KABANATA 40: CAN I KISS YOU?

1.6K 161 93
                                    

KABANATA 40: CAN I KISS YOU?

SWEETHEART KRYSTAL's POV

Katulad nga ng sinabi nila, tinour na ako ni Cheol dito sa bahay nila. Napakalawak ng espasyo ng bahay nila kahit na dalawang palapag lamang ito. He showed me the mini cinema room on the second floor. They also have a lounge bar room with bottle shelves and seats on the first floor. In front of the lounge bar room, there is the swimming pool and jacuzzi. They also have a large gym kaya nasilayan ko ang mga gym equipment nila lalo na yung treadmill. Alagang-alaga talaga sila sa kanilang pangangatawan.

Pagtapos akong i-tour ni Cheol, pinabalik ko na siya sa kwarto niya para makapagpahinga na siya. Halos lahat sila ay nasa kani-kanilang mga kwarto. Baka mga napagod sila dahil sa paglilibot namin sa Lotte World kagabi. Ni hindi man lang sila kumain para mag-breakfast. Tahimik sa buong bahay kaya dumiretso ako sa kusina para magluto ng makakain namin. Niready ko na agad ang mga ingredients na lulutuin ko. Simpleng rice soup with chicken garlic onion and egg ang niluto ko. Pwedeng-pwede na ito dahil hindi sila nag-almusal kanina.

Matapos kong magluto ay inilagay ko lang ang rice soup sa bawat bowl at pinatong sa foldable bamboo wood tray. Naglagay na rin ako ng glass of milk bago ito binuhat at una kong dinalahan ng pagkain ang maknae na si Dino. Inilapag ko muna sa sahig ang tray at kumatok sa kwarto niya. Bumukas din ito at niluwa nito si Dino na magulo ang buhok at mukhang kakagising lang.

"Ikaw pala noona.." mahinang sabi niya nang makita ako. Kinuha ko naman ang tray na nakalapag at pinakita sa kanya.

"Nagluto ako ng pagkain. Kumain ka muna." nakangiting sambit ko.

"Nag-abala ka pa noona.." nahihiyang sabi niya at napakamot pa sa kanyang ulo.

Pinapasok naman niya ako sa kwarto niya kaya inilapag ko naman sa center table ang pagkain. Nagpaalam naman ako agad at bumalik agad sa kusina para kumuha ng pagkain. Dinalahan ko rin ang iba ng pagkain at mga gising na pala sila. Tinatamad lang siguro silang magsilabasan sa mga kwarto nila.

"Ikaw ang nagluto nito?" tanong ni Joshua sa akin nang madalahan ko rin siya ng pagkain. Nakangiti naman akong tumango sa kanya.

"Pasensya na kung yan lang ang nailuto ko. Malamig sa labas kaya naisipan kong maglito ng soup." sabi ko sa kanya. Actually umuulan sa labas. Buti nga hindi kami naabutan ng ulan nung makauwi kami kanina.

"Nag-abala ka pa." tila nahihiyang sambit ni Joshua.

"Naku, wala yun. Sige, dadalhan ko lang din yung iba." paalam ko. Lalabas na sana ako sa kwarto niya nang pigilan niya ako gamit ang paghawak sa aking kamay.

"May sasabihin ka pa ba?" tanong ko sa kanya. Napakamot pa si Joshua sa ulo niya at nginitian ako ng matamis.

"Salamat." aniya. Nakangiti lang akong tumango bago ako lumabas sa kwarto niya.

Huminga naman ako ng malalim sa sunod kong pagdadalhan ng pagkain. Huminto ako sa kwarto ni Wonwoo nabg makuha ko ang kanyang pagkain sa kusina. Sa totoo lang, ngayon lang akong nailang sa kanya dahil sa nangyari kahapon. Pero parang wala lang sa kanya ang nangyari at ganun pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Ako lang siguro itong masyadong apektado sa ginawa niya. Kumatok muna ako ng tatlong beses at naghintay.

"Come in." rinig kong salita ni Wonwoo sa loob ng kwarto niya.

Muli akong napabuntong-hininga at binuksan muna ang pinto bago ko kinuha ang tray na nasa lapag. Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at naabutan ko siya na nakasandal sa kanyang headboard ng kama niya habang nagbabasa ng libro. Ngumiti siya ng makita ako kaya sinuklian ko din siya ng tipid na ngiti.

Seventeen And The Long Lost Royal Princess | UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon