. Labis ang sayang nararamdaman ko at napakasaya ko. Ako na yata ang pinaka-swerteng babae dahil natupad ang pangarap kong maikasal sa taong mahal ko at sabay kaming pangangako sa harap ng altar at sa Diyos. Dati iniisip ko kung ano ang pakiramdam na magpakasal sa simbahan. Ngayon ay alam ko na kung ano ang feeling.
Tinignan ko ang sarili kong repleksyon sa harap ng malaking salamin. Nakasuot lang ako ng puting bathrobe at medyo basa pa ang buhok ko dahil kakatapos ko lang maligo. Sinundan ko naman ng tingin ang magiging make-up artist ko pati ang mga staff niya dahil inaayos pa nila ang mga make-up kit sa lamesa para hindi hassle sa pagkuha kapag aayusan na ako.
This is a big day for me and it will be the best day because Wonwoo and I will finally face each other in front of the altar to exchange wedding vows and that's where I'm really nervous. Ano kayang sasabihing vows ni Wonwoo? Hindi ko tuloy mapigilang ang ma-excite dahil gustong-gusto ko ng marinig ang vows namin.
"Hello our beautiful bride!"
Lumingon naman ako sa taong nagsalita. Agad namang rumehisto ang matamis na ngiti sa labi ko nang makitang nagsipasukan sila mama at papa pati na rin ang parents ni Wonwoo.
"My baby.. finally ikakasal ka na.." ani mama at nagsimula na naman mamuo ang luha sa mata niya kaya parehas kaming natawa ni papa. Naalala ko tuloy yung graduation ko, ganyan na ganyan siya nun.
"Mama naman, baka masira ang make-up niyo niyan eh." natatawa kong sabi.
Pare-parehas na silang mga naka-makeup at maayos na rin ang mga buhok nila pero kapwa sila mga nakapang-bahay na damit dahil masyado pang maaga.
"Eh paano ba naman kasi, parang kailan lang nung katabi pa kitang matulog at hinahatid pa kita sa school mo. Ngayon ikakasal ka na." madrama niyang sabi at na-touch naman ako dahil talagang binalikan pa ni mama ang mga alaala na magkasama kaming dalawa noon.
"At palagi po akong nagpapasalamat sa inyong dalawa ni papa dahil sa inyo ako napunta at kayo ang kinilala kong magulang." sambit ko na ikinangiti nilang dalawa ni papa.
"Naku mare, ang swerte niyo at dumating sa buhay niyong mag-asawa si Krystal." sabi naman ng Eomma ni Wonwoo at napatango-tango naman sila mama sa sinabi niya.
"Masaya kami dahil sa dinami-rami ng lalaking umaaligid-aligid dito sa anak namin ay kay Wonwoo siya napunta." Papa.
"At maswerte naman kami dahil si Krystal ang naging daughter in-law namin." sagot naman ng Appa ni Wonwoo at sabay-sabay silang nagtawanan. Mukhang close na close na silang apat dahil parang hindi sila awkward kapag nag-uusap.
"Oh s'ya! Napadaan lang kami dito para ma-check ka. Bilisan mong mag-ayos para hindi ka ma-late sa kasal niyo." turan ni mama at nagpasalamat naman ako sa kanila bago ko sila hinatid palabas ng kwarto.
"Young lady, magsisimula na po tayo." tawag sakin ng make-up artist at tumango naman ako sa kanya. Agad akong naupo sa tapat ng lamesa na may salamin. Naghahalo na ang kaba at excitement sa puso ko.
Napadako ang tingin ko sa gilid ng salamin nang mapansin kong bumukas ang pintuan. Bumungad sakin si Mingyu na may hawak-hawak na camera at napaka-propesyonal niya sa ganyan. Sumunod naman si Minghao na may hawak ring camera at kinukuhanan ako ng litrato.
Si Mingyu ang kinuha naming videographer habang si Minghao naman ang photographer. Nung una balak talaga namin ni Wonwoo na kumuha na lang ng iba pero sila ang nag-suggest na kunin at pinilit pa nila kami kaya wala na kaming nagawa pa ni Wonwoo.
BINABASA MO ANG
Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITED
FanfictionCOMPLETED ✔ What would you do if you found out you were a royal princess? What would you do if you were the missing princess and everyone thought you were dead? But what if, the thirteen boys suddenly appeared in your life? What if the famous and ha...