KABANATA 86: LOVE QUARREL

1.2K 117 53
                                    

KABANATA 86: LOVE QUARREL

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Lahat kami ay agad nagsalo-salong kumain ng hapunan. Nakahain na ang mga niluto nilang pagkain sa mahabang lamesa dito sa labas malapit sa dagat. Malamig ang simoy ng hangin dahil gabi na pero nakakatulong ang bonfire para mabigyan kahit papaano ng init ang paligid naming lahat.

"KAINAN NA!" sigaw ni Dokyeom at natawa naman ang iba sa kanya. Saglit kong tinapunan ng tingin si Wonwoo na katabi ko pero wala man lang siyang imik.

Nagsimula na ring magsisandukan ang iba at naaamoy ko na rin ang main dishes na nakahain ngayon sa hapag-kainan. Ang inihaw na isda na mismong si Kuya Carson ang nagluto. Specialty niya kasi yun at balak niya talagang Culinary Arts ang kuning kurso dahil pangarap niyang maging Chef pero dahil pinilit siya ni Tito na kumuha ng Business Administration kaya ginive-up niya ang dream course niya.

Pasandok na rin sana ako nang mapansin kong nilagyan ni Nicole ng kanin ang plato ni Wonwoo. Mukhang ako lang ang nakapansin nun dahil busy ang iba sa pagsandok ng mga makakain nila. Tinignan ko si Nicole at ngumiti lang ito kay Wonwoo. Pinasadahan ko naman ng tingin si Wonwoo na tipid na ngumiti at talagang hindi man lang niya tinanggal ang pagkaing nilagay ni Nicole sa plato niya. Wow, ang sweet naman nilang panoorin.

Para naman akong nawalan ng ganang kumain pero mas pinili ko pa ring magsandok. Nakita ko naman ang niluto namin ni Kaye na chicken curry kaya agad ko namang nilagyan ng ulam ang plato ni Wonwoo. Tumulong din kasi akong magluto nito kanina at ako pa mismo ang nagtimpla nito.

"Subukan mong kainin 'to, promise masarap yan." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Thanks." tipid na sagot ni Wonwoo at hindi man lang siya tumingin sa akin.

Tuluyan namang nawala ang ngiti ko nang lagyan ni Nicole ang plato ni Wonwoo na hinimay niyang pritong bangus. Seriously? Nananadya ba ang babaeng 'to?

"Try to eat this, ako mismo ang nagluto niyan. Subukan mo namang bigyan ng score kung masarap ba." nakangiting sabi ng babaeng 'to at kulang na lang tusukin ko ang mata niya dahil grabe kung makatingin sa asawa ko. Nakakahalata na ako kanina pa. Don't tell me interesado siya kay Wonwoo?

"Sure." nakangiting sagot ni Wonwoo dahilan para tumaas ang isa kong kilay. Ngiting wagi naman si Nicole at tumingin siya sa akin pero agad din siyang napaiwas ng tingin sa akin.

"Woah, masarap ito. Hindi ko alam na magaling ka palang magluto." nakangiting sabi ni Wonwoo at literal naman na nawala ako sa mood. Ni hindi man lang niya tinikman yung chicken curry na nilagay ko sa plato niya.

"Good, akala ko maalat. Napasobra pa naman yung lagay ko ng asin kanina." natatawang sagot ni Nicole at narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Wonwoo.

Talagang inubos pa niya ang ulam na niluto ni Nicole at parang wala siyang nakikitang chicken curry sa plato niya. Gusto ko sanang sabihin na niluto ko din ang chicken curry pero parang hindi naman siya interesado kahit na sabihin ko pa yun.

"Subukan mong tikman 'to, niluto ni Seungkwan at Hoshi yan." narinig kong salita ni Wonwoo at inalok niya si Nicole ng kimchi. Ako hindi ba niya aalukin? Haleer, ako ang asawa niya at hindi si Nicole!

Naninikip ang dibdib ko, nakaramdam ako ng selos at nasasaktan ako sa pinapakita sa akin ni Wonwoo ngayon. Parang hindi niya ako katabi at tila nag-eenjoy pa siyang kausap si Nicole. Ngumiti na lang ako ng mapait at pilit na sumubo ng pork barbecue baka makahalata pa sila Kuya Ace.

Ayokong sirain ang bakasyon na ito. Pero ayaw makisama ang bibig ko. Ni ayaw nitong nguyain ang sinubo kong pagkain. Huminga ako ng malalim at pinilit na huwag tumulo ang luha ko. Masyado ba akong sensitive? O talagang dala lang ito ng selos? Pero syempre magseselos ako at natural lang na makaramdam ako ng pagkaselos dahil asawa ko si Wonwoo at mahal ko siya.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon