KABANATA 57: WHY?

1.2K 142 73
                                    

KABANATA 57: WHY?

SWEETHEART KRYSTAL's POV

I looked at him but he was just quietly looking out the window. May problema ba siya? Kanina pa siya hindi kumikibo eh. Nakaalis na din kami sa ospital at kasalukuyan na kaming pauwi ngayon. Muli kong tinignan si Mingyu pero hindi pa rin siya nagsasalita. He was not like that before. This past few day, nagiging madalas na ang pagiging tahimik niya. I'm not used to him being like that. He was always smiling and he was also talkative. But now, he is quiet.

Baka naman bad mood lang siya ngayon o baka pagod lang siya? I don't know. Hindi ko mabasa ang nasa isipan niya at mas lalong hindi ako si madam Auring para mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.

I sighed and looked at someone sitting next to me. His hand rested on his chin and his eyes were closed. Maybe he's tired too? Well, Wonwoo's face shows tiredness and it looks like they did a lot of work. Sunod-sunod ba naman ang nakalinyang schedule nila.

Ganun din sila Jeonghan at Hoshi na mahimbing na natutulog. Ako, yung driver at si Mingyu lang ang gising ngayon. Nasa kabilang Van naman nakasakay yung iba at hindi ko kasama si Seungkwan o si Dokyeom para sana makadaldalan sila. Para tuloy akong nabibingi sa sobrang tahimik dito sa sasakyan.

Nakarating na rin kami sa bahay pero napakunot-noo ako nang makita ko ang kotseng nakaparada sa labas ng gate. That car is familiar to me. Ito yung kotse ni Chaeryoung. Ginising ni Mingyu sila Hoshi bago kami bumaba sa sinasakyan naming Van. Dumating na rin ang isang Van na sinasakyan nila Cheol at agad din silang nagsibabaan.

"Chaeryoung? What are you doing here?" narinig kong tanong ni Mingyu sa babaeng bumaba sa kotseng yun. Sumilay ang ngiti sa labi niya at agad niyakap si Mingyu.

"Sorry kung nagpunta ulit ako dito. Nabo-bored lang ako sa bahay kaya naisipan ko na magpunta na lang dito to see all of you." masigla niyang sabi.

Agad namang nagsilapitan ang lahat sa kanya maliban kanila Jeonghan at Woozi na tumabi sa akin.

"Tara, pasok na tayo sa loob." aya ni Jeonghan sakin at tila na nawala yata ang antok niya.

Hindi ako agad nakasagot dahil iginiya niya na ako sa aking braso para pumasok na kami sa loob. Hindi na namin tinignan yung iba at hindi na rin kami nakapagpaalam na mauuna na kaming pumasok sa loob dahil busy sila sa pagkukwentuhan.

"Ipagluluto ko lang kayo ng pagkain." sabi ko sa dalawa kong kasama. Lunch time na rin kasi kaya paniguradong pati sila nagugutom na din.

"I will help you.." ani Jeonghan. Hindi na ako tumutol pa at dumiretso na kaming tatlo sa kusina.

"May nabanggit pala si Wonwoo kanina. Nabalitaan namin yung nangyari sayo sa Royal House kahapon. Anong plano mo?" tanong bigla ni Woozi at naupo sa upuan. Nagtungo kami ni Jeonghan sa sink para maghugas ng kamay bago ako humarap kay Woozi.

"Hindi ko alam. Pinilit ako ni mama na pumayag ako sa kagustuhan ni King Adamson. If I agree, mawawala sa pangalan ko ang pagiging isang Abellano." sagot ko sa kanya at niready ang lulutuin kong pagkain.

"Maybe it's for your own good kaya naisipan ni King Adamson na gawin yun." Jeonghan dahilan para mapabuntong-hininga ako.

"I remember everything except what happened in the accident." I admit so they both looked at me.

"Nakakaalala ka na?" di-makapaniwalang tanong ni Jeonghan kaya tinanguan ko siya.

"When I lost consciousness at the Royal House yesterday, nagsibalikan lahat ng mga alaala ko. I thought everything was just a dream until I realized it was my memory. Pati childhood bestfriend ko nakalimutan ko." pagkukwento ko sa kanila.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon